Chryll's point of view Yakap ni Master ang isang kamay ko habang mahimbing ang kanyang tulog. "Master, gusto kong magbanyo." Sabi ko sabay hatak sa aking kamay pero ang higpit ng kanyang yakap. Naiihi na ako talaga at gusto kong maligo dahil parang nanlalagkit ako. Inipon ko ang aking lakas sabay hatak sa aking kamay kaya nagising siya. "Yes, Ban." "Gusto kong magbanyo master." Mabilis siyang bumangon at itinulak ang sofa pagkatapos ay inalalayan niya ako na halos buhatin na niya ako. "I will just carry you." Sabi niya na binuhat na talaga ako habang hawak ng isang kamay niya ang swero. Para na akong panganay na anak ni Master nito. Pagpasok namin sa banyo ay dahan-dahan niya akong ibinaba at isinabit ang aking swero. Mabilis kong ibinaba ang pang-iiba ko na suot kasama ang pan