Dox's point of view Sumakit ang aking ulo habang kausap ko ang aking mga anak. Mas mahirap pa silang kausap kaysa sa mga nakakausap ko sa larangan ng negosyo. Mukhang maagang lalabas ang mga puti kong buhok kung sila nag lagi kong kausap lalo na kung ang topic ay tungkol sa pambubully. Hindi sila nauubusan ng paliwanag para maipagtanggol ang kanilang sarili. Sana buhay pa ang aking mga magulang dahil mas mahaba ang pasensiya nila sa akin lalo na na si Daddy. Kumain na kami ng lunch, ayoko sana silang pakainin ng matamis para maaga silang mag nap pero kahit si aling maliit ay gusto din kumain. Kaya ang ginawa ko ay pinagod ko na lang sila sa hanggang sa gusto na nilang mag pahinga. Sinabihan ko si Ban na magpahinga din na muna habang pina patulog ko ang mga bata. Nang nasa kwarto ka