Chyrll's point of view Napagpasyahan ko na labhan ang mga damit ni Master na napaglumaan niya. Mabango at malinis man ito pero malay ko bang may itinatago din siya, mamaya ay nahawaan pa ko. Imbis na wala akong problema sa aking balat. Kinuha ko na din ang marumi kong mga damit para minsanan na ang aking paglaba. Binuhat ko ulit ito at pagdating sa hagdanan ay pinagulong ko ulit. Nagtataka tuloy ako, kawawa naman ang nakatoka na maglaba dahil ibababa pa niya ang mga labahin. Ang taas pa man din ng hagdanan. Agad kong sinundan ang damit na pinagulong ko at nakapamaywang si si Ateng balakubak. "Hoy, ano ang mga ito?" Tanong niya na binuksan ang mga labahin na damit." Pagbukas niya ay naningkit ang kanyang mga mata. "Magnanakaw! itatakas mo ang mga damit ni Sir ano?" Tanong niya na gal