Chyrll's point of view Pagkatapos kong kausapin ang aking amo ay bumili ako ng aking merienda. Buiscuit lang dahil mamaya ay kakain na ako ng lunch. Pag-upo ko ay narinig kong ako na ang pinag-uusapan. "Siya pala ang Yaya ng kambal. Sigurado ako na hindi gaanong mayaman ang amo nito dahil tignan ninyo walang budget at nagbaon pa ng pagkain." Dinig ko na sabi ng babae. Patay malisya lang akong binuksan ang aking binili at kumain habang pinapanuod ko ang mga videos ng aming mga kapitbahay. I was muna ako sa away dahil masakit pa ang likod ko. Hindi ko namalayan ang oras. Tumigil din kadadaldal ang babae. Mas lalo tuloy sumakit ang aking likod na naka upo lang kaya tumayo na ako at binuksan ang aking ulam. Lahat sila ay naka tingin sa akin, feeling sosyal ang mga hinayupak na Yaya na ka