'Ang katotohanan ay nagtatago sa kasinungalingan at ang kasinungalingan ang minsang nagiging katotohanan.'- Ren WP -SERENITY P.O.V- Naandito parin ako sa Ospital dahil hindi muna ako pinayagan lumabas ni Taz dahil ipinipilit nya na mahina pa ang katawan ko.Ok na naman ako talaga lang na OA si Taz kaya pumayag na ako,nalaman ko na din na drugs ang itinurok sa akin ng kung sino man ang nagturok nun sa akin kaya pala sobra akong nanghina dahil dun.Pinaliwanag sa akin ni Tad na kung hindi agad ako nadala sa Ospital ay baka naging delikado ang buhay ko. Nakasandal lang ako sa higaan ko habang hinihintay ang pagbalik ni Taz,tinawagan kasi sya ng secretary nya dahil hinahanap daw sya ng Uncle nya kaya kahit ayaw nya ay napilitan syang magpunta,kakaalis lang nya ay namimiss ko na agad sya pero