CHAPTER 6 Napapatingin at napapahinto lahat ng mga estudyante ng Unibersidad De Manila lalo na ang mga kababaihan sa apat na nagagwapuhang lalaki na magkakasamang namamahinga sa isang bench kung saan may malaking manggahan na nakatayo malapit sa pwesto nila. May napapatigil pa sa paglalakad para matitigan ang apat na ito at pinagmamasdan sila habang ang ilan sa mga kalalakihang estudyante ay naangasan sa kanila dahil nagiging takaw atensyon sila sa UDM. May mga kababaihang kinikilig sa kanila at ang iba ay nagtutulakan para lang malapitan sila samantalang hindi napapansin ng apat na ito ang nangyayari sa paligid nila dahil busy ang mga ito sa kanikanilang ginagawa. Parehas na nagbabasa ng libro sina Balance at Ford habang si Travis ay busy sa paglalaro sa cellphone nya at si Taz ay pok