-SERENITY P.O.V- Papunta ako ngayon sa bahay ni Mama,alam kong ayaw nya akong nakikita pero gusto ko syang kamustahin.Bumili nga ako ng Cake para sa kanya dahil paborito nya ito.kahit Wala akong masyadong tulog kagabi dahil sa pagpunta ng lalaking yun sa apartment ko.Pinilit kong makabili ng cake para kay Mama.Wala pa nga ata ako sa huwisyo ngayon dahil sa lalaking yun,Magdamag syang nasa isipan ko lalo na ang paghingi nya ng sorry na naging dahilan para mahirapan akong matulog.Pagulong-gulong na nga ako sa kama ko para makakuha ng tulog pero wala parin laging pumapasok sa isip ko ang sinabi nya. Kagabi ko pa iniisip eh!Ano kayang nakain ng lalaking yun at naisipang manghingi ng sorry sa akin samantalang nung huling usap namin eh grabe kung makapag bitaw ng salita.He even called me slut