-THE WEDDING- -GAIL P.O.V- Isang linggo ang lumipas matapos ang pagsubok na hinarap namin ni Taz,isang linggo din syang nanatili sa Ospital para magpagaling.Ang gusto pa nga nya nun ay lumabas na agad dahil gusto nya nang ayusin ang kasal namin ulit.Kung hindi ko pa sya tinakot na wala ng ikalawang kasal na magaganap pag hindi pa sya nagpagaling ng ayos,hindi sya titigil sa Ospital para magpagaling ng ayos. Ako ang nag aalaga sa kanya sa Ospital at dumadalaw-dalaw sina Balance pag wala silang ginagawa,minsan sina Papa Fred at Daddy ang nabisita,minsan naman si Lolo Dan.Masaya ako ngayon para kay Taz dahil nawalan man sya ng dalawang tao na mahalaga sa buhay nya ay may pumalit naman at nanatili sa tabi nya tulad ng Phantom DX Gang. Ako?Siguro masasabi kong ako ang pinakamasayang babae s