'Never lie to someone who trusts you,and never trusts someone who lies to you'- Mister Banatero -TRAVIS P.O.V- Tatlong araw ang lumipas simula ng patayin mismo sa harapan ni Taz ang Uncle Vince nya na alam kong dumurog sa puso nya.Alam kong nagpabalik tanaw kay Taz ang nangyari noon sa pamilya nya dahil sa nangyari kay Uncle Vince,sa tatlong araw na lumipas ay tahimik lang si Taz,wala syang masyadong kinakausap sa amin maliban nalang kay Gail,magsasalita lang sya sa amin pag may nakukuha kaming impormasyon tungkol sa Orion.Nagpapasalamat ako dahil nasa tabi ni Taz si Gail na naka suporta sa kanya,masasabi kong natulungan ni Gail si Taz na malimutan ang nangyari sa Uncle Vince nya dahil makalipas ang tatlong araw na parang nawalan ng gana si Taz ay bumalik na dating sya na nagsusungit sa