-THIRD PERSON P.O.V- Nagkakagulo ngayon sa conference room kung saan gaganapin ang meeting ng mga board members ng Westaria group of Company dahil hanggang ngayon ay wala parin ang kanilang C.E.O at Hindi sila pwedeng magsimula ng wala ito.Ilan sa mga board members ay nagtataka kung bakit wala pa ang may ari ng kumpanyang pinagtatrabahuan nila sa pagkaka alam nila ay on time ito sa mga meeting at hindi nalalate. Samantala ay hindi mapakali si Mr.Teron sa kakapindot ng cellphone nya dahil hindi nya makontak ang Big Boss nya.Hindi nya kasi alam kung anong sasabihin sa mga board members dahil wala pa ito.Marami ng nagtatanong sa kanya pero wala syang masabi na sagot.Ang alam nya ay tapos na ito sa pakikipag usap kay Mr.Sato dahil ng ipadala nya ang transaltor para sa Amo nya ay wala na iton