Chapter 01
-GAIL P.O.V-
"BALIW KA BA GAIL HA? BAKIT HINAYAAN MONG MAKUHA NG SINONG LALAKE ANG PERLAS NG SILANGANAN MO HUH?!"
Ayan po ang sigaw sa akin ng bestfriend kong si Sora matapos kong ikwento ang mga nangyari sa akin kahapon mula sa Mama ko hanggang sa lalaking nakakuha ng p********e ko. Anong magagawa ko eh nalasing nga ako ng sobra kaya hindi ko na alam mga ginagawa ko. Nagpakalunod nalang ako sa alak para mawala sakit ng dulot ni Mama sa akin, malay ko bang magigising nalang ako na may katabi ng hubad na lalaki at ang masama pa may nangyari sa amin.
"Lasing nga kasi ako nung mga time na ‘yun Sor--"
"Kesyo lasing ka o hindi dapat hindi mo hinayaang may mangyari sa inyo! Ikaw talaga Gail akala mo sa lahat ng problema alak ang solusyon, tingnan mo tuloy nangyari sayo."putol ni Sora sa sasabihin ko na tumabi sa akin sa sofa na kinauupuan ko.
Alam ko ang bestfriend ko, magagalit yan sa akin sa una pero kinalaunan hihinahon na yan. Kaya nga sa kanya ako lumapit ngayon eh. Ayokong umuwi sa apartment ko baka maisip ko na naman si Mama.
"Bakit kasi pumunta ka sa mama mo eh alam mo namang ipagtatabuyan ka lang nun."mahinahong tanong ni Sora sa akin.
Alam ni Sora ang relasyon namin ni mama, alam nya na simula bata palang ako ayaw na sa ng sarili kong ina. Wala naman akong maitatago sa kanya, para ko na syang kapatid. Tulad ko, journalist din si Sora dahil ito ang pangarap talaga naming dalawa kaya ginawa namin lahat para makuha ang gusto namin.
"Alam mo naman na hindi ko matitiis si mama eh! Kahit pinagtatabuyan nya ako hindi ako magsasawa sa kanya."ngiting sabi ko kay Sora.
Ganun talaga siguro ang mga anak, hindi matitiis ang isang ina.
Bumumtong hininga ang kaibigan ko at sumandal sa sofa na kinauupuan namin bago tumingin ulit sa akin.
"Ano ba kasing issue ng nanay mo sayo at ayaw na ayaw sayo? Parang ang laki ng galit sayo eh."tanong ni Sora na wala naman akong maibibigay na sagot sa kaniya.
Isa pa, ‘yan din ang tanong ko lagi sa sarili ko. Ano bang nagawa ko at ayaw sa akin ng sarili kong ina?
"Teka! maiba ng usapan, anong gagawin mo ngayon ha? Paano kung mabuntis ka ng lalaking nakatalik mo kagabi? Tanda mo pa ba itsura niya? Para kung nakabuo kayo may hahabulin tayo."pahayag ni Sora na ikina-init ng pisngi ni Gail.
"Hi-hindi eh, hi-hindi ko nga maalala ang mukha nya sa sobrang kalasingan ko.Pag gising ko nalang katabi ko na sya. Hindi ko naman nakita ang mukha ng maayos kasi nakatalikod siya sa akin tsaka sa sobrang takot ko sa nangyari tumakbo na ako"
Napakagat ako sa labi ko dahil sa kasinungalingang sinabi ko kay Sora. Ayaw ko ng pakalakihin kasi ang issue na ito, wala naman sigurong mabubuo dahil isang beses lang naman yun tsaka kung meron man hindi ako maghahabol sa lalaking yun. Kaya ko naman palakihin kung may bata mang mabuo sa tiyan ko. Kilala ko kasi si Sora eh, parang si Tandang Sora ito matapang.
Atsaka sino bang makakalimot sa mukha ng lalaking yun lalo na ang mga mata nya, kahit siguro pikit ako ay maalala ko parin sya.
"Tanga mo naman kasi, sana sinama mo kong uminom para hindi nawala ang pinaka iingatan nating mga dalaga."
"Ka-kalimutan na natin yun Sora,t utal naman hindi ko naman tanda ang lalaking yun. Tsaka for sure tulad ko hindi rin ako tanda ng lalaking yun. We just did a casual s*x nothing more kaya kakalimutan ko nalang yun."ngiting sabi ko kay Sora na nakatanggap pa ako ng mahinang hampas sa braso ko mula sa kaniya.
"Baliw! Paano mo makakalimutan ang nangyari sa inyo ng 'whoever that stranger who got your pearl' eh sya lang naman nakakuha ng pinagkainga’t- ingatan mong virginity. Kahit sa ex mong si Dylan hindi mo binigay yan tapos mapupunta lang pala sa stranger."pahayag na sermon ni Sora sa akin.
May tama naman sya alam ko sa sarili ko na hindi ko makakalimutan ang ang gabing may nangyari sa amin ng lalaking yun na may magagandang pares ng mata, pero kailangan kong subukan.
"Kalimutan na lang natin Sora please…"
Ayoko ng pagusapan kasi ang bagay na hindi ko na naman maitatama, I have too much to think na kasi at kailangan na hindi ‘yun makadagdag sa isipin ko.
"Tss! Oo na kahit gusto kong itanong ang pakiramdam mo nung in-explore ka nung lalaking stranger na yun."
"Inexplore? Grabe ka Sora manahimik ka na nga!" sita ko sa kaniya, pinamulhan tuloy ako ng mukha dahil sa sinabi ni Sora.
Kalimutan na nga may ganun ganun pa, natawa naman sya sa itsura ko. Bully!
"Oo na! Teka alam mo na ba na may bagong assignment sayo si Editor in chief ha?" pagiiba ng usapan ni Sora.
Assignment ulit?
Meron ulit? Kakatapos ko lang mag scoop ng issue may assignment na ulit ako? Hindi ba uso kay boss ang pahinga?
"Ulit?"ulit na tanong ko na ikinatango ni Sora sa akin.
"Yep! Alam mo naman na paborito kang magtrabaho ni boss dahil sa husay mo bilang journalist. Sana naman kahit papaano ay taasan ni boss ang sahod natin.”pahayag ni Sora na may kaunting reklamo sa boss namin na bahagyang ikinangiti ko nalang.
Isa pa, ginagawa ko lang naman ang trabaho ko.
"Ano bang bago kong assignment?"tanong ko
Hindi naman ako makakahindi kay boss, trabaho yan eh. Tsaka mas ok ng may ginagawa para mawala muna sa isip ko ang problema ko kay Mama at sa nangyari sa amin ng lalaking yun.
Umayos sa pagkakaupo si Sora at humarap sa akin ng maayos.
"You have to interview the successful Young billionaire and C.E.O of Westaria Group of Companies, Mr. Taz Ezra Westaria."ngising balita ni Sora sa akin
Napanganga ako sa assignment ko na sinabi ni Sora,
Seriously?bakit sa akin ini-assign ang lalaking yun na mailap pa sa daga?
Ang nabasa ko sa internet tungkol sa lalaking yun ay masyado daw itong pribado at may kaunting attitude problem. Kaya lang madamot ata ang social media dahil wala man lang itong kahit isang picture ng lalaking yun.
Paano ko makikilala si Mr.Westaria kung sa social media ay wala itong litrato?
"Challenging ang bago mong assignment Gail ha! Actually matagal ng gustong mainterview ng station natin ang billionaire na yan kaya lang walang chance." sabi ni Sora na ikinatunganga ko sa kaniya.
"Wala palang chance bakit gagawin ko pa? Kung zero percent ang chance na ma interview ko ang Mr. Westaria na ‘yan bakit kailangang siya pa maging subject ko?"angal ko kay Sora
Kung ayaw painterview ng Mr.Westaria na yun bakit gagawin ko pa diba? sayang sa panahon at ang oras ko.
"Kasi gusto ni Boss na mailathala sa article natin ang Mr.Westaria na yun at may tiwala si Boss na magagawa mo yun. Tsaka teka nga lang, bakit sa akin ka nagrereklamo?" paliwanag na singhal ni Sora sa akin na bahagya kong ikinanguso sa kaniya.
"Paano ko magagawa yun eh hindi ko naman kilala ang Westaria na yun? Paano ako mag iinterview ng hindi ko alam kung sino?"reklamo ko
Tama naman ako diba? Hindi ko knows ang mukha ng Westaria na yun, so paano ko maiinterview yun?
"It's your assignment problema mo na yun." tumayo na si Sora at naglakad papuntang kusina at iniwan ako.
Bakit pakiramdam ko pahirap ng pahirap ang trabaho ko?
“Aish!Kailangan ko na bang maging detective para malaman kung sino ang Mr.Westaria na yun?”sambit na reklamo ko na ikinasandal ko nalang sa kinauupuan ko.
-THIRD PERSON P.O.V-
Good mood na naglalakad si Travis sa kumpanya ni Taz habang tinutungo ang opisina ng kaniyang seryosong kaibigan. Lahat ng empleyado na nadadaanan niya ay binabati niya lalo na ang mga kababaihan na kinikilig sa walang pasabing pagdalaw niya sa kumpanya ng kaniyang kaibigan.
“Everyone kamusta? Ang ganda ng panahon noh! Ang sarap magtrabaho pag ganito.”ngiting pahayag ni Travis sa bawat employee na nakakasalubong niya.
Naglalakad si Travis sa malaking building at malawak na kumpanya ng kaniyang kaibigan na sikat in business world pero moody. Walang magawa si Travis at tinatamad siyang magtrabaho ngayong kaya naisipan niyang puntahan ang kaniyang bestfriend.
Si Travis Lancellot Amadeus, ay owner president ng isang malaking Food Industry sa iba’t-ibang bansa, ang Grande Food Industry. Nabibilang din si Travis sa kilalang billionaire business man sa buong Asia pero in terms of wealth, mas mayaman pa ang bestfriend niya sa kaniya na dadalawin niya ngayong.
Nang makarating na si Travis sa elevator papunta sa opisina ng kaniyang bestfriend na si Taz ay agad siyang sumakay doon. Nakangiti si Travis habang inaantay ang pagdating niya sa floor ng opisina ni Taz dahil alam niyang magugulat ang kaniyang kaibigan sa biglaan niyang pagdalaw.
Hindi lang si Travis ang mga kaibigan ni Taz, may iba pa ang dalawa sa mga ito ay nakakasama pa nila sa anumang get together nila na kinakaladkad pa nila si Taz sumama lang ito. Mga kilala din sa world of business ang iba at iba ay kakaiba din ang yaman at katayuan sa buhay, ‘yun nga lang hindi sila magkakasamang lahat ngayon taon na ang nakalipas at tanging apat nalang silang makakasama ngayong.
Nang marinig ni Travis ang pagtunog ng elevator hudyat na nakarating na siya sa floor ng opisina ni Taz ay agad siyang lumabas doon. Naglakad na siya upang pasukin ang opisina ng kaniyang kaibigan ng makita niya ang secretary nito na nakadikit sa pintuan ng opisina ni Taz ang mga tenga nito.
“Anong meron?”takang tanong ni Travis na binilisan ang lakad palapit dito.
"Mr.Teron?" tawag ko sa sekretarya ng kaibigan ko na gulat na napalingon sa akin at mabilis inayos ang sarili.
"Ka-kayo po pala Sir Amadeus!"bati nito kay Travis na nahalata ni Travis ang butyl-butil na pawis ng sekretarya ng kaniyang kaibigan.
"Anong ginagawa mo pala kanina? Bakit kung makadikit ka sa pintuan ng amo mo parang pakakasalan mo na?"punang biro ni Travis
"E-eh ka-kasi Sir Amadeus si big boss kasi mukhang nagwawala sa loob."sambit nito kay Travis na ikinasipol ni Travis.
Hindi na nagulat si Travis sa sinabi ng secretary ng kabigan niya dahil alam niyang ugali na ng kaibigan niya ang magwala at maging mainitin ang ulo.
“Anong bago sa boss mo?Eh lagi naman atang nagwawala ang amo niyo. Parang galit lagi sa mundo ang isang ‘yan.”pahayag na sambit ni Travis.
Dahil matagal niya ng kaibigan si Taz ay masasabi ni Travis na kilalang-kilala niya na ito. Dineklara niya noon palang na best friend niya ito kaya lahat alam niya tungkol dito at hindi nab ago sa kaniya ang masungit na ugali ni Taz.
"Alam mo ang dahilan kung bakit nagwawala ang lalaking yan?"tanong ni Trais kay Mr. Teron na clueless na ikina-iling nito.
“Dalawa lang meaning ng pagwawala niyan, ang isa ay dahil sa trabaho niya, pangalawa ay dahil sa mga board members niya na makukulit. Maikli pa naman ang pisi ng pasensya ng boss mo. I’m so proud of you Mr. Teron at nakakatagal ka.”ngiting biro ni Travis sa secretary ni Taz na bahagya nitong ikinangiwi.
“Ayos naman po si big boss, ‘wag lang po talaga susumpungin katulad ngayong.”sambit nito na ngiting akmang papasok si Travis sa loob ng opisina ni Taz ng matigilan siya ng hawakan ni Mr. Teron ang braso niya na ikinalingon niya dito.
"Pa-pasok kayo Sir?"gulat na tanong nito kay Travis na ikinangiti lang niya.
"Oo naman, don't worry sanay na ako sa gago s***h moody mong boss. Makakalabas akong buhay Mr. Teron kaya kalma ka lang diyan."biro ni Travis bago tuluyang pumasok sa loob ng opisina ni Taz na hindi pa man nakakaisang hakbang si Travis ay tumambad na sa kaniya ang mga nagkalat na gamit sa opisina ng kaniyang kaibigan.
"Woaah! What the f*ck happened in your office bestfriend?"gulat na sambit ni Travis na matapos makita ang delubyong nangyari sa loob ng opisina ni Taz.
Agad na sinara ni Travis ang pintuan at naglakad na ito palapit sa lamesa ni Taz habang iniikot niya ang kaniyang paningin sa mga nagkalat na documents ni Taz sa sahig. Nakikita din ni Travis ang mga nagkalat na basag na vase na sa tingin niya ay malala ang bad mood ni Taz sa mga oras na ‘to.
“May dumaan bang bagyo sa opisina nya?”mahinang tanong ni Travis sa kaniyang sarili bago itinuon ang tingin kay Taz nan aka-upo sa upuan nito at hindi maipinta ang mukha.
"What happened here dude? binagyo ka?"tanong ni Travis ng makalapit siya sa lamesa ni Taz na masamang tingin ang ipinukol sa kaniya.
Sanay na si Travis sa mga tingin ni Taz sa kaniya dahil college palang sila ilang beses na siyang nakakatanggap ng masamang tingin mula sa kaibigan.
Bad mood nga ata ang lalaking ito. Sambit ni Travis sa kaniyang isipan.
"What the f*ck you were doing here Amadeus?"inis at seryosong tanong ni Taz kay Travis na malawak na ngiti ang ibinigay nito sa kaniya.
"Binibisita ka dude?"
"Wala akong sakit para dalawin mo Amadeus, so will you f*cking leave my f*cking office!"singhal na pagtataboy ni Taz sa kaniya.
"Woaaahh! kalma bestfriend, dinadalaw ka na nga galit ka pa diyan." Sambit ni Travis na umupo pa sa tapat ni Taz at muli niya itong binigyan ng malawak na ngiti.
"Screw you! I don't f*cking need you here, so will you f*cking get lost in my f*cking office! Just f*cking leave me aloneamadeus."
Napailing nalang si Travis kaniyang kaibigan dahil nakikita niya na bad mood talaga ang kaibigan niya dahil nakailang mura ito sa kaniya. College palang sila ay immune na siya sa malulutong na mura ni Taz na sa tingin ni Travis ay paboritong word ni Taz.
"Init ng ulo kaibigan, problema mo?"
"Tss!"ungos ni Taz na ikinakamot nalang ni Travis sa kaniyang ulunan dahil sa pagka moody ng kaniyang kaibigan.
“Concern ako sayo bestfirend tapos ‘tss’ lang sasabihin mo sa akin.” Angal ni Travis na sinamaan lang ng tingin ni Taz.
"Just f*ck off Amadeus!"sambit ni Taz na itinuon nalang ang atensyon sa harapan ng laptop niya.
Isa pa ito sa napansin ni Travis kay Taz, mas lalo itong naging workaholic ng maka graduate sila at mas lalong sumungit.
"Binibisita ka lang eh! Tsaka sina Ford nag-aaya mamaya sa bar nya."pahayag ni Travis.
Nag-aaya ng inuman ang mga kaibigan nila ni Taz dahil kahit ang mga ito ay alam na alam na hindi man lang naga-unwind ang kaibigan nila. Nag-inuman sila kagabi pero bigla itong nawala at nalaman nalang nila na umalis na ito sa bar ng kaibigan nila.
"Saan ka ba kasi nagsususuot kagabi at bigla ka nawala?"curious na tanong ni Travis na ikinatigil ni Taz sa ginagawa niya na ikinatutok ng tingin ni Travis dito.
I got his attention eh? Sambit ni Travis sa kaniyang sarili
"Umuwi ka na ba kagabi ha?"tanong niya pa.
Nagse-celebrate sila ng kaarawan ng isa nilang kaibigan at bigla nalang sila iniwan ni Taz nang walang pasabi o paalam.
"Tss! Iniistorbo mo ako Amadeus, just f*cking go back to your f*cking company, and tell to Rosales that I’m busy to drop by on his f*cking bar."bored na pahayag ni Taz na ikinailing ni Travis.
“Iba ka talaga Taz, hanggang ngayong hindi pwedeng walang ‘f*ck’ na kasama ang mga sasabihin mo, lalo na pag naiinis ka.”kumento ni Travis na inirapan lang siya ni Taz na ikinabuntong hininga niya.
"Sorry bro. but you need to go dahil kung hindi, si Ford at Balance ang mang gugulo sayo dito."banta ni Travis kay Taz na poker face na ikinabaling ng tingin nito sa kaniya.
"Tss! Fine, fine just get the f*cking out on my office, you disturbing my f*cking peace here."walang nagawang pag payag ni Taz kay Travis bago binalik ang atensyon sa laptop nito.
"Peace ka dyan, ang gulo nga ng office mo tapos may peace ka pang nalalaman diyan. Palinis mo nga bestfriend ang opisina mo. Gwapo-gwapo mo makalat ka nam--"
“Out!"singhal na putol ni Taz sa kaniya na naiiling na ikinatayo ni Travis sa pagkaka-upo niya.
"Later bestfriend huh!Sa bar ni Ford!"paalalang sambit ni Travis na masamang tinginn muli ang ipinukol sa kaniya.
"Damn it! I f*cking said yes Amadeus, so get out!” sita singhal ni Taz kay Travis.
"Ito na nga, aalis na! Sungit mo talaga, wala man lang ibinawas. Talagang dinala mo ‘yan hanggang pag graduat—sabi ko nga lalayas na ako eh."pahayag ni Travis na naglakad na palabas ng opisina ni Taz habang napapangiwi sa mga nakikita niyang kalat sa opisina ni Taz.
Hindi pa man tuluyang nakakalabas si Travis sa opisina ni Taz nang malinaw na marinig niya ang mga sinabi nito na bahagya niyang ikinalingon sa kaibigan na parang nafu-frustrate sa kinauupuan nito.
"Damn! Why can't i forget that f*cking woman, Sh*t!"rinig ni Travis na angal na reklamo ni Taz na hindi napigilang ikangisi ni Travis bago tuluyang lumabas ng opisina ni Taz.
May naiisip ng dahilan si Travis sa kung bakit mainit ang ulo ni Taz sa araw na ‘yun. Kahit papaano ay hindi inasahan ni Travis ang narinig niya mula kay Taz dahil first time niyang makitang mainis at mamroblema si Taz lalo na ang mairita sa isang babae.
Ito ang unang beses na may isang babae na nagpapagulo at init sa ulo ni Taz.
“Aba, parang may naamoy akong kakaiba sa bestfriend ko ah, ma-kwento nga sa dalawang unggoy na ang kaibigan naming si Taz na mailap at NGSB ay nagugulo ang utak dahil sa isang di kilalang babae.Bago ito!”pahayag ni Travis ng lapitan siya ng secretary ni Taz.
"S-sir,aalis na po kayo?"salubong na tanong ni Mr. Teron kay Travis na ikinatapik niya sa balikat nito.
Nakikita niyang isa si Mr. Teron sa nagtitiyaga sa masungit at sumpungin nitong boss.
"Oo, nakausap ko na. Siya nga pala magpapunta ka ng maglilinis sa opisina ng amo mo,dinaanan ng bagyo eh, makalat."sambit ni Travis bago siya naglakad paalis sa opisina ni Taz.
Dere-deretso lang na naglalakad si Travis hanggang sa makasakay siya ng elevator hanggang sa makababa at makalabas siya ng kumpanya ni Taz.
“Where should I go? Nakakatamad bumalik sa opisina ko, for sure bubungangaan lang ako ng sekretarya kong dinaig pa ang nanay ko kung manermon.”sambit ni Travis ng pumasok sa isipan ang dalawa pa niyang kaibigan na magagambala niya sa araw na ‘to.
“Kay Kiosk muna ako, ibabalita ko sa kaniya ang kakaibang problema ng aming kaibigan.”ngiting sambit ni Travis na naglakad na palapit sa kotse niya at agad siyang sumakay bago pinaharurot ito papunta sa daan ng Airport na pagma-may ari ng kaniyang kaibgan.