"In the END we will remember not the words of an ENEMY,but the silence of our FRIENDS." - Google -TRAVIS P.O.V- Sabi sa isang kasabihan na minsan ko nang narinig at minsan ko na ring napatunayan na nangyayari Expect the Unexpected Yung mga di mo akalaing mangyayari ay biglang sa isang kisap lang ng mga mata ay magaganap ng hindi mo inaasahan at di mo aakalain.Lahat sila,maliban sa akin ay hindi makapaniwala sa nakikita ng kanilang mga mata.Sino nga ba naman kasi ang hindi magugulat kung ang inaakala mong namatay sa isang pagsabog ay makikita mong buhay at humihinga sa kanilang harapan. Bawat isa sa mga kaibigan ko ay hindi makapaniwala sa nakikita lalo na si Taz na akala mo'y natuklaw ng ahas dahil hindi makagalaw sa kinatatayuan nya at makikita ko sa mukha nya ang labis na pagkagulat