-TRAVIS P.O.V- Simula ng makatanggap kami ng tawag mula kay Gail at malaman namin na kasama nya si Paxton ay walang may sumubok na magsalita sa amin.Lahat kaming naandito sa Pavillion ay tahimik at hinihintay ang pagdating nilang dalawa na kahit si Taz ay naandun lang sa madalas nyang pwestuhan na upuan dati at tahimik lang. Kilala nyo ko guys,hindi ako sanay na tahimik ang creepy kasi.Ang naririnig ko lang ay ang tunog ng dart na tumama sa board dahil nilalaro yun ni YoRi kahit dati pagdadart ang trip nyan,naririnig ko din ang tunog ng video game at ang mahilig lang maglaro nun ay sina LAY at ToV mga adik at infairness sila lang po ang naglalaro na wala man lang karea-reaksyon.Kung tatanungin nyo ang ginagawa ng iba ay malugod kong ikukwento sa inyo. Si Blue andun sa may gilid at nakas