-SERENITY P.O.V- Maaga akong umalis sa apartment ko para maipasa ko na kay Chief ang nagawa kong article tungkol kay Taz Ezra Westaria,lahat ng nalaman ko kay Taz ay sinulat ko maliban sa pagiging leader nya ng isang Gang.Mababasa nyo nalang ang ginawa ko pag nalathala na yun sa article namin. Anyway,kasalukuyan kong minamaneho ang mini cooper ko papunta sa R.J.C,naiwan si Mama sa apartment pero ang sabi nya sa akin pupunta sya sa dati nyang tinitirhan para dalawin si Ninang Rosie,minsan pumapasok sa isip ko na tanungin si Mama kung sino ang ama ko kahit pangalan lang,kaya alam kong ayaw ni Mama na mapag usapan namin ang tungkol dun kaya nawawalan ako ng lakas na magtanong.Kahit papaano ay gusto ko makilala ang ama ko yun lang naman para masabi ko sa sarili ko na buo ang pagkatao ko,sigu