-THIRD PERSON P.O.V- *BLAAAGGG* "PAANONG NANGYARI NA MAGKASAMA NA ANG ORION GANG AT ANG PHANTOM?PAANO SILA NAGKATAGPO?" Galit na tinig ni Lolo Sid ang pumalahaw sa kabuuan ng silid na kinalalagyan nila.Hindi sya makapaniwala ang balita na hinatid ng tauhan nya sa kanya. Naikuyom ni Lolo Sid ang mga kamao nya dahil mukhang nabulilyaso na ang mga plano nya.Iniisip nya na panigurado ay alam na ni Taz ang mga nagawa nya sa pamilya nito at ang kawalanghayaan na ginawa nya sa ina at kapatid nito. "Ano pa ang balitang nakuha mo?" "Nasa mansyon ng mga De Guzman ngayon si Westaria at mga kaibigan nya,panigurado ako Boss na nagpaplano na sila para pabagsakin at maghiganti sayo." "Hindi ako makakapayag na mawala lang lahat ng pinaghirapan ko!" galit na itinukod ni Lolo Sid ang kanyang mga ka