-SERENITY P.O.V- Tulala lang ako sa mga bisita sa kwarto ko,gabi na pero hindi akalain na may bisita pang dadating sa kwarto ko.Nakatingin lang kami ni Sora sa tatlong lalaki na nakaupo sa sofa sa kwarto kung saan ako naka admit.Wala na si Mama pinauwi ko muna para makapagpahinga tutal si Sora ang magbabantay sa akin ngayon at si Taz sayang nga at hindi nagpang abot si Mama at Taz naipakilala ko sana sila sa isa't-isa. Si Taz naman ay lumabas saglit dahil tinawagan sina Balance may kakausapin din sya kaya wala pa sya dito hanggang ngayon yung tatlong lalaki lang na nakaupo sa sofa ang naiwan na nagkukwentuhan at rinig kong nagkakamustahan. "Gail sabihin mo nga sa akin bakit sa kwarto mo nagbagsakan ang mga naggagwapuhang mga nilalang na yan ha?" Bulong sa akin ni Sora habang sa tatlong