Chapter 18 Sa Northbound ng Underground Society kung saan sa loob ng Pavillion ay magkakasama sina Balance, Ford, Travis at Shawn sa loob kasama ang mga Underbosses ni Taz na may sariling mga mundo sa mga pwesto ng mga ito habang sina Balance ay magkakasamang nakaupo sa isang pwesto. Ilang linggo narin ang lumipas simula ng maging legal member sila ng North bound na pinamumunuan ni Taz pero hindi parin nila ganun kasundo ang mga underbosses nito. Nakakausap naman nila ang mga ito pero pag walang kinalaman sa U.S o sa bound nila ay hindi mga nakikipagkwentuhan ang mga ito sa kanila. “Hindi ba natin sila tatanungin about sa sinabi ni Taz na task about sa paghahanap sa Luca Enger na may hawak na ng transaction details na ibinigay ng isa sa taksil na member ng bound?”sabit na tanong ni Trav