Callahan’s POV
Sa araw na ‘to, tahimik pa ang paligid. Wala pang masyadong maingay, walang masyadong tao—at higit sa lahat, wala pang nangangampanya. Perfect timing ‘to para sa akin. Habang hindi pa abala sa barangay election, plano ko munang sumama sa vlog ni Maia. Si Maia, ang susi para mas makilala ako sa buong barangay. Kailangan ko na munang magsipag magsasama sa kaniya, sabi ko sa sarili ko habang nagmamaneho papunta sa bahay niya.
Nasa mood ako ngayon, madalang mangyari ito sa taong gaya ko na walang ibang ginawa kundi humilata sa kama, magkulong sa kuwarto dahil palaging may hang-over. Pero dahil papasukin ko na ang buhay-pulitika, kailangan ko nang baguhin ang buhay ko.
Pagdating ko sa tapat ng bahay nila Maia, ayun, naka-park na sa harap ng bahay ni Maia ang bulok na sasakyan ni kuya Caloy. Ang epal talaga! Anong ginagawa niya rito?
Humigpit ang hawak ko sa manibela, halos hindi ako makapaniwala. “Kuya Caloy… of all days, ngayon ka pa nandito?”
Hindi! Hindi ako magpapatalo ngayon. Baka isipin ni Maia na hindi ako determinado kung basta na lang ako aalis. Kailangan kong panindigan ang plano—at kahit anong mangyari, ako ang mananalong sumama kay Maia, hindi ang epal na ‘yon.
Bumaba ako ng sasakyan, inayos ang polo ko, at huminga nang malalim bago lumapit sa pinto ng bahay ni Maia. Pa-astig ang lakad ko, pero hindi ko maiwasang sumimangot dahil mas nauna si kuya Caloy sa loob.
Pagbukas pa lang ng pinto, sinalubong agad ako ni kuya Caloy. “‘Sup, bro?” bati niya na may pilyong ngiti. Alam kong may balak ang kuya ko. May balak mang-asar.
“Wala, napadaan lang ako,” sagot ko, pilit pinapanatili ang tono kong cool at kalmado.
Nakita kong papalapit si Maia mula sa likod ni Caloy, bitbit ang kamera niya. “Hey, Callahan! You made it!” sabi ni Maia na may malaking ngiti. Pero bago pa ako makasagot, sumingit na si kuya Caloy, “‘Of course, he made it! Kaya lang, ako muna ang kasama mo ngayon, okay, Maia?”
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. “Ah, I don’t think so, kuya,” sabay labas ng cellphone kunwaring busy rin. “Maia, I thought we had a plan today? Right, just the two of us?”
Nagkatinginan kami ni kuya Caloy. Ang init ng labanan, parang kami lang ang naririnig ko sa sandaling iyon. Ang mga tingin namin, parang naghahagis ng apoy. Pero nakangiti lang si Maia, clueless sa nangyayaring tahimik na labanan sa pagitan namin.
“Oh, I think it’s great that you both want to join! It’s actually better for the vlog,” ani Maia, clueless pa rin sa tensyon. Tumawa pa siya ng konti, akala’y simpleng katuwaan lang ito.
Perfect! Kailangan kong makaisip ng paraan para solo ko si Maia. Pumorma ako, tumapat kay Caloy, at binaba ang boses kong halos pabulong na kay Maia. “Actually, I had something special planned today, Maia,” sabay bigay ng sulyap kay Caloy. “But if kuya insists, maybe he can just… I don’t know, carry the equipment?”
“Sure, Callahan, no problem,” sagot ni Caloy, may sarkastikong tono. “Since you look busy, ako na ang bahala sa lahat ng props!”
Natigilan ako sa sagot ng kuya ko. Lumapit siya kay Maia, bitbit ang ilang gamit at props na parang handa talaga siya sa araw na ‘to. Napapakamot ako sa ulo, hindi makapaniwala. Ano ‘to, pinlano rin niya?
Habang abala siya sa pag-setup, nilapitan ko si Maia at nagtanong, “So, Maia, what’s the theme for today’s vlog?”
“Actually, I was thinking of doing a Q&A sa iyo para mas makilala ka ng mga tao,” sagot ni Maia, sabay ngiti. “Gusto ko lang na casual lang muna, para makita nila yung personalities mo.”
Napangiti ako. Ito na ang pagkakataon ko talaga!
Bago pa ako makasagot, biglang singit si Caloy na nag-aayos ng mic, “Oh, that’s a great idea, Maia! Alam mo, ako na lang ang mag-interview sa’yo, Callahan, since mas kilala kita kaysa kahit sino rito.” Naka-wink pa siya, kunyari friendly. Epal talaga.
Napangisi ako at agad na sumagot, “Actually, kuya, I think Maia would want a real interview, you know, someone who’s unbiased.”
“Uy, what do you mean by that?” biro ni Caloy, habang patuloy ang pag-aayos ng mic at ring light. “Biased? Sige nga, sabihin mo ‘yan sa barangay hall—baka makapasa ka pa.”
Nagtinginan kami, at parang may kidlat na nagbabanggaan sa pagitan ng mga mata namin. Si Maia naman, clueless pa rin, ay busy sa pag-check ng camera niya. “Okay, guys, I think we’re all set! Let’s start na.”
Sumandal ako at pumasok sa frame ng camera ni Maia, pero bago ako makapag-pose ng maayos, bigla akong binangga ni Caloy, kunwari ay hindi sinasadya. “Oops! Sorry, bro. Medyo masikip pala dito, no?” Ngumiti pa siya nang matamis kay Maia na parang wala siyang ginawa.
Napakagat-labi ako, pero nagpipigil lang talaga ako. Sige, kuya Caloy, kung gusto mo ng laban, bibigyan kita ng laban!
Sa unang tanong ni Maia, tahimik at maayos akong sumasagot tungkol sa mga plano ko para sa barangay, pero sa likod ng camera, panay ang panggugulo ni Caloy. Ang isang kamay niya, nakasilid sa bulsa at may hawak na papel na may maliliit na notes tungkol sa mga kakalabanin ko sa eleksyon, kunwari ay para lang makatulong. Bigla niyang pinapakita ito kay Maia sa tuwing may sasabihin ako.
“Actually, Maia, I really want to focus on youth development—” pero bago ko matapos ang sasabihin, singit na naman si Caloy. “Youth development? That’s nice, bro! Pero hindi ba’t last month mo lang naman naisip ‘yan?”
Napakunot ang noo ko, at nakatingin ako kay Caloy na parang gusto ko na siyang palayasin. Kalma lang, sabi ko sa sarili. Kalma lang.
“Ah, kuya,” sambit ko, pilit pinipilit ang sarili na huwag magpasindak, “hindi naman mahalaga kung kailan ko naisip ‘yon, ‘di ba? Ang mahalaga ay may plano.”
“Yes, sure, that’s true!” sagot ni Kuya Caloy, sabay hampas ng kamay sa likod ko, na kunwari ay supportive. “Totoo naman, Maia, napaka-plano nitong kapatid ko. Talagang ang dami niyang plano… na minsan, hindi natutupad.”
Kinagat ko ang sarili kong dila para pigilan ang galit na sumisirit sa akin. Si Maia naman, napatingin lang sa aming dalawa, natatawa. “You two are funny. It’s nice to see brothers who are… close.”
Close daw eh, gusto ko ngang idukdok sa lupa ang pagmumukha ng epal na ‘yan.
Sa pag-usad ng vlog, panay ang laglag ni Caloy sa akin sa bawat pagkakataon, hanggang sa naisip ko ang isang plano. Kung gusto niya ng laban, pagbibigyan ko siya. Pagkatapos ng ilang patutsada, napagpasyahan kong biglang maglabas ng surprise confession kay Maia—isang bagay na alam kong magugulat ang kuya ko.
“Maia,” nagsimula ako habang seryoso ang mukha ko, at sabay tingin kay Caloy na nagulat, “alam mo, ever since I met you, I realized… that the barangay needed someone like me. Someone who cares.”
Biglang sumingit si Caloy, “Oh really, bro? Then, why don’t you tell Maia about your other plans? Yung mga plano mo na may kinalaman sa… future ng barangay and its people.”
“Actually, kuya,” tumayo ako at ngumiti ng matamis kay Maia. “Maia, there’s something I’d like to discuss… personally.” Agad kong tinignan si Caloy. “Kuya, baka gusto mong mag-break muna?”
Agad na sumagot si Caloy, hindi papatalo, “Sure, bro, pero wag kang mag-alala. Andito lang ako… to supervise.”
Nauwi kami sa masayang-asaran at pagtatalo sa vlog na ito. Hindi ko rin tiyak kung nakatulong nga ba ang araw na ito para mas makilala ako sa barangay o kung mas nakilala nila ang magulo at nakakaaliw naming samahan bilang may kapatid akong baliw.
Nakakainis, for sure ay mahihirapang mag-edit ng vlog si Maia dahil sa gulo nitong epal at plastic kong kapatid.