"Girl, hindi ka pa ba uuwi?" tanong sa akin ni Mary joy. "Uuwi ka na? Bakit anong oras na ba?" Balik tanong ko dito. "Ano kaba girl lutang lang? Uwian na kaya." aniya kaya napatingin ako sa relo. Alas singko na pala ng hapon, hindi man lang niya namalayan ang oras dahil tutuk ako sa pinagawang trabaho ni Jonathan. Umalis ito kanina kasama ang kaibigan nito at may importante daw silang meeting na dadaluhan. Halos hindi siya makatingin kanina sa kaibigan nito dahil sa parang sinusuri siya nito. Tumatayo din ang balahibo ko kapag naaalala ko ang klase ng ngiti nito. Pinatay ko muna ang aking computer ay inayos ko na rin ang mesa saka kinuha ang aking bag. "Halika na" aya ko kay Mary joy. "Let's go girl" saad nito at kinawit ang ang kamay sa kanyang braso na para bang close na kaming dal