Apat na buwan na ang lumipas mula nung ipagbili ko ang aking sarili sa isang estranghero. Nauubos na yung pera na tinago ko, pero di pa rin ako makakahanap ng trabaho. Lagi na lang sasabihin ng mga inapplayan ko na tatawagan ako ng mga ito pero ang ending wala rin naman tumatawag sa akin. Minsan nawawalan na ako ng pag asa na maka hanap pa ng trabaho.
Nasa labas ako ngayon ng MGC Building. May interview ako ngayon araw pero mukhang late na ako 9:00 kasi ang interview ko.
"Excuse me po kuya san po ang pila dito para po sa interview sa pag apply ng CEO secretary?" Tanong ko sa guard ng building
"May appointment po ba kayo miss para sa interview?" balik tanong naman nito sa akin.
"Meron po, tinawagan po ako noong biyernes para po sa interview ngayon araw." sagot ko dito.
"Punta ka sa receptionist miss at sabihin mo may interview ka kamu ngayong umaga para sa CEO secretary." itinuro nito akin ang receptionist.
"Maraming salamat po kuya," nakangiting saad ko at nag paalam na rito.
"Sana naman matanggap na ako dito lord," pepeng dasal ko habang paakyat ako sa CEO office, dahil doon daw gaganapin ang interview.
"Excuse me miss dito po ba ang interview para sa CEO secretary?" tanong ko sa babaeng naka upo. Maganda ito at malaki ang tiyan sa palagay ko ay 7 months pregnant na ito
"Yes miss, umupo ka muna may ini interview pa si Mr. MontecelIo. ikaw na ang susunod sa interview na iinterviewhin niya, anyway ikaw ba si Vanessa Perez?" tanong nito sa akin.
"Yes ma'am ako nga po" nakangiting sagot ko.
"Upo ka muna miss Perez, ako nga pala si Jenny, ako ang papalit na secretary ni Mr. MontecelIo" pagpapakilala niya sa akin
"salamat" Saad ko at na upo na sa bakanteng upuan
nag antay ako ng tatlong minuto ng may lumabas na maganda at sexing babae doon na halos lumuwa na ang dibdib nito at kita na ang panty sa ikli ng suot nitong skirt.
"Miss Perez pasok kana sa loob" tawag ni jenny sa akin.
Kumatok muna ako ng tatlong beses bago binuksan ang pinto at pumasok sa loob ng opisina.
"Good morning po sir. ako po si Vanessa Perez" Pagpapakilala ko sa nakatalikod ang lalaki sa akin. Kahit nakatalikod ito kitang kita ang matipunong katawan nito na halatang batak sa pag gy gym.
"Good morning miss Perez, It's good to see you again" parang akong pinako sa aking kinatatayuan ng makilala ang lalaking nakatalikod kanina. Apat na buwan na ang nakaraan mula ng may mangyari sa amin pero parang lalo atang kumisig ang binata at gumwapo sa aking paningin.
"sit down miss perez" Turo nito sa upuan sa harapan nito. Sinunod ko ito abot langit ang kaba ko dahil sa hindi ko inaasahang pagkikita naming muli ng binata.
"Let's start miss perez. why do i need to hire you as my secretary?" umpisa nitong tanong sa akin. Parang nag sisi tuloy ako kung bakit dito pa naisipang mag apply
"If you hire me sir as your secretary, you will not regret it, I will work hard and patiently. Pag sisikapin ko pong matuto agad sa trabaho at kahit mag over time pa po araw araw ay okay lang ang importante po ay may trabaho ako." seryosong sagot ko dito kahit hindi ko alam kung tama ba ang sinagot ko dito.
"Ok you're hired! congratulations miss Perez pwede kana mag start ngayon araw. Miss melvar will teach you what you should do and learn as my secretary" Sabi nito at dinampot ang intercom.
"please come to my office " Sabi nito sa kausap sa intercom. Ilang saglit ay pumasok na si jenny doon
" Yes sir?" tanong nito sa boss nito
"From now on, she will replace you as my secretary. Teach her what she should know and what she should do." Utos nito kay jenny.
"yes sir." sagot naman ng secretary niya.
"Halika kana miss Perez para maituro ko ang dapat mong malaman at matutunan" aniya sa akin, kaya sumunod ako dito.
"Ito ang schedule ni sir ngayong buwan. kailangan alam mo lahat ng schedule ni sir at hindi ka pwede basta basta mag papa appointment ng walang permiso ni sir." tumango lamang ako sa sinabi niya. itinuro niya sa akin ang lahat na dapat kong matutunan pati ang pagtitimpla ng kape ng boss namin at pagkain na ayaw nito.
Bandang alas singko na nang hapon ng sabihin ni jenny na pina tatawag ako ni Mr. MontecelIo sa opisina nito. kumatok muna ako bago pumasok
"Excuse me sir pinatawag niyo daw po ako" tanong ko rito.
"Ah yes mag ayos kana nang gamit mo at aalis tayo. May dinner meeting ako sa isang investor ng company." agad na sagot nito sa akin.
"si-sige po sir " Nauutal kong sagot dito at lumabas na sa opisina ng lalaki,
sa isipin na mag solo kami ng at binata ay kinakabahan na ako.
Saktong 5:15 lumabas na ang binata sa opisina nito.
"Let's go miss Perez at baka ma traffic pa tayo." Sabi nito at dumeretso na ang lakad papuntang elevator. kaya tumayo agad ako at sumunod dito. tahimik lang kaming dalawa sa loob ng elevator at parang wala na rin naman sa boss ko ang nangyari sa amin, casual ang pakikitungo nito sa akin. Kaya siguro dapat ay ganun din ako dito.
"We're here" untag sa akin ng aking boss. Kaya napatingin ako sa labas ng bintana hindi ko namalayan na nasa harapan na pala kami ng isang Italian restaurant sa Makati. lumabas na agad ako sa sasakyan nito at tiningnan ang restaurant "Va Bene Pasta Deli " Yun ang nakalagay na pangalan ng restaurant, ngayon lamang ako nakakita at nakapunta sa gantong lugar.
"buonasera, signore, signora ( good evening sir ma'am)" bati sa amin ng waiter pero hindi ko alam kung ano man ang ibig sabihin nun.
"buonasera ho un appuntamento con il sig. Suarez (good evening I have an appointment with Mr. Suarez)" Sabi naman ng boss ko.
"ah sì signore per favore seguimi" (I see sir please follow me) " Ani ng waiter at lumakad paloob sumunod naman ang kanyang boss.
"grazie"
"benvenuto signore" nakayukong sabi ng waiter. Pumasok kami sa isang kwarto kung saan my naghihintay sa aming dalawang lalaki nasa tantia ko ay nasa late 50's na ang mga ito.
"Good evening Mr. Suarez and Mr Zamora " bati nito sa dalawang matanda.
" Good evening Mr. MontecelIo, so let's eat first?" Gantong bati ng tinawag nito na Mr Suarez.
" And oh! who is this beautiful lady?" tanong naman ng tinawag nito na Mr. Zamora sa akin. Narinig kong tumikhim ang binata bago ako pina kilala.
"Yes, by the way this is my new secretary vanessa." pagpapakilala nito sa akin kaya ngumiti ako sa dalawang matanda.
"Hello sir good evening po " bati ko pa sa dalawa.
"Oh good evening beautiful" bati Naman ni Mr. Zamora sabay halik sa aking kamay na kinamula ng pisngi ko. nagulat pa ako ng biglang hawakan ng boss ko ang aking kamay at nilayo sa matanda kaya natawa ito.
"So possessive uh" nakangising Sabi naman ng matanda.
"I'm just protecting what is mine mr. Zamora" Sagot ng boss ki at pinag hila ako ng upuan.
" Now seat down" utos nito sa kanya kaya napalunok siya sa biglang pagbabago ng mood nito.