When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Hindi naging madali para sa akin ang pangalawang buwan ng aking pagbubuntis. Mas tumindi kasi ang aking morning sickness at minsan hindi na talaga ako kumakain, dahil nga sinusuka ko rin ang lahat ng kinakain ko. Naging madalas na rin pagiging moody ko, minsan nagagalit na lang ako kay Jonathan ng walang dahilan. Minsan naman bigla na lang ako iiyak kahit na sa maliit lang na dahilan. Nakaraang araw galing kami sa doctor at may nakita akong pusa na may sugat sa ulo. Iyak ako ng iyak dahil naawa ako sa pusa. Hindi ako tumigil kakaiyak hangga't sa hindi ito nakakagamot ni Jonathan. Alam ko na minsan naiinis na rin si Jonathan sa akin dahil sa sobrang pagka bugnutin ko. Pero mas pinili na lang niya hindi umimik at lambingin ako. Alam ko na mas hinahabaan pa niya ang pasensya niya sa akin lalo