*** Jake Story ***
(Yona POV...)
Nandito ako ngayon sa park dito sa school pa din. Gusto ko munang i-refresh ang utak ko sa lahat ng mga pangyayari.
Dati normal lang ako pero ngayon napunta ako sa isang lugar na para daw saakin at yun ay ang Mahikang lugar na ito. Napabuntong hininga ako dahil mahirap ipasok lahat sa utak ang lahat ng pangyayari ngayon.
"Alam mo lahat ng ito ay tadhana na natin. Di na natin ito matatakasan." Sabi ng isang boses sa gilid ko na kinagulat ko. Kelan pa si Jake dito sa tabi ko at sigurado ako para akong timang na natu-tulalang nakatingin sa malayo.
"K-kanina ka pa diyan, Jake!" Nakahawak pa ako sa dibdib kong sabi. Sigurado ako na magkakaroon ako ng maagang atake sa puso.
"Hahaha pasensya na nagulat kita. Ngayon lang ako, nilapitan lang kita kasi ang lalim ng iniisip mo, sige ka baka di kana makabalik." Nakangiti nyang sabi. Hay tung isang ito parang walang problema.
"Ganun? Iniisip ko lang naman ay nung nakaraan ko hanggang napunta ako dito." Sabi ko.
"Mahirap i-explain pero dito ka talaga. Ako nga parate kong tinatanong si mama kung bakit ako dito pinapasok ang sabi lang naman nya na dito daw ako mararapat. Para matutunan ko gamitin ang kapangyarihan ko bilang principe sa lupa. Mahirap kaya pagalawin ang lupa try mo." Sabi nya.
Napakunot ang noo ko
"Nagpapatawa kaba? Wala akong kapangyarihan noh." Sabi ko at napapout.
"Hahaha don't worry kagaya kita dati ganito kasi yun...."
Flashback...
"Ma!! Di pa lumalabas ang kapangyarihan ko!" Sabi ko kasi ipapasok ako ni Mama dito sa Antasya Academy
"Son, malalabas mo yan. Magtiwala ka sa sarili mo. And sa Monday ka na papasok." Sabi ni mom.
Wednesday ngayon 5 days from now. Agad agad talaga sinasabi?
T__T di ko kaya!!
"Ma..." Di ko na natapos ang sasabihin dahil pinutol niya.
"Son, di lang ikaw ang pumasok sa school na yun. Pati narin lahat ng mga anak ng mga salamangkero. Kasi naghahanda ang lahat sa pagdating ulit ng kalaban at mahanap ang prinsesa ng elemento." Sabi ni Mama. Naintindihan ko na si Mama. Para saakin at sa boung mundo ang gagawin namin.
"Naintindihan ko na ma." Sabi ko.
Pumasok ang isang kawal... Na kinalakas ng t***k saaking dibdib at di ko alam kung bakit.
"Ang mahal na hari." Pinag papawisang sabi nito na kina tayo namin ni Mama.
Agad kaming pumunta sa kanyang silid. May malubhang sakit si papa. Ito ay lason na galing sa isang halimaw.
"Mahal na Reyna ang makapag papagaling sa mahal na hari ay ang prinsesa ng elemento." Sabi niya. Paano namin sya mahahanap baka huli na ang lahat.
"Wag kayong mag aalala di pa kalat sa boung katawan ang lason. May oras pa kayong mahanap ang Prinsesa." Sabi ng manggagamot. May oras pa kami.
Gagawin ko lahat para kay Papa para gumaling lang sya.
At ayun pumasok nako dito sa Antasya Academia.
End of flashback...
"Kailangan niyong mahanap ang legendary?" Tanong ko sa kanya at tumango naman siya.
"Oo di ko alam kung kailan namin siya mahahanap." Malungkot nyang sabi.
Ako di ko alam kung ako ba talaga ang legendary may kapangyarihan ako pero mahina ang powers ko at isa pa ayoko silang paasahin.
"Wag kang magalala mahahanap niyo rin sya." Sabi ko nalang kailangan ko pa ng proweba na ako ba talaga ang matagal na nilang hinahanap.
"Tama ka hindi ako mawawalan ng pag asa." Sabi nya.
Ngumiti nalang ako.
Forward...
"Class, may summer muna kayo ngayon 2 weeks." Sabi ni ma'am.
"Yehey!!" Happy nilang sigaw pero ako...
2 weeks? Saan ako titira niyan? Sa mundo ko noon?
"Okey, class dismiss." Sabi ni ma'am.
Lumabas nako ng room at nakita ko sa daan sila Christ.
"Cass!!" Tawag nya.
"Bakit?" Sabi ko.
"Saan ka ngayong summer?" Sabi ni Christ. Napakamot nalang ako sa ulo wala akong maisip.
"Sa amin ka na lang tumira." Nakangiting sabi ni Christ.
"Wag na nakakahiya noh." Sabi ko naman.
"Wag kanang mahiya parang hindi tayo magkaibigan ha. Please na." sabi niya ay nag puppy eyes pa siya.
Nako nagpacute.
"Sige na nga. Pero dapat may trabaho ako dun." Sabi ko na kinakunot ng noo nila.
"No, ayoko. I treat you like my Princess there" Sabi ni Christ.
"Ha?" Di ako makapaniwala sa sinabi niya.
"Nothing." Sabi nya.
"Before that guys punta muna kayo sa palasyo ko kasi gusto ko siyang ipasyal doon sa palasyo namin." sabi ni Jack.
"O-okey." Kinakabahan ako eh.
Kinabukasan... Nagimpake na ako.
At lumabas nako.
At andun sila may kotse. Sana all.
"Good morning Cass." Bati nila.
"Good morning din." Bati ko din.
"Tayo na." Sabi ni Christ. At pumasok na ako at pati sya. At lumarga na.
"Salamat, Christ ha." Sabi ko nakangiti lang sya at umiling.
"No problem basta ikaw." Sabi niya.
Nakarating na kami sa palacio ni Jake. At bumaba na kami....
Ang laki!!
Pagpasok namin nagpanik lahat ng nandun.
"Anong nangyayari?" Tanong ni Jake.
"Your Highness's the King." Sabi ng kawal. Na kinatakbo nalang nila kaya sumunod ako sa kanila.
Pagbukas namin ng pinto...
"Mahal gumising ka!! Huhu!!" Iyak ng isang babae na may korona.
"P-papa." Lumapit si Jake sa Papa nya.
"Anak..." Sabi ng mama niya.
"He's sleeping right?" Sabi ni Jake.
Umiyak nalang ang mama niya napaiyak ako sa nakikita ko ganito din ang nangyari sa totoong papa ko nung nakita ko pinatay siya. Yung alala na pinasok nila tigerous saakin.
Niyakap ako ni Christ at doon na tumulo ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan.
Rinig ko pa ang mga iyakan nila na mas lalong kumirot sa puso ko.
Forward ...
Gabi na at ang lahat ng tao ay natutulog na. Bukas gaganapin ang pag lilibing sa hari. Pumunta ako sa kwarto ng hari gamit ang teleportation kahit takot dahil ang sabi nila patay na daw ito.
Pero gagawin ko dahil kaibigan ko si Jake at ako lang ang maka pagpapagaling sa ama ni Jake.
Di ko alam pero susubukan ko siyang buhayin. Ang sabi nila ako lang naman daw ang makakapag pagaling sa Ama ni Jake.
Paano ko sya pagagalingin yan lang... Tulong naman kung sino man yung boses na kausap ko noon.
Tinanggal ko ang wig ko at lumugay ang malabewang Kong buhok na kulay pula.
'Princess sumabay ka sa bibigkasin kong mga salita...' Rinig kong sabi ng isang boses at isa yung babae.
"S-sige " at may sinabi siyang spell at Inulit ko yun pero wala namang nangyayari.
Inulit ko pero wala pa din. Nanghina ako dahil ramdam ko na wala akong kwentang nilalang at hindi talaga ako ang Legendary na sinasabi nila.
Napatingin ako sa pula kong buhok. Ang matagal ko nang tinatago na buhok at kinahihiya ko. Ang sabi nila ako lang daw ang may ganitong buhok sa Magic World. Sigurado naman ako na kulay pula talaga ang buhok ko simula pa nung bata pa ako.
Nagtiwala muli ako sa sarili na mapapagaling ko ang ama ni Jake. Itinapat ko ang kamay ko sa dibdib ng Hari at pumikit at galing sa puso naramdaman ko ang isang kapangyarihan na dumadaloy papunta sa kamay ko at pagmulat ko nabigla ako nang umilaw ang pulang buhok ko at may lumabas na liwanag na ilaw sa kamay ko at isang iglap biglang gumalaw ang hari.
Napatingin ako sa katawan ko umiilaw feel ko ang lakas ko.
Napadilat ang hari at napaupo at parang naghahabol ng hininga at tinitingnan ang sarili ang mga kamay niya at hinawakan ang katawan niya na nagko komperma na buhay na siya.
"M-magaling nako at buhay na buhay." Sabi ng hari at bigla siyang napatingin sya saakin mula ulo hanggang paa at mas tiningnan niya ang pula kong buhok.
"Ikaw ang legendary." Sabi nya at yumuko.
"Eh? W-wag na po kayong yumuko ayos lang talaga po." Sabi ko.
"Utang ko sayo ang buhay ko." Sabi nya.
"Okey lang talaga. Sige po kaylangan ko na pong umalis may paparating po eh sige po." Sabi ko
"Sana magkita tayo ulit." Sabi nya at tumango ako at nagteleport.
At napunta nako sa higaan ko at sinout ang wig ko.
Lahat ng naisip ko kabaliktaran lahat akala ko mahina ako pero hindi pala.
Sa kakaisip ko nakatulog nalang ako.
Kinabukasan ...
Napamulat ako nang marinig ko ang mga sigaw sa labas. Hindi sa galit kundi sa kasayahan. Ahad akong tumakbo papunta sa bintana ng kwarto ko dito at nakita ko silang lahat sa labas.
"The king is alive!!" Sigaw ng kawal at nagsayahan silang lahat na nasa labas. Napangiti nalang ako ng dahil sa nagawa ko kagabi masaya kong pinapanood ang mga taong nagsasayahan.
At ngayon naghanda sila sa isang malaking celebrasyon dito.
"Nang dahil sa legendary gumaling ako salamat sa kanya." Sabi ng hari.
"Mabuhay ang Legendary Princess!!!" Sabay nilang sabi.
Sigurado akong di magtatagal ang kasiyahang ito dahil may dadating na namang mga bagong kalaban. Pero ngayon magsiyahan muna kami dahil buhay na buhay ang Ama ni Jake at nakita ko na masayang masaya si Jake na niyayakap ang kanyang Ama at kasama na din ang kanyang Ina.
****
'Help other people that makes you feel better.'
-LMCD