*** Returning to earth ***
(Yona POV...)
"It could be..." Kinakabahan nako. Nako naman oh. Pero teka bakit naman ako kakabahan di pa nga ako nakaluto sa kanya ng fried rice. Di dapat ako kabahan.
"Nakalimutan ko na pero masarap ha." Sabi nya. Nakahinga naman ako ng maluwag.
"But... I want to see that maid may I?" Sabi nya. What?!!!!
Anong gagawin ko nako naman oh! Mas lalo akong napayuko at nilalaro ang kamay ko sa binti ko.
"Uhmm Mahal na Prinsipe bigla nalang siyang nawala." Sabi ng Chef pero biglang sumingit ang mga katulong. May galit talaga sila sa akin noh?
"Mahal na Principe, alam po namin kung nasaan sya." Sabi nung maid na nagsnob saakin.
Anong gagawin ko! Sinasabi ko na nga ba eh!
Sasabihin ko nalang ang totoo. Pambihira naman oh. Sigurado akong magtatampo talaga saakin itong si Christ eh.
"Ako. Ako ang nagluto nyan." Sabi ko habang di nakatingin sa kanya. Nabigla naman sila pati na ang mga magulang ni Christ.
"What? Ikaw means.... Don't tell me ginawa mo talaga." Sabi ni Christ. Napakamot nalang ako ng ulo bago ngumiti.
"Hehehe bored kasi sa kwarto eh alam mo naman na sanay na ako sa gawaing bahay. Patawarin mo na ako." Sabi ko pero di niya ako pinansin. Snob lang niya ako. Dinaig pa ang babae eh!
"Hahaha ang cute niyo naman. Bagay kayo. Mukhang kami lang ni Hon nung panahon namin." Sabi ng reyna at nagblush naman ako.
"Kumain na kayo. Ikaw Hon ha don't worry gagawa tayo ng bagong kapatid ni Christian." Sabi ng Hari na kinagulat namin. Nagblush naman ang reyna. Waaa ganito ka PDA ang pamilya ni Christ!
"*cough* pa, wag ka nga magsalita ng ganyan may bisita tayo oh." Sabi nya. At napangiti nalang ako.
Ang saya ng pamilya nila. Ako kaya kailan kaya ako makakasabay ng kain sa totoo kong pamilya?
Pagkatapos naming kumain. Sinundan ko lang si Christ mukhang nagtatampo parin eh.
"Christ, nagtatampo ka ba?" Tanong ko sa kanya. Di parin nya ako pinapansin. Nagtampo nga.
At umupo siya sa damuhan at kita ko ngayon ang boung lugar ng kaharian nila.
Wow ang ganda ng lugar ng kinatatayuan ko. Ay mamaya na yan kukulitin ko pa itong isa dito.
"Christ, wag ka ng mag tampo. Sorry na di ko na uulitin pangako." Sabi ko at tumabi sa kanya. Feeling ko mukhang gusto niya na ginaganito ko siya.
Di pa din siya nagsasalita with matching cold face pa. At humiga at nilagay ang kamay niya sa mata nya. Eh? Tinulugan ako? Seryoso tampo talaga siya saakin?
"Hay, Christ hoy, sorry na." Niyugyug ko sya. Humiga rin ako sa tabi niya at tumingin sa langit.
"Hay, parang bata toh oh. Pero dinala mo ba ako dito para makita tong magandang lugar na toh? Ang ganda nga." Sabi ko at nahawakan ko kamay niya...
Dugdugdug...
Naintindihan ko na. Mahal ko din tong lalaking toh. Simula nung nagkita kami sa school ko dati bigla nalang tumibok ang puso ko ng di ko nalalaman.
Umupo ako at nakahawak padin ang kamay ko sa kamay nya.
"Ishiteru... Christ ouji-sama." Sabi ko pero mahina lang di naman nya ako maririnig dahil tulog.
"Sige ka pag di ka pa gumising diyan aalis nako dito. Kasi sabi mo ikaw ang bahala saakin dito tapos nagtatampo ka. Meaning nun wala ng magtatanggol saakin dito. Sige bye. " sabi ko at tumayo na. Nang bigla siyang tumayo at niyakap ako.
"Wag, wag mo kong iwan. Promise di na mauulit di nako magtatampo." Sabi niya. At nakayakap pa din sya saakin.
Humarap naman ako sa kanya.
"Okey." Nakangiti kong sabi. At napangiti nalang siya at hinalikan niya ako bigla sa pisngi. Teka...
blush
"Ang cute mo pagnagbla-blush." Sabi nya at ngumiti. Napaiwas ako ng tingin. Pambihira tung blush na ito.
Bigla nalang siyang humiga sa lap ko. Ginawa pang unan ang legs ko. -__-
At pumikit sya. Ngayon kitang kita ko ang boung mukha nya. Bakit ang gwapo nya sa paningin ko.
Hinawakan ko ang buhok nya. At hinalikan din sa noo niya.
Forward...
Kwarto...
"Cass, tomorrow sa mundo mo tayo mamamasyal." Sabi ko. Bigla naman naging star ang mata ko sa pagkakarinig ko.
"Yehey!!!" Ako at napayakap ako sa kanya. Nakapoints tuloy ako hehhehe.
"Sige na matulog kana maaga tayo bukas " sabi nya.
"Opo nii-san." (Big brother.) Sabi ko. Alam ko namang naintindihan nya yun.
"Nani? Cassandra." (What?) Pagbabanta niyang sabi. Napalunok ako.
"Ah wala po, Mahal na Prinsipe." Sabi ko nalang at tumaklob ng kumot.
"Silly, Good night" sabi niya at lumabas na ng kwarto ko. Hahahaha pagkarinig nya ng tinawag ko siyang Kuya biglang kumunot ang noo niya. Hahaha.
'Hey narinig ko yun.' Sabi ni Christ sa isip ko. Nge? Teka... Nakalimutan ko na naman nababasa niya ang isipan ko.
'CHRISTIAN!!!!' pagbabanta ko sinabi ko ng private eh.
'Hahahaha o sige Good night.' Sabi nya.
'Good night din.' Sabi ko. At nakatulog nako.
(Unknown POV...)
"Malapit na ang pagkikita natin legendary princess. Mapapasaakin ka gagawa ako ng daan para mapunta ka saakin. Kahit saan ka magpunta susundan kita. Tandaan mo yan." Sabi ko at tumawa ng malakas. Once na mag kaanak ang legendary princess. Ang anak nito ang pinakamalakas sa boung kalawakan hawak nya ang iba't ibang elemento kaya dapat mapasaakin sya para maghari ang kadiliman hahaha.
Malapit na.. malapit ka nang mapa saakin. Para ako na ang magiging malakas sa boung mundo.
(Yona POV...)
Kinabukasan...
"Handa kana?" Sabi ni Christ. Napatango nalang ako. At pinasok na niya ako sa loob ng sasakyan then siya din. Nakapagpaalam na kami sa mga magulang nya.
At pina andar na ng driver ang sasakyan. Tahimik kami sa loob ng sasakyan ako naman iniisip ko kung ano ang unang gagawin ko pagkatapak ko sa earth.
Kumusta na kaya sila Janet at auntie?
"Cass, are you okey?" Tanong ni Christ sa gilid ko. Napangiti nalang ako at tumango.
"I'm happy to hear that pero mukhang malalim ang iniisip mo eh pwede makishare sa iniisip mo?" Sabi nya. Teka di na niya ako nababasa?
"It's all about my Aunt and Janet." Sabi ko mukhang na gets naman nya. Kilala kaya nya si Janet
"Anong meron sa kanila?" Tanong niya.
"Iniisip ko lang kung okey lang ba sila?" Sabi ko. Bigla nalang tumaas ang isang kilay nya.
"Alam mo kahit inaapi ka nila noon. Mabait ka parin sa kanila ngayon. May mabuti ka talagang puso." Sbi nya.
"Di naman masyado. Teka ano yung ilaw?" Sabi ko at nakatingin sa harap.
"Portal yan." Sabi nya. Portal? Kagaya nung portal na kung saan dinala ako dito sa lugar na ito. Napapikit nalang ako kasi nakakahilo kaya at di ako sanay.
Bigla nalang akong niyakap ni Christ at agad namang gumalaw ang kamay ko palibot sa bewang niya. Pakiramdam ko safe ako pagkasama ko sya.
Hanggang makalabas na ang 3 sasakyan sa portal. Nakatingin ako sa labas.
"Earth naba toh?!" Masaya kong sabi.
"Yeah." Sabi ni Christ.
"Pwede huminto tayo sa park?" Sabi ko napatango nalang siya.
Park...
Nakarating na kami sa park agad akong bumaba. Maraming nakatingin saamin di ko alam kung bakit napatingin ako sa likod. -___- alam ko na.
Mayaman kasi kasama ko eh 3 sasakyan na kulay itim na kotse ang nakaparking at may may mga men in black pa.
Wala akong pakealam sa kanila agad akong tumakbo papuntang fountain. At tumalon talon dun. Nakasunod lang si Christ saakin habang nakangiti.
Ng may nakita akong nagbebenta ng balot.
*evil smile*
"Christ bili tayo nun." Sabi ko. Antasya money lang ang meron ako wala akong Philippine money.
"Okey." Sabi ko at hinawakan ko braso nya at tumakbo kami papunta dun.
"Manong dalawang balot po." Sabi ko at binigyan naman kami ng 2 balot.
At si Christ ang nagbayad
Agad kong biniak ang egg shell at nilagyan ko ng suka at asin. At agad nilamon.
"Try mo rin." Sabi ko. Mukhang 50/50 naman sya.
"Di ba ito makakasakit ng tyan?" Sabi nya. Umiling lang ako.
"Sige an. Kainin mo yan." Sabi ko at nilamon nya kaagad.
"Hahahaha nakakatawa ang mukha mo hahaha." Tawa ko.
"Kung di ka titigil sa pagtawa dyan hahalikan kita." Sabi nya napatahimik naman ako.
At ngumiti nalang ako. Napatawa nalang sya at inakbayan ako. At naglakad kami ng...
"So... Kaya pala kayo nawala ng parang bula dahil nagmanhikan kayo. TSS. So ano may laman na ba yang tyan mo disgasyera." Sabi ni Janet. Nasaktan naman ako sa sinabi nya.
"Nagkakamali ka Janet..." Di ako pinatapos.
"Oh baka ginayuma mo sya para makuha mo ang kayamanan ng isang lim." Sabi nya. Sikat kasi si Christ sa school namin noon.
"Ms. Perez, Mali ka ng inaakala. Wag ka muna magsalita kung di mo pa alam ang estorya. Halika na Cass." Sabi ni Christ. Ganito ang aura ni Christ nung binully ako sa academya noon.
"Christ..." Sabi ko. Mukhang natauhan naman sya.
At dumating ang men in black sa likuran namin.
"May nangyari po ba dito?" Tanong ng isang men in black.
"Its nothing. Let's go home." Sabi nalang ni Christ at hinawakan nya ako sa kamay at pumasok na kami sa kotse.
Hay nakakapagod naman kailan kaya kami magkabati ng step sis ko.
****
Cut
-LMCD