CHAPTER 9

3000 Words

"Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko Jess dahil sa totoo lang ay naguguluhan ako kung ano ang isasagot ko sa 'yo." Hindi pa rin umaalis si Jess sa kaniyang inuupuan. Hindi niya alam kung ilang oras na siyang nakaupo roon. Nasa harapan pa rin siya ng hapag-kainan at patuloy na inaalisa ang lahat ng sinabi ni Ken sa kaniya. Paulit-ulit na naririnig niya ang huling sinabi nito, na parang sinisisi siya nito sa pagkamatay ng kinakapatid niyang si Jennifer. Napayuko siya nang kusa na namang tumulo ang luha niya. Kahit anong gawin niyang pagpupigil na huwag umiyak ay parang wala itong katapusan. Ayaw papigil. Kasalanan ba niya kung bakit nawala ang kinakapatid niya? Hindi naman siya ang pumatay dahil biktima rin siya sa mga pangyayari. Muntik na nga siyang mapatay kung walang dumating na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD