Chapter 1

1013 Words
THIS is not the wedding she dream to have. This is not the wedding gown she wants to wear and this not the venue and this not the wedding theme she wanted. She is a wedding organizer, a gown designer of course, she also dream to have a fairly tale wedding but what she can do? If this the wedding her groom wants. Ang lalaking mahal na mahal niya mula pa noong 14 year old siya na hindi naman siya mahal o gusto man lang. Pinakasalan lang siya ng lalaki dahil wala itong choice. Ngumiti siya ng mapait at tumingin sa kanyang groom na ngayon ay nakatayo sa kanyang tabi, hindi ito nakangiti kundi magkasalubong ang kilay nito na animo'y hindi nila kasal ng araw na iyon kundi araw ng pagluluksa. Hindi niya ito masisi, hindi naman talaga nito gusto magpakasal sila, siya lang itong may gusto at mga magulang nila. Oh, gasgas na linya na no? Parang pangyayari lang sa mga nobelang nababasa niya at sa pelikulang napanood niya pero sadyang gayon talaga ang sitwasyon nila. Taon na ata ang paghahabol niya dito. Kailang beses na din na postpone ang kasal nila dahil sa mga pangyayaring hindi nila inaasahan mangyari gaya na lamang nagpapakasal ng kanyang nawawalang kapatid na si Mari noong nakaraang taon sa kaibigan din ng kanyang groom. Si Mikael, ngayon ay maligaya na ang dalawa kasama ang anak ng mga ito na si Meari. Siya kaya? Magiging maligaya din kaya siya sa piling ng lalaking mahal niya na hindi siya mahal? "Huwag ka mag-alala, Anna. Matutunan ka ding mahalin ni Heckson. Magtiya ka lang at magtiis at pakita mo sa kanya na karapat-dapat ka. Swerte mo nga 'e na bigyan ka ng pagkakataong maging mister ang lalaking pinapangarap mo. Kamusta naman ako? Hanggang ngayon nganga pa din," humahaba ang ngusong giit ni Shyra. "Oo nga, Anna. Laban lang ng laban. Walang manok ang tatangi kapag palay na ang lalapit. Embrace. your feminine energy, ipakita mo sa kanya na kaakit-akit ka na maganda ka at dapat na pansinin," dagdag naman ni Lara. "Oo nga! Huwag ka sumuko, huwag mabahala, titigil din iyan sa papakipot," Si Lhalaine naman ngayon ang nagsalita. "Basta kung asan ka masaya susuportahan kita," malumay naman na giit ng kanyang kapatid. Nangyari ang pag-uusap na ito ng gabi bago siya ikakasal. Napakurap-kurap siya at napabalik sa kanyang katawang lupa nang marinig niya ang malamig na boxes ni Heckson. "Can we proceed in the last part, Father?" Napatitig siya sa gwapong mukha ng lalaki. Magkasalubong ang kilay nito at mukhang naiinip na. Kanina niya napapansin na panay tingin nito sa relo nito. Lihim siya napabuntonghininga at kinagat ang kanyang ibabang labi para kasing nagbabadya nang tumulo ang kanyang luha. She is disappointed for the wedding they are having at this moment and also for what Heckson's action. His expression and gesture were obvious. "Seriously, Heckson," bulalas ng ina ni Heckson na nakaupo sa may harapan katabi ang mister nito. Bago pa man makapagsalita si Heckson para kausapin ang Ginang ay… "Ayos lang po, Tita, mukhang excited lang po talaga itong groom ko sa honeymoon namin," nakangiting aniya kahit pa sa loob niya'y gusto na niyang maiyak. Umiyak sa tindi ng inis, galit at lungkot na dama niya ng mga sandaling iyon na kabaliktaran sa kanyang inasahan. Dapat kasi, ito ang pinakamasayang araw ng buhay niya dahil sa wakas ay ikakasal na siya sa lalaking mahal niya pero kasi, lahat ng nangyayari ng mga sandaling iyon ay kabaliktaran ng kanyang pinangarap kaya't paano siya magiging masaya? Napakurap-kurap siya nang hawakan ni Heckson ang mga kamay niya at pinaharap siya nito rito. Magtatanong pa siya kung bakit iyon ginawa ng lalaki nang biglang…. "You, Anna Alliah Green, do you take Mr. Heckson Cylinder Quin to be your lawful husband for better or worse? Sickness and health?" Tumingin muna siya sa mga mata ni Heckson na walang emosyon bago tumango sabay sabing, "I do, Father." Bumaling naman ang Pari kay Heckson at tinanong ito ng katulad ng sa kanya. Hindi niya alam pero kinakabahan siya, paano kung magbago bigla ang isip nito at iwan siya sa harap ng altar– "I do, father," mahinang sagot ni Heckson na walang kurap-kurap. Habang siya'y napatitig na lamang sa lalaki. Hindi pumapasok sa utak niya ang mga masunod pang sinasabi ng pari basta alam lang niya ay sinuot na nila sa isa't-isa ni Heckson ang singsing na mga magulang nila ang bumili. "By the authority vested in me, I now pronounce you husband and wife, you may now kiss your bride." Napalunok siya ng hangin nang marinig ang sinabi ng Pari at pakiramdam niya'y nanlalambot ang kanyang tuhod at may nakikipag karera sa loob ng kanyang dibdib sa bilis ng t***k ng kanyang puso nang inalapit ni Heckson ang mukha nito sa kanya at hinapit siya nito palapit. Napapikit siya nang maramdaman niya ang hinlalaki ni Heckson sa kanyang baba, hinintay niyang dumampi ang labi nito sa kanya ngunit hindi iyon nangyari. "Sa tingin mo ba hahalikan kita dahil kasal na tayo at asawa na kita ngayon? Mali ka kung ganun, tulad ng sabi ko nun, hanggang papel lang ang pagiging asawa mo sa akin at ganun rin ako sa iyo. We're just doing this for the sake of the both of us, no less and no more. Do your part and l will do mine. Now smile," bulong ni Heckson sa kanyang tenga kaya't napamulat siya ng kanyang mga mata at hindi alam ang sasabihin o gagawin. "Smile, Anna," bulong ni Heckson sa kanya ulit nang hindi siya kumikilos o nagsasalita. Tumingin siya sa lalaki nakangiti na ngayon pero alam niyang peke lang iyon. Huminga siya ng malalim at ngumiti nang makita niyang kukuha ng picture ang photographer ng kanilang wedding. Ang kasal nilang matagal pinaplano pero ganito lang pala ang kakauwian. Sa simbahan nga sila kinasal pero sila-sila lang rin ang tao, at wala mga masyadong dekorasyon. Ito kasi ang binigay ni Heckson na kondisyon bago ito pumayag na magpakasal sa kanya. Labag man sana sa loob niya ay wala siyang magagawa.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD