NOTE

589 Words
Hello po, mga madam! hindi ko po muna maisusulat itong Kiss Me kasi may ibang story pa po akong sinusulat. Sana po ay masuportahan ninyo itong story ni Cena at Altheo. Si Cena po yung kapatid ni Sancho na bida naman sa Tristful Eyes. Pang contract ko po sila at magbabakasakali ulit sa income kaya sana po mabasa ninyo. Maraming salamat po! God Bless! TITLE: YOUNIVERSE SERIES 5: Altheo's Haven Pwede nyo rin po isearch ang Altheo's Haven or icheck sa profile ko na Pennieee sa dreame o yugto app. SPG BILLIONAIRE STORY WARNING: R-18| MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK Celestina Nathalia De Costales "Altheo..." halos bulong iyon nang lumabas sa aking bibig Apat na taon na ang nakalipas. Hindi ko sukat akalain na ang lalakeng nanakit sa akin at ang dahilan ng pagpunta ko dito sa Germany ay nasa aking harapan. Nag-aalala ang mga mata na nakatingin sa akin. He's Altheo Mikhail Cervantes III. Ang aking ex-boyfriend at ang matalik na kaibigan ng aking kapatid na si Sancho. "Ano ang ginagawa mo dito sa silid ko? ano ang ginagawa mo dito sa Berlin?" matigas ang bawat salita nang bitawan ko. Hindi sa ganitong pagkakataon ko naisip na magkikita kami. Not in my room! not when I was in my bathtub and-- Napasinghap ako at napamura. Doon ko lang napagtanto ang aking itsura. I looked at myself and realized I am still naked. Wala akong kahit anong saplot! "Aaahhh!" sigaw ko. Altheo looked at me and was about to ask me the reason why I shouted pero mabilis ang aking mga kamay na dinampot ang unan at kumot. Ibinato ko sa kaniya ang unan at ibinalot ko sa aking sarili ang kumot. “What the hell! What! I am fckng naked, Altheo!” sigaw kong muli sa kaniya. Nakita na niya ang lahat! Nagkukumahog ako sa pagpulupot ng kumot sa aking sarili. Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng aking buong mukha dahil halos ilang minuto rin akong nakatingin sa kaniya kanina at ganoon rin siya sa akin! ilang minuto na hindi ko naalalang wala akong kahit anong damit! what the hell! At sa unang pagkikita pa namin pagkatapos ng apat na taong nakalipas ng aming paghihiwalay! "Celestina, I am sorry, I went inside because you took so long in the bathroom, I thought something bad ha–” “At saan ka dumaan?!” Nasagot ang tanong ko at napatingin ako sa bintana ko nang biglang kumalampag iyon dahil sa hangin. Basag. So, doon siya dumaan? he broke my window and entered my room? pero paano niya nalaman na nagtagal ako sa loob ng banyo? How did he fckng know that? "San... sandali," nanginginig ang aking boses. Itinaas ko ang aking kamay dahil hindi maproseso ng isipan ko ang mga nangyayari. Nakita ko na napatingin doon si Theo, ibinaba ko rin iyon dahil pati ang mga kamay ko ay nanginginig na rin. I am not scared of him, I am shocked. Sa gulat ay hindi ko alam kung ano ang aking magiging reaksyon. Apat na taon ko siyang hindi nakita tapos sa ganitong sitwasyon siya sa akin bubulaga? "You… what are you doing here?" tanong kong muli ngunit inilayo niya ang kaniyang tingin. I think he ran out of words to say. Nahuli ko ang paglunok niya ng ilang beses, nagtagis ang kaniyang bagang at napahawak siya sa kaniyang kaliwang tainga kung nasaan ang bagay na nahuli ko kaninang umilaw. Mukhang may pinakikinggan siya na nagsasalita doon. "I am asking you. Ano ang ginagawa mo dito?"

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD