Chapter 8 : Revenge
Pauwi na galing sa trabaho si Sekani. Nakarating na siya sa lugar na madalas siyang abangan nila Emon. Kung dati, siya ang inaabangan doon, ngayon ay hindi na. Sila na ngayon ni Wasuna ang nag-aabang doon. Parehas silang nakaupo sa sanga ng malaking puno habang hinihintay sina Emon.
"Teka nga, Sekani. Ano nga bang plano? Sasapi ba ako sa iyo o ikaw mismo ang gustong man-trip sa kanila?" tanong ni Wasuna sa kaniya.
"Bilang ngayon ko lang mararanasan ito. Hahayaan kong pasukin mo ang katawan ko. Basta ipangakot mo lang sa akin na magtitino na sina Emon."
"Hindi lang magtitino, magbabago na sila dahil sisiguraduhin kong hindi nila makakalimutan ang gagawin ko."
"Sige nga, panunuorin ko ang gagawin mo. Hindi na ako makapaghintay," sabi ni Sekani habang panay ang tingin sa mga taong padaan na roon.
Mayamaya ay biglang dumaan si Nitina. Nakita niyang kasama nito ang isang kaibigang babae. Hindi niya alam kung bakit naglalakad ang dalawa. Siguro ay may pupuntahan ang dalawa na hindi niya tiyak kung saan. Gusto sana niyang babain ito para kausapin, kaya lang ay hindi siya pinayagan ni Wasuna dahil amoy niyang paratin na sina Emon.
Ilan pang sandali ang lumipas ay nakita na nilang padaan na sina Emon doon. Nagulat pa siya dahil siya ang topic ng mga ito.
"Kahit kami ay nagulat. Hindi ko inaasahang mabubuhat niya ako kanina sa hangin gamit lang ang isang kamay," kuwento ni Colton. Napapangisi ang dalawa sa puno dahil hindi pa rin pala nito makalimutan ang patikim niyang paghihiganti sa mga ito.
"Mas malala sa akin. Isang tulak niya lang sa akin ay halos bumakat na ang katawan ko sa dingding ng coffee shop. Mabuti na nga lang at hindi niya nasaktan si Jaxon. Nang makita niya kung ano ang ginawa ni Sekani kanina ay natakot na siya," kuwento naman ni Chadwick.
“Hindi na nga kamo ako lumapit sa kaniya. Lumayo na ako dahil alam kong ako na ang isusunod niya. Mabuti na lang at nang alam niyang hindi na ako kakasa sa kaniya ay hindi na niya ako ginalaw,” kuwento naman ni Jaxon kaya lalong natatawa ang dalawa sa puno. Pinipigilan nila ang tawa nila dahil success ang paunang paghihiganti nila kanina sa tatlo.
“Alam niyo, hindi ako naniniwala sa mga sinasabi niyo. Si Sekani? Lalakas? Pwe! Sobrang duwag ka ng taong ‘yon!” sigaw ni Emon sa kanila.
“Siguro oras na, Wasuna para pumasok sa katawan ko. Haharapin na natin si Emon para maniwala na siya sa mga kinukwento ng mga alipin niya,” wika ni Sekani sa pusa niyang itim. Agad naman itong sinunod ni Wasuna. Pagdaka’y pumasok ito sa katawan niya. Nang maramdaman ni Sekani na nasa loob na niya si Wasuna ay nagpaubaya na siya rito.
Nang aktong patapat na sa punong iyon ang grupo ni Emon ay bumaba na siya sa punong iyon. Lahat ng ito’y nagulat sa kaniyang paglitaw. Nang makita nila Chadwick, Colton at Jaxon si Sekani ay bigla itong umtras at pumunta sa likuran ni Emon. Binigyan ni Sekani ng matalim na ngiti ang mga ito.
“Mabuti naman at nagpakita ka!” sabi ni Emon na nakangisi sa seryosong si Sekani.
“Ang tagal niyo nga e. Kanina ko pa kayo hinihintay,” sagot ni Sekani. Lumapit siya sa mga ito. Agad niyang hinila ang isa sa mga kasama niya. Nagpakitang gilas ito sa kanila kaya nagulat ang lahat lalo na si Emon.
“Gag*! Bitawan mo ako!” bulyaw sa kaniya ng lalaking hinila niya pero hindi ito nakapiglas sa kalakasan ni Sekani. Bigla niyang hinagis ang lalaking iyon sa puno. Sinuwerte lang ito na nakakapit pa siya sa puno, kundi ay baka nabali na ang mga buto nito kung sakaling sa kalsada siya babagsak.
Nang tignan niya si Emon ay laglag na laglag ang panga nito. “P-paano mo ‘yon nagawa?!” tanong ni Emon na nagsisimula nang matakot.
“Hindi ba’ matapang ka, Emon? Gusto kong ma-try ang kalakasan mo ngayon. Dati kasi ay palaging chill ka lang kung bugbug*n mo ako. Gusto mo nang magandang laban kaya ngayon ay pagbibigyan na kita. Lalaban na ako kaya maghanda ka,” sabi ni Sekani.
“Okay. Sige, umpisahan na!” Imbis na si Emon ang unang sumugod ay isa-isa siyang inatake ng mga alagad nito. Hindi nagpasindak si Sekani. Ni hindi nga siya natitinag sa kinatatayuan niya. Lahat ng sumugod sa kaniya ay tulog agad sa pamamagitan nang malakas na suntok niya. Lalo nang nanlaki ang mga mata ni Emon. Ngayon ay nakatabi na siya sa mga nanginginig ang tuhod na sina Chadwick, Colton at Jaxon.
Nang tuluyang maubos ang mga alagad nito ay tinignan niya nang matalim si Emon at saka siya ngumiti. “Ano na? Tatayo at tititig ka na lang ba sa akin?” maangas na tanong niya sa mga ito.
“Anong demonyo ang mayroon ngayon sa katawan mo at ganiyan ka kalakas?” tanong ni Emon na kita na sa mukha niya ang pagkatakot. Unti-unti na siyang naglakad sa mga ito. Habang papalapit na siya nang papalapit sa mga ito ay todo ang kunyapit nila sa isa’t isa.
“Fine! Titigilan ka na namin, Sekani,” biglang sabi ni Emon na tila naduwag na agad. Isang malakas na pagtawa ang nagawa niya kaya parang napahiya si Emon sa tatlong alagad niya a natitira. Kahit ang mga ito ay natawa dahil ang nagtatapang-tapangan nilang amo ay tila ngayon takot na takot kay Sekani na madalas nitong apihin noon.
“Hindi kita paalisin ngayon nang hindi lumpo, Emon!” warning niya kaya natakot na siya lalo. “Chadwick, Jaxon at Colton. Palalayain ko lang kayo kung makikita kong bubugbugi ninyo sa harap ko ang amo ninyon si Emon,” utos niya kaya nanlaki ang mga mata nito. Natawa si Sekani. Ngayon, mararanasan na niyang mapanuod kung paano ipabugbug si Emon sa mga alagad niya. Agad nitong nabaliktad ang mundo niya dahil sa tulong ng makapangyarihang pusang itim.
“Sekani, tama na. Ayoko na. Titigil na ako at humihingi na ako ng tawad sa iyo,” pagmamakaawa ni Emon.
“Ha? Sa tingin mo ba ay pagbibigyan kita ngayon? Tandaan mong mabuti ang mga pagmamakaawa ko sa iyo noong madalas mo akong tarantaduh*n. Naawa ka ba sa pagmamakaawa ko? Hindi naman ‘di ba? So, alam mo na ang mangyayari,” sabi niya habang seryoso ang mukha.
Lumapit na siya kay Emon. Naupo siya sa harap nito kaya takang-taka ang mga ito. Nang hawakan niya ang paa nito ay nagulat si Emon dahil may lumakad na yelo sa paa niya paakyat hanggang sa tuhod.
“Aaahhhhhh!”
Nagsisigaw sina Chadwick, Jaxon at Colton. Takot na takot sila lalo sa nakita nilang ginawa ni Sekani.
“Putangina! Anong klaseng nilalang ka ba, Sekani? Ikaw ba talaga ‘yan o ibang tao ka ngayon?” sabi ni Emon na unti-unti nang napapaluha.
“Ako ito, Emon. Si Sekani na palagi mong tinatarant*do. Sawa na akong masaktan. Sawa na akong ma-bully kaya ito na. Damhin mo ang poot ko. Ginising mo ang natatagong demonyo sa katawan ko kaya magdudusa ka ngayon,” pananakot pa niya.
“Sekani, please! Pakawalan mo na ako. Nagmakaawa ako sa iyo,” sabi ni Emon na pilit na kumakawala pero hindi niya magawa dahil sobrang kapal ng yelo sa paa niya.
“Ngayon na Chadwick, Colton at Jaxon. Bugbugin ninyo na si Emon. Kung hindi pa kayo susunod sa utos ko ay babaliin ko ang mga buto niyo!” pananakot niya kaya agad namang umaksyon ang mga ito.
“Sorry, Emon,” sabay-sabay nilang sabi at saka na nila binugbog ang amo nila.
Napapaiyak sa tuwa si Sekani. Hindi siya nakaramdam ng awa kay Emon dahil alam niyang hindi ito dapat kaawaan. Sobrang dami nitong kasalanan sa kaniya kaya deserve nito ang kung anong nangyayari sa kanya ngayon.