Chapter 7 : Wasuna
Nang idilat ni Sekani ang mata niya ay nasa loob na siya ng bahay nila. Nang maalala niya ang nangyari ay bigla siyang napabalikwas nang bangon.Pag-upo niya ay agad niyang sinuri ang katawan niya. Nagtaka siya dahil hindi masakit ang katawan niya at halos wala siyang sugat o gasgas na natamo matapos siyang kuyugin ng grupo nila Emon.
Meow!
Napatingin siya sa gilid niya nang makita ulit ang itim na pusa. Nakakunot ang noo niya nang tignan ito ni Sekani. “I-ikaw ba ang nagligtas sa akin?” tanong niya kahit napaka imposible nang naiisip niya. Muli siyang nagulat nang tumango na naman ito sa kaniya.
Tumingin siya sa orasan. Pasado alas nuebe na ng gabi. Bumangon siya dahil naisip niya bigla kung nakakain na ba ang mga magulang niya. Natutulog na kasi ang mga ito nang tignan niya sa pagpag. Nagbukas siya ng kandila para tignan ang kaldero nila. Nang tignan niya iyon ay may lutong kanin doon na bawas na. Pagkatapos ay saka naman siya pumunta sa lamesa para tignan kung anong ulam naman ang naroon. Laking-gulat niya nang makitang may inihaw na manok doon e, ang pagkaktanda niya ay habang kinukuyog siya ng mga alagad ni Emon ay haplit ang kain ni Emon sa binili niyang manok. Hindi siya puwedeng magkamali roon.
At dahil hindi pa siya naghahapunan ay napakain tuloy siya. Lumapit sa kaniya ang pusang itim habang kumakain. Napagtanto niya na simula nang lumitaw sa buhay niya ang pusang iyon ay kung anu-ano nang weird ang nangyayari sa kaniya. Hindi kaya may kung anong hiwaga ang mayroon sa pusa?
“Anak, Sekani, gising ka na ba?” tanong ng ina niya na nagising sa pagkakatulog. Nang tanawin niya ito ay nakaupo na ito sa papag. Tamang-tama iyon dahil gusto niya itong tanungin kung paano ba siya nakauwi.
“Opo, nay,” sagot niya. Tumayo siya para kilikin ang ina niya. Nilipat nito ito sa hapagkainan para huntahin.
“Nay, matanong ko lang po? Paano ho ba ako nakauwi sa bahay?” tanong niya kaya nakita niyang nakakunot ang noo nito.
“Ha? Anong paano?” pagtataka rin nito sa tanong niya.
“W-wala po kasi akong natatandaan na umuwi ako rito,” sabi pa niya kaya tinawanan na siya ng ina niya.
“Anak, ayos ka lang ba? Ano bang tanong iyan. Kanina pag-uwi mo ay kay saya-saya mo dahil may dala ka pang inihaw na manok. Nagsaing ka pa nga e. Pagkatapos ay sinabi mo amin na gusto mo munang matulog saglit dahil napagod ka sa work mo. Iyon ang nangyari,” mahaba nitong sagot sa kaniya kaya nagtaka siya. Wala kasi talaga siyang natatandaan na umuwi siya.
Muli, napatingin na naman siya sa pusang itim na nasa gilid niya. Kaunti na lang ay malapit na siyang matakot sa pusang iyon.
“Ganoon po pala ang nangyari. Siguro nga ay pagod lang ako kaya hindi ko na naalala ang nangyari,” sabi na lang niya at saka tumawa ng pilit.
“Oh, sige na, ibalik mo na ako sa higaan at ako’y matutulog na,” utos ng ina niya kaya muli niya itong binuhat pabalik sa papag.
Pagbalik niya sa hapagkainan ay nakita niyang naglakad papunta sa likod-bahay nila ang pusang itim. Hindi niya alam kung bakit bigla niya itong sinundan. Pagdating doon ay nakita niyang umilaw ng kulay asul ang mga balahibo at mata ng pusang itim.
“Kinagagalak kitang makilala, Sekani,” sabi ng pusang iyon kaya lalo nang nalaglag ang panga niya. Nanlalaki ang mata niya habang nakatingin sa pusang iyon.
“Totoo ba ito o nanaginip lang ako?” tanong niya habang naglalakad palapit sa pusang itim.
“Totoo ako, Sekani. Narito na ako para tulungan ka. Sa mga susunod na araw kasi ay marami nang mangyayari na maaring hindi mo na kayanin. Sigurado ako na hindi ka titigilan nila Emon hangga’t hindi ka napapatumba. Hangga’t hindi ka lumalayo kay Nitina ay hindi ka niya titigilan,” sabi pa nito.
Doon na napagtanto ni Sekani ang mga weird na nangyari. “So, ikaw nga ang kumuha ng sapatos kay Emon?” tanong niya.
“Ako nga. Ako rin ang pumulot ng butil-butil ng bigas na natapos noon sa kalsada. Pero, biro lang. Hindi ko iyon pinulot isa-isa. Hindi ko hahayaan na mapagod ako sa ganoong gawain. Ginamit ko ang kapangyarihan ko para maibalik sa dati ang bigas at isda na binili mo. Kanina, ako rin ang tumulong sa iyo. Nang wala kang malay ay pumasok ako sa katawan mo para pagalingin ang mga baling buto at sugat sa katawan mo. Ako na rin ang nag-uwi sa iyo kanina. Ako ang nakausap kanina ng mga magulang mo kaya wala kang naalala sa mga nangyari kanina.”
“Ang manok? Paano mo nagawang maibalik ang inihaw na manok?” tanong pa ni Sekani.
“Bilang parusa kay Emon, ang masarap na nilulutong inihaw na manok ng ina niya ang kinuha ko. Iyon ang inulam ninyo ngayon kaya huwag ka nang magtaka kung bakit masarap,” kuwento pa nito kaya napangisi siya.
Nang hindi na matakot si Sekani kay Wasuna ay nakipaghuntahan na siya rito. Napag-alaman niya na si Wasuna ay galing sa Chimera Town. Ang lugar na iyon ay pinaninirahan ng mga mababait na sirena. May mission ito kay Sekani kaya ito nagpakita at lumapit sa kaniya. Kung ano iyon ay hindi na muna nito sinabi sa kaniya dahil baka panghinaan siya ng loob.
“Ano pa ang mga kapangyarihan mo, Wasuna?”
“Kayang kong lumipad.”
“Ano pa?”
“May ice magic ako. Kaya kong gawing yelo ang tubig, kaya kong gawing yelo ang anumang bagay kahit tao pa.”
“Wow! Sige, ano pa?”
“Nako-control ko rin ang tubig.”
“Ano pa?”
“Wala na, iyon lang.”
“Teka, ano ka ba? Babae o lalaki?” tanong pa niya.
“Babae ako,” sagot nito at saka tumawa.
“Ang astig. Natutuwa ako dahil dumating ka sa buhay ko. May plano ako, Wasuna. Oras na para gantihan sina Emon.”
“Gusto ko ‘yan. Kating-kati na rin kasi ang kamay ko na maparusahan ang salbaheng bata na iyon.” Tumawa si Sekani. Ngayon pa lang kasi ay marami nang tumatakbo sa isip niya na gusto niyang gawin sa mga grupo ni Emon.
Pagkatapos nilang maghunta ay pumasok na sila sa loob. Ginawa ni Sekani ng malambot na matutulugan si Wasuna. Bago pa sila natulog ay humiling si Wasuna na pakainin siya dahil ilang araw na itong hindi kumakain simula nang umalis siya sa Chimera Town. Nagbukas ng diletang sardines si Sekani at iyon ang pinakain niya. Ayaw pa sanang kumain ni Wasuna dahil hindi raw iyon ang gusto niya. Gulay ang gusto niya kaya sinabi ni Sekani na bukas na bukas ay gulay na ang ipapakain nito sa kaniya.
Pagkatapos pakainin si Wasuna ay natulog na sila. Doon unang pinakita ni Wasuna ang kapangyarihan niya. Ang sabi kasi ni Sekani ay mainit sa loob ng bahay nila. Malapit na kasi ang summer kaya mainit na ang panahon ngayon. Namangha si Sekani nang gawing yelo ni Wasuna ang buong paligid doon. Dahil doon ay para na silang naka-aircon ngayon. Napalabas tuloy ng kumot si Sekani para kumutan ang mga magulang niya at ganoon na rin siya. Bibigyan din sana niya ng kumo si Wasuna, kaya lang ay tumanggi ito dahil hindi raw ito nakakaramdam ng lamig.
Dahil sa nangyari ay madaling nakatulog si Sekani. Tuwang-tuwa siya dahil alam niyang sa mga susunod na araw ay mawawala na sa landas niya sina Emon. Sisiguraduhin niyang matatakot ang mga ito sa gagawin nila ni Wasuna.