Chapter 10

1375 Words
Chapter 10 : Kataw  Pagdating nila Sekani at Conrad sa hospital room ni Nitina ay naabutan nila itong natutulog. Kasama nito ang ina niya na nagbabantay sa kaniya. Naghintay sila roon hanggang sa magising si Nitina. “Anong nangyari?” tanong ni Conrad nang bumangon na si Nitina. Mukhang maayos na ito dahil nakaya na niyang maupo. “Tiyak na trending ako ngayon. Grabe, hindi ko alam kung ano iyong nakita ko kanina habang rumarampa ako sa stage. Ang scary e. Para siyang halimaw. Nang una, simpleng lalaking tao lang ito sa may audience. Mayamaya, kitang-kita ng mata ko kung paano mag-iba ang anyo niya. Ang mukha nito ay naging parang isang halimaw. Parang siyokoy. Ang weird pa sa nangyari ay tila ako lang ang nakakita niyon. Sa takot ko ay nawalan ako ng malay habang nasa stage ako kanina.” “Eh, kumusta ang pakiramdam mo ngayon?” tanong naman ni Sekani. “Thank God, walang nangyaring masama sa akin. Maayos naman ako. Nagkaroon lang ako ng kaunting bugbog sa braso ko dahil sa pagkakatama nito kanina sa sahig ng stage.” “Pero, teka, hindi ka lang ba nahihibang kanina? Talaga bang may nakita kang kakaibang nilalang kanina?” tanong naman ni Conrad. “Totoong-totoo ang nakita ko. Hindi ako nahihibang lang. Sigurado ako na siyokoy iyon. Kung ano ang dahilan nang pagpapakita niya sa akin ay hindi ko alam. Nakakainis lang dahil natalo ako sa pageant dahil sa kaniya. Kung makikita ko man siya ulit ay hindi ako matatakot na pagsusuntukin siya. Pakiramdam ko kasi ay sinadya niya iyong gawin para mahimatay ako,” sabi pa ni Nitina kaya napaisip na si Sekani. Maari kayang kakilala ni Wasuna ang siyokoy na nagpakita kay Nitina? “Anak, heto ang CCTV footage kanina sa pageant. Pinasa na sa akin ng kakilala ko,” sabi ng ina ni Nitina. Sabay-sabay nilang pinanuod ang sinasabi nitong nagpakita sa kaniyang siyoko. Lahat sila ay nalaglag ang panga nang makita nila kung paano magpalit ng anyo ang isang lalaki na nasa audience. Naniwala na sila kay Nitina dahil totoo ang sinasabi niya. “See, totoo siya,” sabi ni Nitina na napangiwi na lang. “Sh*t! Bakit may ganiyan sa mundo natin? Saan galing ang nilalang na iyan?” Napapangiwi na lang din si Conrad na halos hindi makapaniwala sa napanuod niya. “Pero, teka, namumukaan ko na siya,” sabi ni Nitina. “Sino siya, anak? Sino?” nagmamadaling tanong sa kaniya ng ina niya. Galit din kasi ito dahil nanghinayang siya sa pagkatalo ng anak niya. “Kung hindi ako nagkakamali ay alalay o kamag-anak siya ng isa sa kasali rin sa pageant. Si Teresa ang makakapagpaliwanag sa akin kung anong klaseng nilalang ang naging anyo ng kasamang niyang iyon,” sabi ni Nitina na napatanggal bigla ng dextrose sa kamay niya. “I’m okay na. Umuwi na tayo dahil may pupuntahan tayo bukas. Kailangan kong makausap si Teresa,” sabi pa niya. Inasikaso na ng ina ni Nitina ang bill sa hospital. Habang ginagawa niya iyon ay magkakasama sa labas ng hospital sina Sekani, Conrad at Nitina. Paulit-ulit nilang pinapanuod ang video ng siyokoy na nagpakita sa kanila. Sinisiguradong mabuti ni Nitina na tama ang pagkakakilalala sa taong iyon. “Kung mapatunayan mong ang siyokoy na iyon ang kasama ni Teresa ay ano ang binabalak mong gawin?” tanong ni Sekani. Malakas kasi ang kutob niya na maari silang malagay sa panganib bukas kung sakaling may kakaibang nilalang na kasama si Teresa. Baka kung ano ang gawin nito kapag sumugod sila roon. Pero hindi bale. Alam naman niyang may Wasuna siya. Sakaling magkaroon ng aberya ay lalaban siya. “Hindi ko alam. Gusto kong managot sila sa nangyari. Mahalaga sa akin ang pageant na iyon. Hindi ako papayag na hindi sila magbayad sa nangyari sa akin. Pakiramdam ko kasi ay sinadya nila iyon para matalo ako. Kaming dalawa lang kasi ni Teresa ang parang naglalabang sa pageant na iyon. Ang mga pangalan namin ang maingay kaya mukhang gumawa talaga ng plano si Teresa para matalo ako,” sagot niya kaya napatango na lang si Sekani at Conrad. “Isama mo ako bukas. Kailangan mo pa rin ng back up. Baka kung anong gawin sa iyo ng siyokoy na iyon,” sabi ni Sekani. “Count me in,” sabi naman ni Conrad.   **   Bukas na bukas din ay tumungo sila sa bahay ni Teresa. Handa si Sekani dahil bago siya umalis sa bahay ay pinapasok na niya sa katawan niya si Wasuna. Anumang mangyari sa kanila ngayon ay may laban siya dahil malakas at may kapangyarihan siya ngayon. Nakasakay sila sa dala-dalang sasakyan ni Conrad. Lahat ay tahimik at kabado rin. “Handa ba kayo sakaling atakihin tayo ng siyokoy na iyon?” basag ni Nitina sa katahimikan. “Ako, oo,” mabilis na sagot ni Sekani. “Wow! Seryoso? Matapang ka nang lagay na ‘yan e, kapag nga binu-bully ka nila Emon ay hindi ka nga lumalaban,” sagot sa kaniya ni Nitina habang tumatawa. Tila napahiya tuloy siya kay Conrad na natawa rin. “Ayoko na lang mag-talk. Tignan na lang nating ang mangyayari mamaya,” sagot na nito gamit ang pangko-contro ni Wasuna sa kaniya. “Teka nga, parang kakaiba ka today, Sekani. Hindi ka naman ganiyan makipag-usap o sumagot sa akin. Parang ibang Sekani ata ang kasama ko ngayon,” sabi pa ni Nitina kaya tumawa na lang si Sekani para hindi na siya mahalata nito. Nag-usap tuloy ang dalawa gamit ang mind magic ni Wasuna. “Hinay-hinay ka nga sa mga sinasagot mo sa kaniya, Wasuna. Nahahalata na tayo tuloy.” “Sorry, boss. Dapat nga pala mabait ka dahil ganoon ka magsalita,” sagot ni Wasuna gamit ang pag-connect ng parehas nilang utak. “Alam niyo, mag-focus na lang kayo sa kung anong dapat natin gawin mamaya. Maganda na iyong may plan tayo para sakaling may aberyang mangyari ay handa tayo,” suggest ni Conrad. “Mabuti pa nga po, Sir Conrad,” sang-ayon ni Sekani. Dahil doon ay huminto muna sila sa isang restaurant na nadaanan nila. Doon sila nag-usap tungkol sa gagawin nilang plano. “Ako, basta ang gusto kong mangyari ay magbayad sila,” sabi ni Nitina. “Paanong bayad? Anong klaseng bayad ba? Pera pa o ipapakulong mo ang siyokoy?” Natawa si Sekani sa tanong na iyon ni Conrad. “Sorry. Simpleng sorry lang ay ayos na,” sagot ni Nitina kaya nalaglag ang panga ng dalawa. “Iyon lang ba ang dadayuhin natin doon?” tanong ni Sekani na matawa-tawa pa. “Eh, anong gusto niyong gawin ko? Makipag-away tayo? Magsakitan tayo roon?” “Hindi naman sa ganoon. Parang ang pangit lang para sa amin na ganoon lang pala ang gusto mong mangyari e, dapat ay nag-usap na lang kayo sa phone,” sabi ni Conrad. “Ang maganda sana ay hingan mo ng pera ang mga iyan. Kung hindi sila papayag ay sabihin mong ikakalat mo ang cctv footage nang pagpapalit anyo ng lalaking siyokoy na kasama niya,” sabi ni Sekani kaya napatingin sa kaniya nang seryoso ang dalawa. Nagulat ang mga ito sa sinabi niya. “Ayan ka na naman, Wasuna. Dapat nanahimik ka na lang e,” saway sa kaniya ni Sekani. “Eh, maganda nga iyon naisip ko e. Para rin maipakita mo na kay Nitina mamaya kung gaano ka kalakas kapag inaway na tayo ng siyokoy na iyon,” sagot ni Wasuna. “Ang galing mo, Sekani. Gusto ko ang naisip mo,” puri sa kaniya ni Conrad. “Malaki ang naging premyo. Balita ko ay naghakot si Teresa. Ang ilan na award para sa akin ay napunta rin sa kaniya kaya dapat lang na bawiin ko nga ang dapat na para sa akin,” sabi ni Nitina habang napapangisi kay Sekani. Bigla tuloy nitong hinawakan ang kamay niya. “I’m so proud of you, Sekani. Gusto ko ang bagong ikaw. Matalino at mukhang matapang na,” sabi pa nito kaya napangisi na lang siya. Ngayon ay handang-handa na sila. Sabik na sabik na rin si Wasuna sa mangyayari. Malakas kasi ang pakiramdam niya na isang masamang kataw ang lalaking nagpakita kay Nitina. Ang masasamang kataw pa naman ang mortal nilang kaaway sa lugar nila. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD