Chapter 5

1347 Words
( Chapter 5 - Ang pusang itim ) Tuwang-tuwa si Sekani dahil isinama siya sa mall ni Nitina para ibili ng bagong sapatos. Pati lunch ay inilibre rin siya nito. Tumatanggi naman siya, pero hindi siya umuubra kay Nitina. Kilala kasi niya ito na kapag gusto niyang gawin ang gusto niyang gawin ay gagawin niya ito. Nang pauwi na sila ay sa palengke siya nagpababa dahil ibibili pa niya ng tanghalian ang mga magulang niya. Isa rin iyon sa dahilan kung bakit maaga siyang nag-ayang umuwi. Wala kasi silang stock na food para sa tanghalian ng mga ito. Kung hahapunin siya sa mall ay baka magutom ang mga magulang niya. “So, mauna na ako. May gagawin pa kasi ako,” paalam ni Nitina sa kaniya nang ibaba na siya ng sinasakyan nilang tricycle sa palengke. “Okay, salamat ulit, Nitina,” sagot niya at saka ito kumaway. Bago siya tuluyang maglakad ay tinanaw niya muna si Nitina habang papaalis ito. Nang mawala na ito sa paningin niya ay doon na siya tumuloy sa bilihan ng bigas. “Mang Domeng, dalawang kilo nga po ng bigas na palagi kong binibili,” sabi nito sa tinderong madalas niyang pagbilhan ng bigas nila. “Aba, bihis na bihis ka ata, Sekani? Saan ka galing at tila nag-shopping ka ng bagong sapatos?” tanong ni Mang Domeng habang tinatakal na ang binibili niyang bigas. “Galing ho ako sa mall. First time ko nga pong makarating doon e,” sagot niya habang suot-suot pa rin ang malapad niyang ngiti. “Saka, baka hindi na nga po pala ako magtinda ng mga gulay. May nakita na po kasi akong bagong magandang trabaho. Hindi niyo na po kailangang bantayan ang puwesto ko. Salamat po sa lahat ng naitulong ninyo sa akin. Ngayon ay maganda-ganda na po ang magiging trabaho ko. Malamig na po at hindi na sa ilalim ng sikat ng araw,” pagmamalaki niya kaya nagulat ang matandang tindero. “Aba’y good for you. Masaya ako para sa iyo, iho. Nawa’y pagbutihan mo ang work mo para magtagal ka. Anyway, if may problem ka sa pera ay lapit ka lang sa akin. Handa kitang pahiram at para na kasi kitang anak,” sabi nito sa kaniya kaya niyukuan niya ito para tanguan at magpasalamat. Pag-abot ng bigas sa kaniya ay umalis na rin siya para tumungo naman sa bilihan ng isda. Naglalakad na siya pauwi sa kanila nang bigla siyang harangin nila Emon. Napahinto siya sa paglalakad. Nakita niyang masama ang tingin ng mga ito sa kaniya kaya napailing na lang siya. Alam niyang nagsumbong na ang mga alagad nito sa kaniya kaya sila naririto. Problema na naman ito. Tiyak na masisira ang sapatos at matatapon ang bigas at ulam na dala-dala niya. “Ano iyan?” tukoy ni Emon sa hawak-hawak niyang paper bag na may lamang sapatos. “Siguro ay gamit iyan na maaaring binili sa kaniya ni Nitina nang magtungo sila sa mall,” sumbat ng matabang lalaki si Chadwick. “Bukod sa gusto nitong maging jowa si Nitina ay pineperahan pa niya ito. Ibang klase talaga itong si Sekani,” wika naman ng mistisong si Jaxon. Sa lahat ng alagad ni Emon ay ito lang ang may itsura. “Please, Emon, itigil niyo na ang panggugulo sa akin. Hindi ko naman kayo inaano kaya bakit ba patuloy pa rin kayong nangugulo,” pagmamakaawa ni Sekani kaya pinagtawanan siya ng mga ito. Lumapit sa kaniya si Emon kaya unti-unti nang nangatog ang mga tuhod niya. Tiyak na mababasag na naman ang mukha niya nito. Hinawakan n Emon ang kuwelyo ng damit niya. “Sigurado ka bang hindi kang nang-aano? Hindi mo pa rin ba maisip na kaya kita ginaganito ay dahil ayaw mong tigilan si Nitina ko!” Umatras siya para makatakas pero hindi ito umubra sa kapit ng kamay ni Emon sa kuwelyo niya. “Kaibigan ko iyon, Emon. Iyon lang at wala ng iba pa,” sagot niya pero isang malakas na suntok ang agad niyang natamo rito kaya’t bumagsak siya sa lupa. Kasama niyang bumagsak sa lupa ang hawak niyang kahon na may lamang sapatos, ang nagkalat na natapon na bigas at ang nasayang na mga isda. Lumapit si Emon nang makita nito ang black shoes na nalabas sa kahon. “Ah, ito ba ang binili sa iyo ng Nitina ko?” Pinulot niya iyon at saka sinukat. Nang makita niyang sakto rin ito sa paa niya ay parehas niyang pinulot ang sapatos. “Sa akin dapat ito, hindi sa iyo,” sabi niya kaya agad na umalma si Sekani. “Emon, akin iyan!” reklamo pa niya kaya tinadyakan pa siya nito sa mukha niya. Dahil doon ay nagdilim ang paningin niya. Doon na siya tuluyang nawalan ng malay-tao. ** Nagising si Sekani dahil sa isang pusa na nasa tabi niya na para bang sinasadyang gisingin siya. Panay ang pagpalo ng mga paa nito sa tiyan niya. Tumayo siya at ininda ang masakit nitong mukha na ngayon ay namumula at may kaunting pagmamaga pa. Pinulot niya ang isang supot ng bigas at isang supot ng isda. Mayamaya ay paalis na dapat siya nang maalala niya bigla na kanina ay nagkalat na sa kalsada ang mga bigas at isda kaya’t paanong nagbalik ang mga ito sa supot? Isa pa sa pinagtaka niya ay nawala na rin bigla ang pusa na gumising sa kaniya kanina. Napapailing na lang siya habang naglalakad pauwi sa kanila. Pagdating sa bahay nila ay nadatnan niyang parehong natutulog ang kaniyang mga magulang sa papag nila. Tumuloy siya sa kusina. Tinignan niya ang kaldero. Wala siyang kanin na nakita roon kaya alam niyang hindi pa nananghalian ang mga ito. Naawa siya bigla sa mga ito dahil alas dos na ng hapon nang siya ay makauwi. Kung hindi lang sana siya nakatulog sa kalsada kanina ay kanina pa sana ito nakauwi. Kasalanan ito nila Emon. Minsan, atat na atat na rin siyang lumaban sa mga iyon. Nagtitimpi na lang talaga siya. Bigla niyang naalala ang sapatos na binili sa kaniya ni Nitina. Lalo siyang nainis kay Emon dahil kinuha pa niya iyon kahit kayang-kaya naman niyang bumili ng sampong ganoon. Napakawalang niya. “Nakauwi ka na pala, anak.” Nakita niyang gising na ang nanay niya kaya inabot niya rito ang isda para maipirito na. “Pakiluto na lang po ‘yan at ako na po ang bahala sa sinaing na kanin,” sabi niya. Pagkatapos niyang isaing ang bigas ay kinuha naman niya ang uniform para malabhan na iyon. Bukas kasi ay mag-uumpisa na siya sa kaniyang work. “Anak, gusto mo bang ako na ang gumawa niyan?” tanong sa kaniya ng ina niya pero umiling siya. “Hindi na ho, kaya ko na po ito,” sagot niya. Habang panay ang kuskos niya sa uniform niya ay bigla niya ulit nakita ang pusang itim na nanggising sa kaniya kanina. Nakatingin ito sa kaniya na para bang pinapanuod siya. “Gusto mo bang sa akin ka na lang?” tanong niya. Napatayo siya nang makita niyang tumango ito. “T-teka, naiintindihan mo ako?” tanong pa niya pero hindi na kumibo ang pusa. Naglakad ito sa may gawing gilid ng likod-bahay nila. Sinundan naman niya ito at laking gulat niya nang bigla niyang makita ang sapatos na nakahon. “Paanong napunta ito rito?” tanong niya. Binuksan niya ang kahon nito para ma-check kung ito nga ba iyong sapatos na kinuha sa kaniya ni Emon. Nang makita niya iyon ay nalaglag ang panga niya dahil iyon nga talaga ang sapatos na binili sa kaniya ni Nitina. Napatingin siya sa pusang itim. Malakas ang kutob niya na ito ang may pakana nito. Naupo siya para harapin ang pusang itim. Itinapat nito sa mukha ng pusa ang sapatos. “Ikaw ba ang kumuha nito kay Emon?” tanong niya. Sa pangalawang pagkakataon ay nagulat siya dahil muling tumango ang pusa kaya napaatras siya at napaupo sa lupaan. Anong klaseng pusa ito at tila naiintindihan siya. Saka paano niya nagawang makuha kay Emon ang sapatos niya? Malaking palaisipan iyon kay Sekani. Isa itong kababalaghan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD