Episode 5- Warning sign

2269 Words
Pakiramdam ni Charlie gustong gumuho ng mundo n'ya ng sabihin ng doctor na ni rereject na ng katawan n'ya ang pusong nakakabit sa kanya. Ayaw n'yang maiyak pero iyon ang nararamdaman n'ya bakit naman atang inuulan s'ya ng kamalasan. Noon naman okay s'ya. Successful ang operation dahil compatible sa kanya ang pusong ikinabit sa kanya pero bakit ngayon ni rereject na ng katawan n'ya. Napatingin s'ya sa malaking santo ni papa jesus sa harapan ng altar. It's been a month pumayag s'ya sa request ng magulang na mag bakasyon muna s'ya sa US ng mga ilang buwan lang lingid sa kaalaman ng mga ito na nag patingin s'ya sa ibang heart doctor sa US dahil nga napapadalas na ang pag kirot ng dibdib n'ya na hind n'ya sinabi sa parents n'ya dahil ayaw n'yang mag-alala ang mga ito. Kailangan na daw nilang mag hanap ng panibagong heart donor sa lalong madaling panahon kung gusto pa n'yang mabuhay ng normal. Isa hanggang dalawang taon iyon lang ang pinaka matagal na chance ang ibinigay sa kanya ng doctor. Sa ngayon daw kaya pa ng gamot-gamot ang nararamdaman n'ya pero habang umiinom daw s'ya ng gamot mabuti ng nag hahanap na rin sila ng heart donor dahil hindi daw naman lahat ng heart donor possibleng maging compatible. Tulad na lang daw ng case n'ya ilang taon din naman n'yang pinakinabangan ang bago n'yang puso na inakala nilang okay naman pero sa huli irereject lang pala ng katawan n'ya. Wala s'yang balak sabihin sa parents n'ya ang tungkol sa problema n'ya, hindi n'ya gustong gumawa nanaman ang mga ito ng kasalanan para lang manatili s'yang buhay. May isinuggest pa sa kanyang proceduce ang doctor na cyborg heart na possible daw na malaking tulong sa kanya kung gusto daw n'ya. Ibinigay sa kanya ang isang registration form kung gusto daw n'ya pero hindi pa s'ya makapag desisyon. May 2 years pa naman mag-iisip muna s'ya at mag hahanap ng bagong donor kung meron. "Ma'am Charlie kailangan na po natin umuwi mag hahapon na po hinahanap na kayo ng Papa at Mama n'yo." Huminga ng malalim si Charlie at nilingon ang babaeng katabi. "Sige na umuwi na sumama ka na." inabot ni Charlie ang itim na helmet saka tumayo na at isinuot na ang helmet saka umiba na ng direksyon ng labas ng simbahan. Naka motor lang s'ya kasama ng ilang bodyguard n'ya habang may isang bodyguard n'ya ang ka double n'yang sasakay sa presidential Daughtrs car na malaki ang hawig sa kanya dahil sa make-up. Sapol ng ma kidnap s'ya iyon na ang bago nilang set-up ng bumalik s'ya ng Pilipinas. Sasama s'ya sa mga naka motor n'yang bodyguard habang iba ang sasakay sa presidential car. ******* "Anak naman mas parang delikado pa yan ginagawa mo, wag ka na lang lumabas ng bahay mas kampante pa kami ng Daddy mo kung nandito ka na lang or nasa ibang bansa ka na lang." "I heard na patong-patong na kaso ang naka abang kay Papa pag tapos ng term n'ya." turan ni Charlie na hindi na pinansin ang sinabi ng ina. "Wag mo ng isipin yun kami ng Papa mo ang bahala sa problemang iyon." "Ma, gusto ko po ng divorce baka kayang gawan ng paraan ni Papa." "Wag muna sa ngayon anak hindi puwedeng kumalat ang balita na kasal ka kay Sevy. Maraming kaso ang papa mo at ang kasal mo kay Sevy ay baka mas lalong makapag pa diin pa sa kaso ng ama mo. Konting tiis pa anak oras na matapos ang lahat ng problema ng Papa mo gagawan natin ng paraan na mapawalang bisa ang kasal mo sa kanya." huminga naman ng malalim si Charlie. "Bakit may na gugustuhan ka na bang bago ngayon." tumango naman si Charlie kahit wala naman sinabi lang n'ya para wala ng mahabang explanation. Bago pa lang s'ya pahiga sa kama ng tumunog ang cellphone n'ya facetime iyon at malakas ang kutob n'yang si Sevy lang yun after ng engkuwentro nila sa pajama party noon ni Megan. Iyon na ang huling beses nilang nag usap bago s'ya nag tungo ng US. Sinubukan n'yang kalimutan ang asawa pero walang araw na hindi n'ya ito na isip pakiramdam n'ya dahil na rin siguro sa puso ni Natasha na nasa kanya. Marahil si Natasha na lang ang pumipigl na wag n'ya itong makalimutan. Tiningnan n'ya ang number napakadami na ng naka lista sa kanya sa blacklisted na number ni Sevy pero parang hindi ito na uubusan ng ibang number. Inilagay na n'ya ng deretso sa blacklisted ang numerong bago ni Sevy kahit hindi pa man n'ya na sasagot. Pinatay na ni Charlie ang ilaw ng mahiga na s'ya ng muling mag-ilaw ang phone n'ya hindi sana n'ya sasagutn pero ayaw talagang tumigil kaya i boblock na sana ulit n'ya ng makita na ang papa pala n'ya ang nakatawag kaya napilitan s'yang bumangon at buhayin ang ilaw. "Yes Papa." "Hi Bitcheloves welcome back." tumarak ang mata ni Charlie ng makilala ang boses ni Sevy saka napatingin sa screen ng phone number ng papa n'ya ang naka rehistro paanong nangyari na cellphone number ng papa n'ya ang nagagamit nitong pang tawag. "Lasing ka ba?" tanong niya rito dahil kakaiba ang timbre ng boses nito sa phone. "Hindi naka inom lang nasa labas ako paki sa guwardya sibil n'yo buksan ang gate at papasok ang mahal na konde." "Anong nasa labas ka?" "Ano pa ba ang pag kakaintindi mong buksan ang gate at papasok ang mahal na konde. Puro ka naman pala ganda pero walang laman yan coconut mo." "Alam mo ikaw kung walang matinong lalabas d'yan sa bibig mo umalis ka na lang kung saan gate ka man nandun." "Nandito nga ako sa labas ng gate n'yo ang daming guardya civil ayaw akong papasukin. Ayoko naman umakyat ng bakod ang taas, ayaw na akong tuluyan ng mga buddy ko baka ipahabol mo nanaman ako sa aso." "Nasa labas ka talaga as in." "Kulit mo naman, ikaw ata ang lasing e. Utusan mo ang mga guwarday n'yo na buksan ang gate bilis." napalingon si Charlie sa may bintana n'ya ng marinig ang malalakas na busina ng isang sasakyan kasabay ng busina rin na ririnig n'ya sa background ng call ni Sevy, ibig sabihin lang nasa labas nga talaga ito ng bahay nila. Inis naman na napababa ng kama si Charlie at nag mamadaling isinuot ang robe saka nag mamadaling lumabas ng kuwarto. Buti na lang wala sa bahay ang parents n'ya nag paalam ang mga ito na uuwi sa Mansion De Manila ang mga ito at doon na mag papalipas ng gabi. Kaya mag-isa lang s'ya sa mansion nila sa Alabang . "Naku Ma'am bakit po bumaba pa kayo may lasing pong lalaki sa labas na gustong pumasok nag papakilala pong asawa n'yo daw po." "Hoy! Buksan mo nga to."sigaw pa ni Sevy na mukhang preso na naka hawak sa rehas ng gate habang naka kalso ang mukha nito sa pagitan ng mga rehas. Malayo sa kanila ang malaking gate pero tanaw pa rin naman n'ya si Sevy. "Buksan n'yo na nga ang gate, hindi yan aalis d'yan kahit barilin n'yo pa. Pabayaan n'yo ng pumasok ikaw na lang mag pasok ng kotse n'ya sa garahe. Hayaan n'yo s'yang mag lakad papasok ng mahulasan." "Yes Maam." agad naman tumalima ang guard. Medyo kinabahan pa s'ya ng makitang sinapak ni Sevy ang nag bukas ng gate para rito ng makita sasapakin pa ulit nito ang guard nila agad na n'ya na hubad ang suot na tsinelas at nag mamadaling lumapit pa ng bahagya saka binato si Sevy na sureball naman sa ulo. Galit itong napalingon saglit sa kanya saka hinanap ng mata nito ang tsinelas na agad na kinuha saka lumapit pa sa kanya bahagyang gumewang ang lakad nito. Buti naka pag drive pa ito papunta sa kanila. Na alarma naman ang mga security guard nila na mabilis na nag labasan ng baril at itinutok kay Sevy isang guard pa ang nag warning shot sa itaas at inutusan si Sevy na huminto pero parang walang narinig si Sevy na ngumisi naman. "Go ahead make them shoot me ng matapos na tong petseng buhay na to." ani sevy tumaas naman ang kamay ni Charlie na inutusan ang mga itong ibaba ang baril ng nasa harapan na n'ya si Sevy na itinuktok pa sa ulo n'ya ang tsinelas n'ya pero agad tong lumuhod at medyo nagulat pa si Charlie na bahagyang napa-atras sabay hawak sa ulo ng asawa ng basta na lang nitong hawakan ang binti n'ya at kinuha ang paa n'yang bahagya pang pinagpag nito sabay isinuot ang tsinelas n'yang ibinato dito. "Next time kapag babatuhin mo ako dapat bato hindi tsinelas nakakabawas ng pag kalalaki ko pag tsinelas." wika pa nito saka binitawan paa n'ya. Akala ni Charlie tatayo na Sevy pero napasinghap s'ya ng bigla itong yumakap sa hita n'ya habang naka luhod. Na hihiyang pilit na itinutulak ni Charlie ang ulo ni Sevy dahil nakatingin na ang mga guard nila sa kanila na agad na umiwas ng tingin sa kanila. Paano pa naman kasi sa p*******e pa n'ya nakasubsub si Sevy saktong-sakto pa. "Baste, ano ba umalis ka nga." inis na utos pa n'ya sa asawa na kulang na lang sabunutan na n'ya. Sunod-sunod naman itong umiling habang nakasubsub pa rin sa harapan n'ya. Bigla naman may naisip si Charlie saka isenenyas sa isang guard na agad naman na inintindihan at nag mamadaling tumalikod at kumuha ng cellphone bago sila pinicturan gaya ng utos n'ya. "I hate you! I really hate you Carlota bakit ba lagi kitang na iisip, ayoko kitang isipin pero kusa ka na lang pumapasok sa utak ko. Galit dapat ako sa'yo. Ikaw ang dahilan kung bakit namatay si Natasha at ang anak namin. Masaya na sana kami ngayon pero dahil sa'yo namatay sila. Nawala sila sa akin dahil sa'yo pero bakit hindi ko magawang patayin ka kahit iyon ang gusto ko. Umangat ang ulo nito at dahan dahan na tumayo saka humawak sa balikat n'ya saka diretso tumingin sa kanya. Bumaling ang tingin nito sa leeg n'ya saka iyon hinawakan na parang gusto s'yang sakaling bahagya nitong hinawakan ng mahigpit ang leeg n'ya. Gusto n'yang ngumiwi pero hindi n'ya ginawa sa biglang pag kirot ng dibdib n'ya hindi dahil sa pag sakal nito sa kanya. "Hindi kita magawang patayin habang na iisip ko si Natasha. Isang importanteng bagay na pag-aari ng babaeng mahal ko ang na sa'yo. Na ninakaw ng mga magulang mo kaya intayin n'yo hindi man kita mapatay ngayon isusumpa ko na hindi rin kayo magiging masaya lalong-lalo ka na." wika pa nito na sabay hila sa leeg n'ya at hinalikan s'ya sa labi. ******** Nasapo ni Sebastian ang ulo ng bigla iyong kumirot saka dumapa ng higa. Naparami s'ya ng inom kagabi buwisit na si Dennis s'ya na ng s'ya ang tinagayan porket wala s'ya sa maayos na katinuan dahil sa asawa n'ya na akala mo kung sino. Ang lakas ng loob na mag tapang-tapangan porket maraming kasamang bodyguard. Gusto pala nito ng away puwes bibigyan n'ya ng gulo ang buong pamilya nito. Nakahanda na ang lahat ng document na kailangan n'ya para bumagsak na ng tuluyan ang pamilya Zobel at titiyakin n'yang makukulong si Shawn Falcon at Vanessa sa pag patay ng mga ito kay Natasha. Then kukunin n'ya si Charlie at gagawin impiyerno ang buhay nito sa piling n'ya. Biglang kumunot ang noo ni Sevy at nag salubong ang kilay ng maramdaman na parang may hita at braso ang biglang dumantay sa likod n'ya habang naka dapa s'ya. Nag-uwi ba s'ya ng babae ng nakaraang gabi to warm his bed wala s'yang ma alala kaya dahan-dahan s'yang bumaling sa side ng babae para alisin ang braso at hita nito sa katawan n'ya ng magulat s'ya ng makita si Charlie na natutulog at bahagya pang nabukas ang mga labi. Paanong si Charlie ang babaeng kasama n'ya kagabi, pinilit n'yang alalahanin kung nag kita ba sila kagabi sa bar pero ibang babae ang kasama n'ya sa table. Paano ang asawa ang katabi sa kama n'ya bahagya pa s'yang napalunok ng gumapang ang tingin n'ya sa katawan ng asawa na walang kumot dahil mukhang nahila n'ya ng dumapa s'ya ng higa. Naka satin silk itong pantulog na kulay rose gold na lalong nag patingkad sa kulay labanos nitong kutis. Bahagyang naka labas pa ang cleavage nito sa malalim na neckline ng damit at bahagya pang naka bakat ang uto** nito sa tela ng damit. Napalunok si Sevy parang gusto n'yang kurotin at kagatin iyon gaya na madalas n'yang ginagawa noon. Gusto rin n'ya makita ang na tatanaw n'yang tattoo sa pagitan ng dibdib nito na mukhang pinalagyan nito ng tattoo ang peklat nitong mahaba sa dibdib. Pigil na pigil ni Sevy ang sarili na umangat ang kamay na hawakan ang mapuputing hita ng asawa at pisilin ang makurba nitong balakang. God he miss her body at hindi make-out na lang ang gusto n'ya this time, mariin s'yang napapikit at sumubsob sa unan ng makaramdam ng sakit sa ibabang bahagi ng katawan n'ya dahil sa pag ka buhay ng alaga n'ya dahil sa tumatakbo sa isip n'ya. Bigla parang bukas na gripo na bumalik sa alala n'ya ang maiinit nilang eksena sa kama noong sila pa at pinaliligaya n'ya ito without penetration. God! Hanggang kailan ba n'yas kayang tiisin ang tawag ng laman sa tuwing makikita n'ya ang asawa, gusto n'yang mag karoon ng anak kay Charlie pero nag tatalo pa ang isip n'ya kaya kahit anytime naman puwede n'ya itong angkinin dahil karapatan n'ya iyon bilang asawa. Hanggang kelan ba n'ya titiisin ang tawag ng laman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD