Nakahinga na ng maluwag si Charlie ng sabihin na ng doctor na gising na ang mama n'ya at ililipat na ng recovery room pero kailangan pa rin nitong manatili sa hospital ng mga ilang linggo pa. Bumalik muna s'ya sa room n'ya habang inaayos pa ang kuwarto ng ina at nirequest na din n'ya na pag-isahin na ang kuwarto nilang mag-ina habang kailangan pa n'yang mag oxygen dahil mababa pa daw ang oxygen level n'ya kaya kailangan muna bumalik sa normal. Nagulat pa s'ya ng makitang naroon si Sevy at mukhang bagong ligo pa alam n'yang malakas ang ulan sa labas baka na ulanan ito kaya naligo. Nabasa n'yang nawawala daw si Hanna gusto man n'yang sumama sa pag hahanap sa kaibigan hindi s'ya pinayagan lumabas ng hospital bilin din daw ni Sevy. "Si Hanna?" "She's fine but not doing great kasama na s'