Inaayos ni Charlie ang eye mask na pinabili n'ya habang isinusuot ng nurse na kinuha ni Sevy para sa kanya na. Ngayon na ang balik nila sa Pilipinas sa wakas makaka-uwi na s'ya. Pumayag si Sevy na sa mansion nila sila pansalamantalang tumira ng mga ilang buwan pero after daw nun uuwi na sila sa bahay nito at hindi s'ya puwedeng tumangi. "Why are you wearing that?" nag-aalalang tanong ni Sevy ng lapitan sila habang naka-upo s'ya sa wheelchair n'ya. "Sir, nasisilaw pa rin po kasi si Ma'am nahihirapan s'ya kung shade so I suggest po if she want a mask." paliwanag ng nurse. Tumango naman si Sevy na lumuhod sa harapan ng asawa at inabot ang kamay. "Wala bang masakit sa'yo?" "Wala, gusto ko na talagang umuwi." buti na lang meron ng nakakabit na eyemask sa kanya kundi nagulat sana s'ya sa kam