Nakatingin si Sebastian sa painting na nasa loob ng kuwarto n'ya. Parang si Charlie talaga ang bata sa painting na ninuno pala ng mga ito pero hindi s'ya na niniwala na gagastos ng sobrang laking halaga ang mga Zobel para lang sa isang painting na hindi naman ganun kaakit-akit. Nag conduct n'ya ng research sa painting isang tanyag na pintor pala ang gumawa ng painting gamit ang dinurog na eggshell at bago pa ito sumikat na matay na ang pintor na hindi nakikilala sa mundo ng artist.
Isang cancer patient ang nag painting ng larawan ng lola ni Charlie at taon pala ang binilang bago natapos ang painting naka ilang salin lahi na ang painting at ngayon tuluyan ng natapos ang lahi at si Shawn Falcon Zobel na lang ang natitirang direct desendant ng painting kaya gustong makuha ng mga Zobel ang painting pero iyon lang ba talaga ang dahilan. Tumayo si Sevy at nilapitan ang painting at tiningnan ang likod baka kasi meron doon mga secret code or mga secret na taguan ng isang treasure map pero natawa na lang s'ya sa naiisip.
Kaya bumalik na lang s'ya sa kama at mula sa drawer sa gilid ng kama kumuha s'ya ng isang phone dahil ang magaling n'yang asawa. Ibino-block ang lahat ng phone number na ginagamit n'ya rito sapol pa ng muli n'ya ito tawagan, Natutuwa naman s'ya dahil nakaka-usap pa rin n'ya ito. Marahil buwisit na buwisit na ito sa kanya dahil hindi s'ya na uubusan ng number na ginagamit para sirain lang din ang araw nito. Nag send s'ya ng mga picture at video habang pinaliligaya ng apat na babae ang isang bodyguard nito na spy n'ya. Segundo lang ang inintay n'ya nag ring na ang phone n'ya na hindi muna n'ya sinagot kaya nag text si Charlie.
"Anong ginawa mo sa bodyguard ko!!!" ngumisi naman si Sevy na nag reply.
"Opps sorry wrong send. Wag mo ng hintayin na pasukin ka sa kuwarto ng lover mo dahil napagod s'ya sa apat na chick na kinuha ko para sa kanya."
"Sagutin mo ang call ko kung ayaw mong tumawag ako ng pulis." napangiti naman si Sevy ng muling mag ring ang phone n'yang hawak saka sinagot yun.
"Bakit ka ba tawag ng tawag. Matutulog na ako abala ka."
"Pauwiin mo na si Enrique, wala kaming relasyong gago ka. Sinabi ko lang yun dahil alam ko naman na spy mo s'ya sa akin." tumawa naman si Sevy. So alam pala nito ang tungkol sa taong itinanim n'ya sa mga bodyguard nito.
"Hay! Ang sama talaga ng ugali mo. Hindi na babagay sa'yo ang puso ni Natasha. Wala kang konsensya." iling ni Sevy.
"Kung nag seselos ka kay Enrique hindi ko na kasalanan yun. Malay ko bang mababa pala ang self-confidence sinabi ko lang na meron mas magaling sa'yo. Galit na galit ka na agad, mag intay ka mag hahanap ako ng lalaki talagang mas higit sa'yo." malakas naman tumawa si Sevy sa sinabi ng asawa.
"Hindi ako nag seselos. Sino ka para mag selos ako? at guess what my dearest beautiful wife. I'm one of a kind wala ka ng mahahanap na hihigit sa akin."
"Masyado ka naman bilid sa sarili mo, Let me just remind you mas guwapo pa rin si Brad Pitt, Johny Depp, Tom Cruise, Keanu Reeves_________."
"Wala ka bang kilalang guwapong artista sa generation natin? piling-pili mo yung mga ka edad ng magulang mong killer." wika ni Sevy.
"Alam mo buhay ka pa sinusunog na sa impiyerno ang kaluluwa mo."
"As far as I remember wala akong pinatay na tao. Hindi katulad ng pamilya n'yo na handang pumatay para lang buhayin ang isang pakawalang dalaga na walang magawa sa buhay."
"Para kang sirang plaka na paulit-ulit sinasabi yan."
"At hindi ako mag sasawa na ipa-alala sa inyo kung anong mga klaseng tao kayo. Hindi pa man patay ang ama at ina mo alam ko ng sa purgatoryo ang punta nila."
"Bakit ikaw sa langit ba ang punta mo."
"Hindi pa ako sure dahil balak pa kitang ihatid sa ibang langit one of this day." ngisi ni Sevy.
"Oo sige ba, basta ayusin mo lang baka sa pag hatid mo sa akin dumertso ka na ng tunay langit sa sobrang sarap ko." malakas naman tumawa si Sevy. Wala talagang s'yang panalo sa babaeng ito kung kapal lang din ng mukha manang-mana ito sa magulang.
"Maipakulong ko lang ang magulang mo okay na kahit saan mapunta ang kaluluwa ko. Mabigyan ko lang ng katarungan ang pag kamatay ng mag-ina ko wala na akong paki-alam sa kaluluwa ko. And as for you karma na ang bahala sumingil sa'yo. Gustuhin ko man na ipanalangin na sana mamatay ka na lang hindi ko magawa dahil na sa'yo ang puso ng babaeng mahal ko." hindi umimik si Charlie pero tiyak ni Sevy na nasaktan n'ya ito sa sinabi n'ya at wala s'yang paki-alam.
"At nga pala akalain mo may treasure map pala na nakatago sa likod ng painting kaya naman kating-kati kayong makuha ang painting dahil may malaking kayamanan na nakatago."
"Ano? adik ka ba?" bulalas pa ni Charlie na parang biglang natawa. Lihim naman na inis si Sevy mukhang matatalo nanaman s'ya. Ibig sabihin lang wala din idea si Charlie kung anong meron sa painting.
"Ordinary'ng painting lang daw yan na gusto lang makuha ni Mama dahil sa painting daw na yan n'ya ako hiniling noon dahil hindi s'ya mabuntis pero after n'yang hilingin sa picture painting na yan na sana mag buntis na s'ya. Nabuntis nga s'ya sa akin kaya gusto lang n'yang makuha yan. Lakas din ng power trip mo ano, treasure map hahaha! daig mo pa tumitira ng baygon." inis naman na pinatay na ni Sevy ang call at balewalang ibinato ang phone at madurog iyon na tumama sa pader.
*******
"Mama, Yung bang painting na gusto n'yo may iba pa bang dahilan kaya gusto n'yo yung makuha sana." Tanong ni Charlie habang sabay-sabay silang nag aalmusal sa Mansion De Manila kung saan nakatira ang Papa n'ya simula ng ito ang maging prisedente ng Pilipinas.
"Ha? wala naman bakit mo natanong. Na sabi ko na sa'yo ang kuwento kaya sana nakuha natin kaso wala tayong magagawa." malungkot na wika ni Vanessa.
"Ano naman gagawin ni Sebastian kaya sa painting tanong naman ng Papa n'ya.
"Sana lang ingatan n'ya ang painting." wika naman ng mama n'ya.
"Wag na tayong umasa Ma. Galit s'ya sa atin baka nga sunugin pa n'ya yun e." tugon naman ni Charlie nabitawan naman ni Vanessa ang kubyertos na napatingin sa asawa.
"Shawn do something wag mong hayaan na sirain ni Sebastian ang painting." paki-usap ni Vanessa sa asawa.
'Honey! Wala naman na tayong magagawa kung ano mang gawin n'ya sa painting na yun mabuti nga yun at painting lang mas natatakot ako kapag kinuha n'ya sa atin ang anak natin. Which is may karapatan s'ya bilang asawa, hayaan na lang natin ang painting na yun kay Sebastian ang ingatan natin ay itong si Charlotte na wag n'yang makuha sa atin." wika ng papa n'ya.
"May panata ako sa painting na yun ng hilingin ko si Charlie sa langit. Na ngako ako na aalagaan ko ang painting kapag wala ng nag mamay-ari sa kanya. Baka kapag sinira ni Sebastian ang painting may mangyaring masama kay Charlie natatakot ako shawn." ngumiti naman si Charlie na tumayo at nilapitan ang ina saka ito niyakap.
"Ma, I'm okay na hindi naman ang painting na yun ang dahilan kung bakit buhay ako remember dahil sa inyo buhay ako. " huminga naman ng malalim si Vancessa.
"Tama ang anak mo Nessa, wag ka ng masyadong mag-aalala sa painting na yun."
"Speaking of painting sabi ni Baste tumawag po s'ya sa akin kagabi sabi n'ya may nakuha daw po s'yang treasure map sa painting. tingin n'yo po kaya totoong may treasure map sa painting. Natatawang tanong ni Charlie na tinawanan din ng magulang n'ya.
"Baka hinuhuli lang tayo ni Sebastian dahil handa tayong mag tapon ng malaking halagang pera dahil lang sa isang antique painting." turan ni Shawn na natawa pa rin sabay iling.
-
-
--
-
-
-
-
--
"Sino daw?" kunot noong tanong ni Sebastian ng sabihin ng secretary n'ya na nasa labas daw ang first lady ng pilipinas at gusto daw s'yang maka-usap.
"Mrs. Vanessa Zobel Sir ang asawa po ng presidente ng Pilipinas.
"Send her in." utos naman n'ya saka napatingin sa painting na nakasandal sa loob ng office n'ya, pinadala n'ya ang painting sa offcie n'ya dahil gusto sana n'ya mula sa rooftop ihuhulog n'ya ang painting habang kinukunan ng video saka n'ya isesend sa mga Zobel habang may caption na wala s'yang pakialam sa halagang tinapon n'ya basta makita lang n'yang bumabagsak ang buong pamilya ng mga ito.
Hindi na s'ya nag abalang tumayo ng pumasok ang ginang. Instead tiningnan lang n'ya ito ng nakataas ang kilay. Malakas ang kutob n'ya na dahil sa painting kaya ito naroon.
"Anong sadya ng biyenan ko para punatahan n'yo ang manugang n'yo sa teritoryo n'ya." sarkastik na tanong ni Sevy. Huminga naman ng malalim si Vanessa sabay tingin sa painting.
"Hihingi sana ako ng pabor para sa painting na kung maari sana ay paki-ingatan na lang kung ayaw mong ibenta sa amin ang painting."
"Sino naman may sabi na ayokong ibenta sa inyo. Walang problema sa akin abutan ibalik n'yo sa akin ang binayad ko sa charity." ngumiti naman si Sebastian dahil alam naman n'yang. Hindi kakayanin ng lahat ng kayamanan ng buong Zobel ang halaga ng perang itinapon n'ya. Kayanin man ng mga ito tiyak na babagsak ang lahat ng mga negosyong meron ang mga ito. Kung yaman at yaman nga lang din naman ang pag-uusapan oo mas mayaman ang mga ito sa kanya noon yun ng hindi pa nakadikit sa pangalan n'ya ang apelidong Van Amstel pero ng dumikit na iyon sa pangalan n'ya naging instant billionaire na s'ya at kahit pa presidente ng pilipinas ang asawa nito kayang-kaya n'yang pabagsakin ang mga ito pero hindi n'ya ginagawa dahil hanggang ngayon alam n'yang under survallance pa rin s'ya dahil sa pagiging Van amstel n'ya sa mga pulis. Kaya kailangan pa rin n'yang maging maingat sa bawat kilos n'ya.
Lalo pa't alam din ng mga pulis ang kasal n'ya kay Charlotte pero walang nakaka-alam ng dahilan kung bakit n'ya pinakasalan ang anak ng presidente. Nag hahanap lang s'ya ng right timing para pasabugin ang mga kawalanghiyaan ng mga ito sa buong Pilipinas.
Tumayo naman si Sevy saka nilapitan ang painting at tiningnan.
"Ano Mrs. Zobel or should I call you Mama." ngisi pa ni Sevy.
"Hindi ko kayang tapatan ang halaga ng perang ibigay mo para sa painting na yan hijo kaya narito lang ako sana para hilingin kung puwedeng ingatan at mahalin mo ang painting na yan." ngumisi naman si Sevy na mula sa bulsa inilabas n'ya ang isang cutter blade na ikina-alarma ng ginang na nanlaki ang mata ng biglang laslasin ni Sevy ang painting at nasira iyon. Natuptop naman ni Vanesa ang bibig na napatakbo sa harapan ng painting na sira na.
"Anong ginawa mo." sigaw ni Vanessa na inagaw sa kamay ni Sevy ang cutter pero aksidenteng nahawakan ng ginang ang blade ng cutter kaya nahiwa ang palad nito na ikinasigaw nito dahilan para sumugod papasok lahat ng bodyguard nito na balak sana s'yang hulihin pero nag kagulo lang silang lahat ng bodyguard ng ginang na simple lang n'yang napabagsak lahat sa isang suntok lang sa mga vital point ng mga katawan ng mga ito.
"Sumosobra ka na Sebastian. Napakasama mo, hinding-hindi ko ibibigay sa'yo ang anak ko kahit anong mangyari."
"Asawa ko ang anak n'yo baka na lilimutan n'yo. Ako ang may karapatan sa kanya kahit saan korte n'yo pa dalahin."
"mamatay muna kami ng asawa ko bago ka maging asawa ng anak namin. Demonyo ka." sigaw ni Vanessa.
"Kung demonyo ako ano pang tawag sa inyong mag-asawa na mamatay tao."
"Mamatay din s'ya kaya may inuna namin iligtas ang anak namin kesa sa babaeng sinasabi mo."
"Hindi mamatay ang anak n'yo kung hindi patapon ang buhay n'ya. Wala s'yang kuwentang anak kaya dapat hinayaan n'yo na lang na mamatay s'ya." sigaw ni Sevy.
"Ikaw ang walang kuwentang tao. Kaya ikaw dapat ang namamatay at sana nga mamatay ka nalang hayop."
"The feeling is mutual mama, salamat sa pag dalaw." wika ni Sevy na napatingin sa kamay na medyo nagulat pa s'ya ng makitang dumudugo din ang kamay n'ya. Nahiwa din pala s'ya sa cutter ng 'di n'ya namalayan pero lumapit s'ya sa painting at ipinahid roon ang sariling dugo kaya mas lalong nagalit ang ginang na itinulak pa s'ya. Habang nag mamadali itong kinuha sa bag ang isang panyo na imbis na kamay nito ang pahintuin ang pag durugo inuna pa nitong punasan ang painting na puro dugo. Napailing naman si Sevy baliw na ang ina ni Charlie. Senenyasan naman ni Sevy ang secretary na nasa pintuan na tumawag ng security guard nag kakamalay naman na ang mga bodyguard ng ginang kaya inutusan na lang n'ya secretary na icancel na muna ang mga apoointment n 'ya para sa araw na ito dahil wala na s'yang ganang mag trabaho ng dahil lang sa painting parang mababaliw na agad ang ginang. Paano pala kung si Charlie ang kunin n'ya. Napaisip tuloy s'ya ng magandang plano.