Nakatingin si Charlie sa mahabang hiwa sa gitna ng dibdib n'ya kung puwede lang sanang buksan iyon at dukutin ang pusong tumitibok doon. Napatingin rin s'ya sa kanyang mga mata dati kulay brown ang kanyang mga mata pero ngayon itim na itim na iyon dahil ang mga matang ginagamit n'ya ay mata rin ng lalaking itinitibok ng puso n'ya.
Nagyon malinaw na sa kanya kung bakit ang bilis n'yang na in love kay Sebastian at kung bakit ang bilis sa kanya na bumigay sa mga matatamis nitong salita bagay na hindi n'ya gawain noon. Iyon pala ay dahil ang pusong tumitibok sa loob ng dibdib n'ya ay puso ng babaeng minahal nito. Na sasaktan s'yang isipin sa kinahinatnat ng una n'yang pag-ibig pero ano bang magagawa n'ya. May magagawa ba kung iiyak s'ya at mag hahabol kitang-kita na naman ang galit sa mga mata ni Sevy. Mas nakaka-awa lang s'ya kapag umiyak at nag maka-awa s'ya rito. Hindi n'ya gagawin ang bagay na iyon, anak pa rin s'ya ng presidente ng Pilipinas kaya hindi n'ya kailangan mag pakababa para lang sa isang lalaki.
Oo may atraso ang magulang n'ya dahil sa nangyari sa mag-ina ni Sevy pero tama bang s'ya ang gamitin nito para makaganti. Muntik rin naman s'yang mamatay pero according to Sevy sana s'ya na lang ang namatay at sana nga s'ya na lang para hindi n'ya na iisip na naging mamatay tao ang parents n'ya para sa kanya na hanggang ngayon pinabubulaanan pa rin ng mga ito. Patay na raw talaga si Natasha Ortiz ng ilipat sa kanya ang mata at puso nito at nag paaalam daw ang mga ito sa magulang ng donor n'ya. Gusto n'yang paniwalaan ang mga ito pero paano n'ya gagawin iyon kung kahit isang balita wala s'yang makita tungkol sa aksidente n'ya noon. Bakit kailangan burahin ng mga ito kung walang masamang ginawa ang parents n'ya.
It's been 7 months simula ng iwan s'ya ni Sevy right after ng makasal sila at nag conduct s'ya ng sariling investagation sa nangyari pero lahat ng investigation n'ya deadend maging ang CCTV footage na meron si Sevy wala s'yang makita. Ibig sabihin lang meron kakayanan si Sevy na kalkalin ang baho ng pamilya nila na hindi n'ya kaya dahil wala s'yang sapat na kakayanan at kapangyarihan na gawin iyon kahit pa anak s'ya ng presidente ng pilipinas. Hindi lang basta ordinaryong tao ang asawa n'ya kaya nagawa nitong kalkalin ang kasalanan ng magulang n'ya.
Kailangan n'yang mag panggap na okay lang s'ya para kahit man lang pride n'ya ma save n'ya sa nangyari. Paniwalang-paniwala talaga s'ya na mahal na mahal s'ya ni Sevy yun pala nag hihiganti lang ito, kung todo unggol pa s'ya sa tuwing mag mamake-out sila yung pala hindi ito nag eenjoy napipilitan lang itong paligayahin s'ya para lang mahulog s'ya rito ng sobra-sobra. Inabot n'ya ballpen at mahigpit na hinawakan at iniharap sa mata n'ya pero hindi n'ya magawang kumilos para itusok yun sa mga mata n'ya.
"Tandaan mo Charlie, may namatay para mabuhay ka kaya wag mong sayangin ang pangalawang buhay na binigay sa'yo ng parents mo. Naging masama silang tao para mabuhay ka lang magpakatatag ka na lang at pikit mata mo na lang tanggapin ang katotohanan na wala kang karapatan mahalin ang lalaking nag mamay-ari ng pusong tumitibok sa loob ng dibdib mo ngayon. Hindi mo s'ya totoong mahal, mahal mo s'ya dahil mismong ang puso ng babaeng minahal n'ya ang pumili sa kanya para mahalin s'yang muli. Put yourself together malalampasan mo ang lahat ng to Charlie." wika n'ya sa sarili.
******
"Saan ka ba galing anak?" nag-aalalang tanong ni Vanessa ng maka-uwi s'ya at abutan ang ina sa sala.
"Tinakasan mo nanaman ang mga bodyguard mo."
"D'yan lang po ma." pag sisinungaling n'ya pero ang totoo nag patattoo s'ya ng malaking paro-paro sa dibdib n'ya para itago ang malaking sugat.
"Anak mag-iingat ka baka bigla na lang lapitan ka nanaman ni Sebastian at saktan. Hindi ko alam ang mangyayari sa akin kapag may nangyaring masama sa'yo."
"Hindi ako sasaktan ni Baste maniwala kayo."
"But he shot you, nalimutan mo na ba?"
"Tinakot lang po n'ya kayo pero hindi po masamang tao si Baste maniwala kayo sa akin Mama." wika ni Charlie.
"Charlie naman." pero hindi na pinansin ni Charlie ang ina alam n'yang nag-aalala lang ito sa kanya kaya napaka overprotective nito sa kanya pero nangyari na ang nangyari pero na niniwala s'ya na kahit papano may konsensya pa rin si Sebastian kaya mas pinili pa rin nitong iwan na lang s'ya kesa saktan.
"Wag na kayong matakot kay Baste Ma. Mahal n'ya ang babaeng may-ari ng puso ko kaya hindi n'ya ako magagawang saktan o patayin. Galit lang s'ya dahil ako ang nakikita n'ya instead ang babaeng mahal n'ya pero maniwala po kayo hindi masamang tao si Baste." kumpiyansang sagot ni Charlie.
-
-
-
--
-
--
-
-
Naging sobrang busy na ni Sevy kaya pansamantalang nalimutan n'ya ang atraso ng mga Zobel sa kanya, inalam n'ya ang lahat ng masamang gawain ng ama para mapabagsak ito pero habang inaalam nilang mag kakaibigan ang baho ni Liam Van Amstel, nalagay sa kapahamakan si Dennis. At inakala n'ya na mabubunyag na ang lihim n'yang pagkatao ng madiskubre iyon ng kanang kamay ng papa n'ya na si Johanna buti na lang takot itong maging kaagaw s'ya sa mana kaya nanahimik ito. Kaya nag laylow na muna s'ya sa organization nila na tuluyan ng bumagsak sa kagagawan nila ng subukan nilang iligtas si Dennis.
Pero walang lihim na hindi talaga na bubunyag tuluyan ng pumutok ang balita, na s'ya ang hinahanap na na wawalang tagapag mana ni Liam Van Amstel pero dahil kilalang masamang tao ang Papa n'ya. Lahat ng mata ng autoridad nakabantay sa kanya kaya hindi s'ya puwedeng magkamali ng kilos. Lahat ng kayamanan n'ya na hold at freeze ng gobeyerno para sa imbestigasyon ng mga ito kung wala ba talaga s'yang kinalaman sa mga masamang gawain ng tunay n'yang ama. Pinag bawalan din s'yang lumabas ng bansa kaya hindi na n'ya muling nakita pa si Charlie na nanatiling nasa US kasama ng Ina nito.
Pansamantala rin ipinasarado lahat ng negosyong pag-aari n'ya kaya hindi s'ya makakilos ng maayos para pag higantihan at guluhin ang pamilya Zobel dahil naputulan s'ya ng pakpak ng lumabas ang katotohanan na isa s'yang Van Amstel pero sa likod ng apelidong Van Amstel meron yaman na nakalaan sa kanya maging ang lahat ng malilinis na negosyo ng papa n'ya mag-isa n'yang mamanahin lahat dahil ang kapatid n'yang si Luxme Montenegro at nag baba na ng petition na hindi na ito isang Van Amstel pinaalis nito legality ang apelidong iyon sa pagkatao nito after ng mapahamak ang bunsong anak nito sa kamay ng ama.
Pero oras na makuha n'ya ang karapatan sa apelidong Van Amstel s'ya ang mag papabagsak sa pamilya ni Charlie na wala talagang balak na aminin ang kasalanan ng mga ito na nanatili parin maganda ang imahe. Mas lalong tumindi ang galit n'ya sa mga ito ng malaman na binilihan ng mga ito ng bahay at lupa ang magulang ni Natasha at ngayon ay maalwan na ang buhay. Hindi s'ya makapaniwala na nagawang tanggapin ng mga ito ang pera galing sa mga Zobel kahit sinabi na n'ya sa mga ito katotohanan. Malinaw na mas importante sa mga ito ang pera kesa hustisya para sa anak.
Nagalit at idenemanda pa s'ya ng mga ito ng malaman na ipinahukay n'ya ang libingan ni Natasha, inurong lang ng mga ito ang kaso dahil sa paki-usap ng pamilya Zobel dahil ma kakalkal ang totoo oras na ituloy sa kanya ang demanda kaya taon na ang lumipas pero walang hustisyang naibigay para sa mag-ina n'ya. Kaya sumumpa s'ya na s'ya ang mag bibigay ng hustisya para kay Natasha sa kahit anong paraan, mabawi lang n'ya lahat ng negosyo at pera n'ya.
*********
"Lintik buds, ang ganda ng asawa mo bakit iniwan mo." tanong pa ni Dwight ng maka-uwi sila after nilang talunin ang mataas na bakod para makita lang si Charlie na nabalitaan n'yang dumating ng Pilipinas, balak sana n'ya itong tangayin pero hindi nila nagawa dahil sa mga nag lalakihang aso. Walang nakaka-alam sa barkada n'ya ang tunay na dahilan sa nangyari sa kanya kung bakit s'ya kasal pero malakas ang kutob n'yang may alam si Railey since ito ang system hacker nila kaya marami itong alam sa kanilang lahat.
"Bata pa buds kaya hinayaan ko na munang mag liwaliw."
"Balak mo na bang bawiin ngayon."
"Oo pero mukhang mahihirapan ako sa magulang n'ya."
"Last term na yata n'ya ngayon at tingin ko naman sasama sa'yo ang misis mo kapag niyaya mo." hindi umimik si Sevy. Oo, last term na ni Shawn Falcon Zobel sa pagiging presidente. Tutal hindi n'ya magawang paluhurin ang presidente ng Pilipinas puwes ang anak nito ang gagamtin n'ya para palihurin ito. At kung kelangan n'yang buntisin si Charlie para malagay ito sa kapahamakan at ng magising ang parents nito. He heard na delikado ang babaeng nag undergo ng heart transplant ang pag bubuntis. Ngayon kung makaka survive ito patatawarin n'ya pamilya zobel at kukunin n'ya ang bata. Ngayon kung mamatay si Charlie quits na lang sila ganun lang kasimple ang gusto n'yang mangyari.
"Gusto ko ng makasama ang asawa ko at bumuo ng sarili kong pamilya." pag sisinungaling pa ni Sevy.
"Sabagay sa ating mag kakaibigan ikaw ang pinakamatanda tama lang na mag settledown ka na." ngisi nito na nginitian din n'ya. Wala na s'yang planong bumuo ng sarili n'yang pamilya. Anak na lang ang gusto n'ya at kukunin n'ya iyon kay Charlie.
******
Napatingin si Charlie sa cellphone ng umilaw iyon at nakita n'yang restricted number ang lumabas ng sagutin n'ya iyon agad n'yang nakilala ang boses ni Sevy na inuutusan s'yang lumabas bukas at mag kita sila sa isang hotel.
"Hindi ako puwede bukas may tree planting at ako ang representative."
"Mas uunahin mo ba ang mag tanim ng puno kesa makipag kita sa asawa mo."
"Asawa? sino?" sarcastic na tanong ni Charlie na hindi maiwasan pagak naman tumawa si Sevy.
"Wag mo akong galitin Carlota baka magulo ang masayang pamilya n'yo pag napikon ako last term pa naman na ng Papa mo."
"Tinatakot mo ba ako?"
"Bakit hindi ka ba natatakot?"
"Hindi! Kamatayan nga hindi ko kinatatakutan ikaw pa kaya."
"Kapal din ng mukha mo ano, manang-mana ka sa pinag manahan mo."
"Alam ko lang kasi na hindi mo ako kayang patayin kahit gustong-gusto mo. Tumitibok pa rin ang puso ni Natasha dahil sa akin at kung papatayin mo ako parang ikaw na din ang pumatay sa babaeng mahal mo." hindi nakasagot si Sevy ibig sabihin lang tama ang sinabi n'ya.
"Hindi mo ako ma papasunod sa gusto mo. Asawa mo lang ako sa papel ."
"Okay kung hindi kita mapapasunod magkita na lang tayo sa korte Ms. Zobel."
"Ano bang gusto mo?" inis na tanong ni Charlie.
"Anak. Bigyan mo ako ng anak."
"Gusto mo na bang mamatay talaga ako?"
"50% ang chances na puwede ka rin maka survive, kapag naka survive ka at nabigyan ako ng anak quits na kami ng pamilya mo." pagak na tumawa si Charlie.
"Paano kung mamatay ako pati ang baby na gagawin natin. Edi talo ka!"
"Okay lang ibig sabihin karma na ang sumingil sa inyo." pakiramdam ni Charlie paulit-ulit s'yang sinampal ni Sevy sa sinabi nito.
"Mag hanap ka na lang ng babaeng bubuntusin mo, off limits ang bahay bata ko."
"Edi binigyan pa kita ng rason para idemanda ako for adultery." ngisi nito na hindi naman na isip ni Charlie ang bagay na yun.
"Kung nililibugan ka at wala kang makuhang babaeng libre kaya ako ang bigla mong na alala. Sorry pero may iba ng kumakain sa kipay na iniwan mo noon."
"Anong sinabi mo?" galit na angil ni Sevy na parang sumulak agad ang galit sa ulo sa narinig na sinabi ni Charlie.
"Hindi ko na ugaling ulitin ang sinabi ko."
"Matapang ka na ngayon Carlota, tingnan ko lang kung hanggang saan ang tapang mong babae ka kapag nagkita tayo."
"Iyon ay kung malalapitan mo ako Mr. Van Amstel."
"Don't try me baka mag sisi ka."
"Matagal na akong nag sisi pero wala e ang galing mo kasing kumain kaya na uto mo ako." ngumisi naman si Sevy.
"You f**k**g slut."
"Yes! I am pero malas mo hindi mo na magagawa sa akin ang ginagawa mo noon dahil meron na akong na kilalang mas magaling kakain ng kipay. Bye Mr. Van Amstel." turan ni Charlie. Narinig pa n'ya ang malakas nitong pag mumura bago n'ya ini-off ang tawag. Medyo kabado s'ya sa pakikipag palitan ng salita kay Sevy pero hindi s'ya puwedeng mag pasindak dito, lalo lang s'yang aapihin at gagamitin nito laban sa parents n'ya. Kailangan n'yang maging matatag para tigilan na s'ya nito.