Chapter 24

1026 Words
Natapos ang pirmahan ng clerance namin. Inayos ko ang mga kailangan kong pirmahan para sa paglipat ko ng school. Si tatay kasi ang kukuha ayokong mahirapan pa siya. Kinagabihan nagimpake na ako ng mga gamit ko. Nalaman ko na graduation na nila Primo bukas. Nang matapos akong magimpake lumabas ako ng silid ko. Nakita ko si tatay na umiinom ng lambanog sa labas. Napakunot ang noo ko. Ngayon ko lang nakita na uminom siya ng walang okasyon. Huminga ako ng malalim. " Bakit hindi na lang kayo sumama sa akin sa maynila tay. "Tssk, Ikaw talagang bata ka. Ano naman ang gagawin ko dun sa maynila. Ikaw na lang ang pumunta dun. Basta magiingat ka dun ha. Wag mong pababayaan ang sarili mo. Pag nagkasakit ka uminom ka agad ng gamot. " Sabi ni tatay. Tumulo na ang luha ko saka yumakap sa likod niya. " Ma mimiss kita tay. Wag niyo din pababayaan ang sarili niyo ha. Pag nalaman ko na pinababayaan niyo ang sarili niyo. Kahit ayoko na siyang makita babalik ako rito para sa inyo. " Sabi ko kay tatay. Niyakap niya ako at nagiyakan na lang kami. " Tay kayo na po ang bahalang magbigay nito kay lola Amor sana maintindihan niya ang naging disisyon ko. Hindi talaga kami para sa isat isa ng apo niya." Sabi ko saka huminga ng malalim. Hinatid ako ni tatay sa terminal ng Bus. Yumakap ako sa kanya bago ako sumakay kumaway siya sa akin ng umalis na ang Bus. Tuluyan ng tumulo ang luha ko. "Paalam Primo. Sana makalimutan kita sa pagalis ko na ito." Bulong ko sa isip ko at tumulo ng tumulo ang luha ko. Kinabukasan ng tanghali ako nakarating ng maynila. Pagbaba ko ng Bus sumalubong sa akin ang napakaraming tao. Nagulat ako ng makita ko ang Papa ko. "Zane! Anak." Tawag niya sa akin. Tuwang tuwa ito ng makita ako. Napakunot ang noo ko. "Pano niyo po na laman na darating ako?" Tanong ko sa kanya. "Tumawag sa akin si Kanor kahapon. Nagulat nga ako. Bat hindi ka man lang nagpasabi di sana sinundo na kita hindi ka sana nahirapan sa biyahe." Sabi niya hindi ako umimik. Natahimik siya. Kinuha ng mga tauhan niya ang bagahe ko. Inalalayan niya ako papunta sa sasakyan niya. Kung titingnan mo ang Papa ko napaka bata pa niya kesa kay tatay Kanor. Kapatid ng nanay ko si Tatay Kanor. Nabuntisan ng Papa ko ang nanay ko noong nagaaral pa lamang sila. Sa takot ng nanay ko na hindi panagutan ng Papa ko ang pinagbubuntis niya umuwi siya sa kanila. Hindi niya alam hinanap siya ng Papa ko. Pero hindi siya nito natagpuan. Pero hindi ito tumigil sa kahahanap sa amin. Namatay ang nanay ko ng ipanganak niya ako. Kaya si tatay Kanor na ang nagpalake sa akin. Siya ang kinilala kong magulang ko. Malake na ako ng makita ako ng Papa ko pinipilit niya akong sumama sa kanya pero ayoko ko. Galit ako sa kanya. Siya ang sinisisi ko sa pagkawala ng nanay ko. Kaya hindi ko tinatangap lahat ng binibigay niya sa akin. Lahat ng pinapadala niya sa akin binabalik ko sa kanya. "Kamukhang kamukha mo talaga ang mama mo. ' sabi niya sa akin. Napalingon ako sa kanya. Nakasakay kami sa sasakyan niya. " At kasing ugali mo rin. Kung ano ang maging desisiyon niya desisiyon niya. Hindi yun magbabago." Sabi niya uli. " Alam ko na galit ka sa akin dahil sa nangyari sa mama mo. Pasensiya na anak huli na ng matagpuan ko kayo ng nanay mo. Kung hindi lang sana ako tinamaan ng bala nung araw na yun hindi sana iisipin ni mama mo na tinakasan ko siya. Hindi ko kasi sa kanya naipagtapat kung sino talaga ako. Natatakot ako na layuan niya ako oras na malaman niya na isa akong leader ng sindikato. Pero nung handa ko ng ipagtapat sa kanya ang lahat at handa na akong magpropose sa kanya. Tinambangan kami ng kalaban kaya tinamaan ako ng bala na Comma ako ng ilang buwan ng magising ako hinanap ko siya agad pero wala na siya. God knows na hinanap ko kayo hindi ako tumigil sa paghahanap sa inyo ginamit ko lahat ng connection ko makita ko lang kayo. Pero huli na wala na siya ng matagpuan ko kayo. " Kwento niya. Nakita ko sa kanya ang lungkot. Ngayon ko lang siya pinakinggan. Tumulo ang luha ko. Hinawakan ko ang kamay niya. " Sorry din po kung hindi ko kayo pinakinggan at sinisisi ko kay sa pagkawala ni nanay. " Sabi ko. Niyakap niya ako. " Ayos lang yun anak. May kasalanan naman talaga ako. Kaya babawi ako sayo. Ngayong nandito kana sa akin. Babawiin ko ang lahat ng pagkukulang ko sa inyo ng nanay mo. " Sabi niya sa akin. Ngumiti ako sa kanya. Niyakap niya ako. Yumakap ako sa kanya. Nakatulog ako sa biyahe namin nagising ako na may tumatapik sa akin. "Gising na sweety nandito na tayo." Sabi ni Papa. Umupo ako ng mayos. Pinagbukas kami ng pintuan ng mga tauhan niya. Napanganga ako ng makita kung gaano kalake ang bahay niya. Hindi ito nagkakalayo sa bahay na malake. Sinalubong kami ng mga katulong niya. "Siya si Zane ang nagiisang anak ko. Si manang Baby ang mayordoma dito eto naman si Maria, si Nadia at si Lydia ang mga katulong dito eto si manang Flor ang kusinera natin at eto naman si Aling Pas at mang Caloy ang labandera at hardinero dito." Pakilala niya sa mga kasambahay niya. Nginitian ko sila Binati nila ako. " O maria iakyat niyo na ang mga gamit ng sneiorita Zane niyo. " Sabi ni manang Baby. " Naku Zane na lang po. " Sabi ko sa kanila. " Naku baka magalit sa amin si Sir seniorita. " Sabi ni manang Baby. " Papa! " Sabi ko kay Papa. " Tssk, o sige ma'am na lang ang itawag niyo sa kanya. " Sabi ni Papa. " Hindi pwedeng Zane lang kailangan ka nilang igalang hindi kana utusan dito ikaw na ang amo nila kaya masanay kana anak. " Sabi niya sa akin saka inaya ako na pumunta sa dinning area. .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD