Chapter 16

1188 Words
Kabadong kabado ako habang nasa daan kami. Baka kasi ibangga ni Primo ang sasakyan. Ang bilis kasi ng pagmamaneho nito. Ayoko pa kayang mamatay no. Hindi pa nga kami kinakasal e. Pagdating namin sinalubong kami ni tatay. "Salamat sa paghahatid." Sabi ko sa kanila tumango lang si Kian si Primo naman hindi umimik. Bumaba na lang ako. "Magandang gabi po seniorito.Salamat sa paghahatid sa anak ko. Seneiorito Primo, Seniorito Kian." Bati ni tatay sa kanila ng bumaba ako. " Magandang gabi naman po mang Kanor. Walang ano man po yun." Sagot ni Kian kay tatay. Nagpaalam na ito kay tatay. Umalis na sila. "Nandiyan pala sila Kian." Sabi ni Tatay. "Opo tay nandiyan po ang mga Elder. Sa linggo na po kasi ang Fiesta dito." Sabi ko kay tatay. Nagpaalam na ako matutulog na. "Naku, matutulog na agad. Porket hinatid ka lang ni seniorito e. I masahe mo muna kaya ako at masakit ang aking likod." Sabi ni tatay. "Tatay, talaga." Sabi ko dito na kakamot kamot ng ulo. "Aysus, Kundi ko pa alam mangangarap ka nanaman habang nakahiga. Wag kang magalala malapit ng maging kayo talaga ni Seniorito." Tukso na naman sa akin ni tatay. Namula na naman ako. Huminga ako ng malalim. "O bat ang lalim nun." Sabi na nama. "E kasi tay. Nalilito na po ako. Masaya po ako na ako ang pinili ni Lolo juaquin para kay Primo. Pero sa tuwing nakikita ko si Primo hinfi ko maiwasan na hinfi malungkot. Kasi alam ko na iba ang gusto niya tay." Malungkot na sabi ko sa kanya. "Nasa sayo naman ang desisiyon sa huli. Hindi naman kita pinipilit anak. Sabi ko nga sayo ang Prutas na hinog sa pilit hindi masarap. Kahit anong gawin mong lagay ng kalboro maasim parin siya at hindi siya kailanman tatamis dahil hilaw pa siya. Pero kung ang prutas ay manibalang na kahit hindi pa ito hinog ng kuhanin mo. Kahit sa kalboro lang siya nahinog matamis parin siya. Kasi manilaw nilaw na siya ng kuhanin mo. Parang pagibig din yan anak. Kapag pinilit mo ang isang tao ng wala sayong nararamdaman kahit katiting. Iiyak ka lang hangang dulo at hindi ka magiging masaya. Pero kung meron siyang nararamdaman sayo kahit kunti lang kahit pinilit mo pa siya. Asahan mong matutunan ka niyang mahalin balang araw dahil kahit papano nagkaroon kana ng puwang sa puso niya." Sabi ni tatay. Napaisip ako sa sinabi niya. " Ako kaya may puwang ba ako sa puso niya. Sa tingin ko wala. " Bulong ko sa isip ko. Habang minamasahe ko ang likod ni tatay. Saka malungkot na napangiti ako. Huminga na lang ako ng malalim. Kinabukasan nasa taniman na ako maaga pa. Nakita ko ang mga Elder kasama si Lola Amor. Kausap nila si tatay. Mukhang seryoso ang pinaguusapan nila. "Zane! Nandiyan kana pala. Wala ka bang gagawin mamaya. Tumulong ka sa amin magkabit ng mga baderitas." Sabi ni Dario sa akin. "Sige, tutulong ako sa inyo mamaya." Sabi ko sa kanila. Hindi nagpakita si Primo maghapon. Sinama daw nila Reeve pumunta sila ng maynila. pinuntahan nila ang pinsan nila na si Neal. Pagdating ng hapon nagkatuwaan kami sa pagkakabit ng banderitas. Para sa darating na fiesta. Kami nila Dario ang umaakyat sa puno. Para magtali sa puno. "Zane sama ka sa amin bukas ng gabi punta tayo sa Peryahan sa bayan. " Sabi ni Jek jek sa akin. " Sige." Sagot ko sa kanila. "Sama na kayo lahat. Tapos na naman ang Exam. Practice na lang naman ang gagawin niyo para sa graduation. " Sabi ni Dario. Napaisip ako. " Gagraduate nga rin pala si Primo ngayon at pagkatapos ng Graduation paguusapan na ang kasal namin." Bulong ko sa isip ko. Pero bakit parang hindi ako masaya. Naalala ko na naman ang sinabi no tatay kagabi sa akin. Huminga ako ng malalim. " Oh, bakit nanahimik ka diyan. Porket wala lang ang prinsepe mo nanahimik kana diyan." Biro sa akin ni Dario. " Tssk, Wala naiisip ko lang ang bilis nga talaga ng araw." Sabi ko sa kanila. " Bakit mo naman naisip ang araw ngayon?" Tanong niya sa akin. " Wala naisip ko lang." Sabi ko sa kanya. Saka niyaya na siya na bumaba ng puno. Kababa lang namin ng May dumating na sasakyan. Nagulat ako ng makita ko sila Primo na bumababa sa sasakyan kasama si Crystal. Ang iksi ng suot nitong damit. "Bat nandito yan?" Tanong ni Mona. Napatingin ako sa kanya. "Tinatanong pa ba yan e lagi naman nandito yan. " Sabi naman ni Lisa. " Ano ka ba? Kasali kaya siya mamaya sa coronation na gaganapin sa bayan. Isa na naman siya sa kokoronahan bilang lakambini mamaya. Wala pang nakakatalo sa kanya. " Sabi ni Mona. " Pano naman siya matatalo e pera pera ang labanan. Sino ba ang katapat ng pamilya niya ang Samañego lang naman at Villa real na parehong walang anak na babae. Kaya ealang makakatalo talaga sa kanya. Tapos boyfriend niya pa ang isa sa Villa real. Mukhang magsasanib pa ang pamilya nila dahil seryoso sa kanya si seniorito. Kaya mataas ang ere niyan ngayon. " Sabi ni Mona. " Diyan kayo nagkakamali, malabo siya maging Villa real dahil may fiance na si Seiorito Primo. " Sabi ni Jek jek. Napatingin sila dito. Kinabahan ako. " Talaga! Sino? " Sabay sabay na tanong nila. Hinintay ko din ang isasagot ni Jek jek. " Hindi ko din alam kung sino. Sinabi lang ni nanay pero hindi niya sinabi kung sino kasi baka daw magalit si seniorito Primo pag kumalat yun. " Sabi Jek jek. Nakahinga ako ng maluwag. Hindi parin ako handa na malaman nila. Natatakot ako sa magiging reaction nila. " Kung magiging kasing yaman ba ako ni Crystal magugustuhan niya ba ako? " Bulong ko sa isip ko. " Sa palagay ko hindi. " Sabi ko saka malungkot na umiling. "Sabi nga ni tatay. mahiwaga ang pagibig. Kung mahal niya ako kahit ano pa ang katayuan tangap niya ako. Kaso wala nga siyang nararamdaman sa akin. Kaya kahit pantayan ko pa ang katayuan nila si Crystal parin ang pipiliin niya." Bulong ko. "Nandito ka pala actually pumunta kami sa bahay niyo kasi gusto ka naming makausap. Isa kasi ako sa kokoronahan sa bayan. Gusto ko sanang nandun si Primo para samahan ako." Maarteng sabi niya sa akin. Napakunot ang noo ko. " Ano naman ang pakialam ko kung isama mo siya. Ako ba si Primo bakit sa akin mo sinasabi yan hindi sa kanya." Inis na sabi ko sa kanya. "Kasi hindi pumapayag ang matanda kung hindi ka kasama ni Primo at isa sa mga bisita na pupunta dun ay ang mga Villa real Kaya nandito kami para isama ka sa bayan." Inis ba sabi niya. Napatingin ako kay Primo. Nakakunot ang noo nito.Halatang ni kausapin ako hindi nito gusto kaya nga si Crystal ang kumausap sa akin imbis na siya. Huminga ako ng malalim. " Sige na mauna na kayo dun. Wag kayong magalala bago dumating ang mga bisita nandun na kami." Sabi ko sa kanila. " Madali ka naman palang kausap." Sabi nito saka ngumiti at niyaya na si Primo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD