MEDIUM RARE

2304 Words
Isiniksik ni Valine ang sarili niya sa katawan ni Creon habang karga siya nito. Agad man ay nakaramdam siya nang kakaibang kapanatagan. As if her tiredness and worries had been casted out. “You’re terribly shaking, V . . .” bulong nitong bahagyang hinigpitan ang hawak sa kaniyang katawan. ‘Am I?’ Mariin siyang pumikit at pinakiramdaman ang sarili. “I’m fine, ninong. Masyado lang akong masaya na kasama at nakita na kita ulit.” Valine give off a bitter smile. Gusto niyang magsumbong dito. Ngunit iniisip niyang paniniwalaan kaya siya nito. Valine was contemplating since alam niyang may basihan si Farrah sa claim nitong ito ang nakaniig ng ninong Creon niya. ‘Is it possible na walang maalala si ninong? Even just a thing?’ Bigla na namang bumigat ang pakiramdam ni Valine. ‘How can I justify my claim? Sasabihin ko bang buntis ako? What if mas paniwalaan ni ninong ang sasabihin ni dad at Farrah?’ Valine subconsciously tugged on Creon's coat. “V? Hold on, okay? Tatawag agad ako ng doktor pagdating natin sa loob ng opisina ko.” Kita ni Valine na may pinindot ito sa pindutan ng elevator. “Good evening, Sir.” Wala sa sariling itinago ni Valine ang kaniyang mukha sa dibdib ni Creon nang makarinig siya ng mga boses. ‘I don't want to see Farrah yet. As much as possible ay ayaw ko muna silang makita lahat. Mas mabuti ng walang makakilala sa ’kin . . .’ “Good evening,” sagot naman ni Creon. Ramdam ni Valine na pumagilid sila at lumabas naman ang mga nagsalita. But still, Valine didn't dare to show her face. “We’re alone now, V. I'm sorry. Should I ban my employees from using this elevator?” Napailing naman na napangiti si Valine. ‘Whatever it is. At least, alam ko na may concern ka sa ‘kin, ninong kahit konti . . .’ “I just want a proper rest, ninong . . . Please let me rest. I don't want to see my dad, Farrah or anyone that is related to Samotcha family . . .” Valine could feel na bahagya itong natigilan, ngunit nagpatuloy pa rin sa paglakad. “I have countless questions for you, V. But you look so tired and in a mess. So I'm going to let you off for the time being.” Bumukas ulit ang elevator. Valine was aware na narating na nila ang sixth floor —ang huling floor papuntang rooftop na opisina nito. “Gurkkk . . .” Nagtagis naman ang bagang ni Valine nang tumunog ang kaniyang tiyan. ‘It’s embarrassing . . .’ Nahihiya siyang ngumiti. Kita niyang binuksan nito ang pinto ng isang silid at binuksan ang ilaw. Agad namang nakita ni Valine ang ayos ng opisina nito sa loob. ‘Sabi sa ’kin noon ni Farrah na lagi siya rito sa office ni ninong. Habang ako ay nasa-school at nag-aaral. Now I realized na hindi pala pagku-kwento ’yong ginagawa niya para maging pamilyar ako kay ninong. Kwento pala ’yon para pagselosin ako at ipamukha sa ’kin ang agwat namin at ang layo ni ninong sa ’kin. But, see? At least pa rin, dito ako dinala ng katangahan ko noon.’ Unti-unti siyang ibinaba ni Creon. “Sit here for a moment. Aayusin ko lang ang silid ko rito. I'll order some food too . . .” Hinalikan siya nito sa noo sabay bukas sa isang pinto na nasa may sulok na bahagi ng isang dingding. “Ni—”Valine still wants to say something ngunit sumara na ulit ang pinto kung saan ito pumasok. Dahilan upang naiwan na lamang ang kamay niyang nasa ere. “Ah . . .” Muli siyang napaupo sa couch. Valine could feel the piercing pain nang naiapak niya sa malamig na sahig ang sugatan niyang paa. “Bakit ang bilis namang sumakit nang husto? May naiwan kayang bahagi ng stick sa loob?” The office was a bit dim dahil sa ilaw. Kaya dinala ni Valine ang kaniyang paa sa ibabaw sabay dukwang upang silipin ang kaniyang sugat. “Yucks. Ang rumi ng paa ko. No wonder biglang sumakit. Siguro ay may mga putik sa loob na nakapasok nang sumara. Oh, God! ’Wag naman sana magkaroon ng infection. As far as I know, bawal ang buntis na uminom ng matapang na mga gamot. Medyo mahaba rin kasi ang nilakad ko kanina habang nakayapak.” Marahan na ibinaba ni Valine ang kaniyang paa at hinimas ang flat niyang tiyan. “Gutom na naman tayo ulit, baby. Siguro mana ka sa daddy mo pagdating sa laki at tangkad. Ang bilis kong magutom agad. Kinakain mo lahat ng kinakain ni Mommy. Atat ka sigurong lumaki agad no . . .” Nakangiting tina-tap nang marahan ni Valine ang kaniyang tiyan. Valine might be smiling. But deep inside, marami siyang worries. Growing up without a mom figure, Valine was being doubtful kung magiging mabuti ba siyang Ina. Kung magiging basehan niya ang pagpapalaki sa kaniya ng Tita Rabiya niya . . . ‘Only idiot people would do the same . . .’ Kuyom ang kamao ni Valine na itinukod sa kaniyang gilid. ‘How can I not remember things about my Mom that much? Hindi naman ako ganoon kabata nang nawala siya. Pero bata pa ako nang nagsimula siyang masiraan nang bait . . .’ V wasn't aware na may luha na siyang pumapatak. “V . . .” Valine jolted a bit nang muling narinig ang boses ni Creon. “Did I startle you? Ilang ulit ko na kasing tinawag ang pangalan mo pero ’di ka naman sumasagot.” Sa paglapit ni Creon ay agad nitong itinaas ang kaniyang mukha at pinahiran ang gilid ng mga mata niya. “Ah, huh? Ah . . . ku-kuwan, medyo malalim lang po siguro talaga ang iniisip ko, ninong.” Valine was showing a forced smile. “I can see it. I also think na gutom na gutom ka na. Hinimas mo kasi ang tiyan mo na parang may pinakakalma ka,” anitong may kasabay na tawa. ‘Augh! Ang gwapo talaga. Ngiti pa lang ay kumpleto na ang araw ko. Ano kaya ang magiging reaksy mo ’pag sinabi kong nabuntis mo ako? Maniniwala ka kaya?’ “Valine? V? You've been staring at me like you want to say something . . . You should eat now. You're also getting paler. Baka gutom ka na talaga.” Pinisil nito nang bahagya ang kaniyang ilong. “Uhm! Si-siguro nga po, ninong.” Pagak na tumawa si Valine. “Come on. Naayos ko na ang bed. Ililipat na kita roon. It's comfortable there, kaysa rito sa couch.” Alam ni Valine na bubuhatin na naman siya nito. “A-ayos lang po, ninong. Maglalakad na lang po ako. Saka sobrang lapit lang naman ni—” Muntik ng natumba sa sahig si Valine nang sa pag-apak niya ay muling sumakit ang may sugat niyang paa nang nabigyan iyon nang bigat. Mabuti na lang at nakaalalay pa rin sa kaniya si Creon. “That’s what I'm saying. I know injured ’yang paa mo. I wanted you to rest and eat. So tell me everything when you are done with your food. I want to know everything. We might not talk that much but I'm good at observing.” Huminga naman nang pagpapaubaya si Valine. ‘Ganito ba talaga ka-observant ’yong mga matured na lalaki? Normal ba ’to? Or dapat na rin ba akong mag-overthink na gusto mo ako, ninong?’ “Sir . . . Sir Kalistov.” Napatingin naman si Valine sa gawi ng front door sa office nito. ‘Bakit narito pa ang Secretary ni ninong gayong gabi na.’ “Boses ata ’yon ni Secretary Aron, ninong.” Agad namang naglikot ang mga mata niya sa paligid. ‘Kahit si Secretary Aron ay ayaw kong makita ako.’ Valine was suddenly sulking. Afraid na baka alam na nga ng pamilya niya na narito siya sa ninong Creon niya. “Yeah. It's definitely him. Mabuti naman at nariyan na rin ang pagkain. Secretary Aron loves his job so much.” Nagmamadaling nagtungo sa pinto si Creon. ‘Pwede naman sanang pinahatid niya na lang rito sa loob. Ahhh . . . mabuti na rin para ’di kami magkita. Parang . . . palagay ko ay katatawag lang ni ninong to ask for food, tapos nariyan na agad ito. Baka lumipad sa sobrang bilis si Secretary Aron para lang makarating dito.’ Nakaramdam naman ng awa si Valine sa secretary ng ninong niya. ‘Siguro ay sobrang capable lang niya na pagka-secretary. Hindi ko rin ma-imagine kung gaano kalaki ang pasahod sa kaniya ni ninong. Kahahatid lang niya kay Farrah tapos diretso na siya agad dito. Speaking of Farrah, nalaman na kaya nilang nawawala ako? ’Wag naman sana nilang paghinalaan si Nana . . . Sana rin ay pagtakpan ako ni ninong. Hindi naman siguro nila ako nakita nang tinawag ko si ninong . . .’ Sa dami ng iniisip ni Valine ay nahilot niya na lang ang kaniyang ulo. Ilang sandali pa ay nakikita na ni Valine na palapit na sa kaniya ang ninong Creon niyang may bitbit na limang bag. At ang tatlo rito ay malalaki pa. “Ninong . . . ba’t po ang dami?” natatawang tanong ni Valine sabay iling. “Ninong?” untag ni Valine nang tinitigan lamang siya nito. Ngayon pa lang ay may naamoy na siyang mas madadagdagan ang magiging mga tanong nito sa kaniya. “Oh, some of these are your clothes and other necessities. These two bags are food. Ilalagay ko lang ’to sa loob ng silid tapos babalikan kita agad.” “Si Secretary Aron po, ninong?” “I don't need him anymore.” Tumalikod na ito ulit at pumasok sa silid. Si Valine naman ay naiwang ninanamnam ang amoy na naiwan sa hangin mula sa pagkain na dumating. ‘Amoy ba ’yon ng karne? Isda, baka o manok. Kahit ano basta karne . . .’ Tila naglalaway si Valine na nakatitig lamang sa sarado pa ring pinto. “Come here at nakikita kong kulang na lang ay tikman mo ang hangin.” Muli ay kinarga siya nito in a bridal position. Pinagsalikop naman niya ang kaniyang kamay sa leeg nito. “You’re being clingy. You aren't even drunk . . .” nakangiting bulong nito. “Bakit? Ayaw mo ba, ninong? Mas malala pa kaya sa kapit ang nagawa natin together . . .” Nagkaroon ng lakas nang loob si Valine na titigan sa mata si Creon. Unti-unti siyang lumapit sa mukha nito, hanggang sa ilang sintimetro na lang ay magdidikit na ang mga labi nila. “Don’t be silly.” Marahan siya nitong inilapag sa kama. “Here are your foods. Eat it while it's hot.” Valine could see na awkward ang galawan nito. Kita rin niyang namumula ang tainga nito. ‘My big daddy is acting all shy.’ Kulang na lang ay tuluyang matawa si Valine. ‘I’m good at teasing.’ Dinampot na ni Valine ang tinidor at kutsara. ‘Sabi ko na nga ba at may karne. Ang sarap ng itsura ng pagkakaluto sa steak . . . Ibang-iba sa kinakain ko. Siguro ay mahal ito?’ Bahagyang sinundot ni Valine ang karne gamit ang tinidor. “Ako na ang maghihiwa.” Tumabi ito sa kaniya at nagsimula hiwain ang karne. Siya naman ay nakatingin lang sa expertong galawan nito. ‘I heard from Farrah na favorite mo ang steak. Sobrang fascinating ang bawat kilos mo, ninong . . .’ Valine was smiling ear to ear habang nakatitig nang malagkit sa mahabang daliri at malaking kamay ng ninong niya. At that point, pakiramdam niya ay nawala bigla lahat ng isipin niya at bumalik sa gabing inaangkin siya nito. But her imagination was being halted nang kumirot ang sikmura niya. ‘Yes, baby. Kakain na tayo . . .’ “Isubo mo na po sa ’kin, ninong. Gusto ko na pong matikman ‘yan . . .” said Valine excitedly. “Uhm! Here. I wasn't aware na fan ka pala ng steak . . .” “Ngayon ko lang naman din po nalaman, ninong.” Ngumuya si Valine with matching closed eyes at may patingala pa sa kisame. She couldn't help but lick her lips. ‘Mas masarap pala ’pag medium rare. Buong akala ko ay the best na ’yong well done.’ “Was it that good?” Tumango si Valine at ngumiti. Nang malunok niya ang kaniyang kinakain . . . “Tikman mo rin ’yang hiwa ko . . . I mean hiniwa mo na hiwa ko, ninong. I'm sure magugustuhan mo. I know that you like medium rare. Medyo pink pa po ’yan . . .” “Augh! Just eat, V. Enough talking. Mamaya na lang tayo mag-usap ’pag tapos ka ng kumain.” Tumaas naman ang isang kilay ni Valine. ‘I thought that we would talk while I'm eating . . .’ Nagtataka pa rin siya kung bakit sobrang namumula ang tainga ni Creon. “May lagnat ka po ba, ninong?” Hinawakan ni Valine ang hita ni Creon upang tumukod doon at nang mahawakan niya ang noo nito. Medyo umusod pa siya palapit dito, dahilan upang lumaylay ang front neckline ng pantulog niya. “Medyo mainit po ang temperature mo, ninong campare sa ’kin," ani Valine na hawak ang noo niya, habang nakadukwang pa rin. “I-I’m fine, V." Hinawakan siya nito sa magkabilang braso at mabilis na pinaupo ulit nang maayos sa kama. “Sa-sandali at mag c-cr lang ako. You eat well, okay? Don't wait for me. Kainin mo lahat ng gusto mong kainin.” Naguguluhan naman na tumango si Valine. Habang si Creon naman ay nagmamadaling nagtungo sa cr.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD