Mabigat pa rin ang pakiramdam ni Valine nang muli siyang nagising. Dahan-dahan siyang nagmulat ng kaniyang mata at tumingin sa paligid. Mas unang nahagip ng kaniyang paningin ang kaniyang maliit na orasan.
“Seven forty-five am na? Ibig sabihin ay nakatulog ako nang buong gabi? Augh! Ang hapdi ng pisngi ko at sugat sa aking labi. Pakiramdam ko ay na-dislocate rin ang aking braso . . .” bulong ni Valine sabay hinga nang malalim.
“I smell something good . . .” bulong niya at mabilis na tiningnan ang mesa na nasa loob ng kaniyang silid. ‘Food! Food!’ Kulang na lang ay tumalon si Valine upang mapuntahan agad ang pagkain. Sobrang lapad ng mga ngiti niya na bahagyang nakalimutan ang iniindang sugat sa gilid ng labi.
“Gutom ka na ba, baby ko? Don't worry. Kakain na tayo.” Mabilis na dinampot ni Valine ang kutsara at tinidor. Umupo siya sa silya at walang ka gatol-gatol niyang isinubo ang egg omelette na sa pinggan, pinagsabay niya na rin ang adobo at nilagok ang gatas na laman ng baso nang muntik na siyang mabulunan. Dinaig pa niya ang ahas dahil wala na siyang nguya-nguya at deritsong lunok na. Hinimas ni Valine ang kaniyang tiyan, ‘Ito ang unang pagkakataon na nakaramdam ako ng labis na gutom. First time ko ring makaramdam ng busog na ganito ka-satisfying.’ Sa pagkakataong ito ay ang sandwich naman ang sinimulan niyang kainin. But this time ay mas mabagal na ang kaniyang galaw. Bumalik na sa dating demeanor niya ang kaniyang pagkain.
“Gising ka na pala, Miss Valine.” Valine jolted at mabilis na tumayo. ‘Masyado akong focus sa pagkain at hindi ko man lang napansin na pumasok si Nana. Mabuti na lang at siya ang narito ngayon.’
“Nana . . .” Pumiyok ang boses ni Valine. Pakiramdam niya ay maiiyak siya anytime.
“Pasensya ka na at ’yan lang ang kaya kong dalhin para sa ’yo, Miss Valine. Naaawa po ako sa ’yo at ginaganito ka ni Sir David. Kung narito lang si Ma'am Vina . . .” naiiyak na turan ng kauna-unahang helper nina Valine. Naninilbihan na ito sa kanila simula ng naikasal ang kaniyang Ina. In short, naging yaya niya ito hanggang sa namatay ang kaniyang Ina noong seven years old pa lang siya.
“Ayos lang po, Nana. Ayaw kong madamay ka sa ginagawa sa ’kin ni Mr. Samotcha ngayon. Alam kong tulad ko ay nabigla rin kayo.” Mapait na ngumiti si Valine sabay punas sa luha niya.
“Miss Valine?” Kita ni Valine ang lungkot sa mukha nito. Kahit ang mga salitang, ‘Ama mo pa rin siya. Galangin mo siya,’ ay malinaw niyang nakikita sa mga mata nito.
“Hindi ako tunay na Anak ni Mr. Samotcha, Nana. Kita mo naman kung gaano siya kalupit sa ’kin. Hindi na niya kailangan na isuot ang kaniyang maskara. Ngayon na magti-twenty one na ako, maaari na niyang kunin sa ’kin ang share na iniwan ni Mommy. Napunan na niya ang kondisyon sa last will ni Mommy Vina —to take are of me hanggang sa umabot ako sa edad na twenty one. Naka-graduate na at hindi pa nagkakaroon ng sariling pamilya. Dalawang araw at magaganap na ang kaarawan ko.”
“Narinig kong sapilitan kang ipapakasal ni Sir sa isa sa mga kaibigan niya, Miss Vina. Gusto ko mang tulungan kang makaalis dito at wala naman akong kakayanan. Maraming mga mata rito si Ma'am Rabiya. Kung maka bantay pa si Manang Lusing ay parang CCTV sa sobrang bagsik. Ipinuslit ko lang ’yang gatas at adobo, Miss Valine. Kasi egg omelette lang at kaonting kanin ang pinabinigay sa ’yo ni Ma'am Rabiya. Hindi ’yon sapat lalo’t buntis ka pa. Kung tapos ka na sa pagkain ay kukunin ko ang sisidlan upang ’di tayo mahuli, Miss Valine.”
“Maraming salamat, Nana. Makikiusap sana ako sa ’yo sa huling pagkakataon . . . maaari ko bang hiramin ang cellphone mo?” Kita ni Valine na ngumiti ang Nana niya na para bang alam na nito ang kaniyang nais kahit noong ’di pa niya sinabi.
“Heto, Miss Valine. May load na rin ’yan. Sinadya kong pa-loadan sa apo ko nang one hundred para makatawag ka kung sino man ang gusto mong tawagan. ’Wag mo na rin pong ibalik ’yan sa ’kin, Miss Valine. Para po talaga’yan sa ’yo. Sinigurado kong dalhin para may magamit ka. Kahit ’yan man lang ang maitulong ko sa ’yo.” Naiiyak naman na niyakap ni Valine ang kaniyang Nana.
“Thank you so much, Nana. Ngayon ko lang nalaman na may nagpapahalaga rin pala sa mga naiwang alaala ng Mommy ko maliban sa ’kin.” Valine wasn't aware of these, na ang pagiging iyakin niya, gutom at pagiging eritable ay bunga ng kaniyang pagbubuntis.
“Hay, Miss Valine . . . kaunting bagay ’yan para sa kabaitan ng iyong Ina sa akin at sa pamilya ko. At ikaw ang nag-iisa kong inalagaan na ubos nang bait at mapagmahal.”
“Babawi rin po ako sa ’yo balang-araw, Nana.”
“Ay, siya, sige na po, Miss Valine. Ipupuslit ko na itong pinggan at baso sa kusina.” Pinagmasdan naman ni Valine na mabilis na naglakad palabas ng silid ang Nana niya. Siya naman ay mabilis ang hakbang na humabol sa may pinto.
“Maraming salamat, Pedo ah.”
“Sige na, Nanang. Ibalik mo na ’yan doon sa kusina at baka pareho tayong mapahamak.” Sa pagdikit ni Valine sa pinto ay narinig niya ang usapan ng dalawa. Naiyak na lang siyang tumingala at tahimik na nagpapasalamat sa Diyos.
Nang muling nakabalik sa kama si Valine ay mabilis na niyang inilagay sa silent profile ang keypad na cellphone. Kinalikot pa niya ito hanggang sa idi-nial na niya ang phone number ng ninong Creon niya.
“Please, ninong . . . Answer the phone.”
‘The number you have dialed is either unattended or out of coverage. Please try to call later.” Nagsalubong ang mga kilay ni Valine at nagsimula siyang kabahan.
“Dämn it!” Nag-dial si Valine nang makailang ulit pa.
“Ninong Creon, please!” Ngunit hindi pa rin niya matawagan. “S-si Jian! I will try to call Jian!” Naiiyak na tinipa ni Valine ang numero ng kaniyang bestfriend.
‘The number you have dialed is either unattended or out of coverage. Please leave a message after the beat.’
“Oh my God!” Sinubukan pa niya nang ilang beses, only to get the same result.
“Tatawagan ko ulit si ninong. Baka wala lang signal sa napuntahan niya, or na-off saglit ang kaniyang phone.” Muli na namang sinubukan tawagan ni Valine ang numero ni Creon.
Sa kabilang banda naman . . .
“I’m so sorry, Ninong Creon. I didn't mean to cause trouble and accidentally drop your phone.” Umiiyak na turan ni Farrah.
Eight thirty pa lang nang umaga ay kasama na niya si Creon dahil nais niya itong makita.
“It’s okay, Farrah. Aron, how was my phone?” Kita naman ni Farrah ang malalaking butil ng pawis sa noo ni Secretary Aron. ‘Shït! Ang tagal naman matigok ng cellphone na ’yan. Minsan, ’yan ang problema sa mga mamahalin at limited edition na cellphones, mahirap sirain!’ Nirolyo ni Farrah ang kaniyang mga mata at hindi mapakali ang kaniyang kalooban. ‘But at least . . . Mas mabibigyan pa kami ng oras. Kung sakali mang may maipuslit na cellphone para kay Valine, or makatawag siya, wala namang sasagot sa kaniya. Heh! Manigas ka, bïtch!’ Pinagmasdan niya ang phone na ngayon ay basag na ang screen. Bubukas ito ngunit namamatay lang din agad. Kung sa labas titingnan, Farrah looks worried and beyond apologetic. Ngunit sa loob niya ay labis na nagsasaya.
“I’m really sorry, ninong. It's all my fault. Alam kong importante sa ’yo ’yang phone mo because you are a busy person. May naipon naman po ako while working sa company ni Daddy, ninong. Bibilhan na lang po kita nang parehas niyan na phone,” said Farrah while pointing out the phone na hawak pa rin ni Secretary Aron.
“I said it's fine, Farrah. ’Wag mo na lang isipan. Itabi mo na lang ’yang pera mo. Pinaghirapan mo ’yan. Spend it on something relevant and important.” Tumaas naman ang kaliwang kilay ni Farrah. Ngunit saglit lamang iyon at naging maamo ulit ang kaniyang mukha. Mabilis siyang dumikit kay Creon at inilingkis sa braso nito ang dalawa niyang kamay.
“But, ninong. Ikakasal na tayo. Magiging asawa mo na ako. Relevant and important? That's what you are to me. So worth it naman ’di ba? Saka ’pag nakasal na tayo, I'm sure that you will take very good care of me. So I don't worry about my future that much anymore. Alam ko naman na wala kang gagawin na bad to break my heart.” Nakangiting Pinagmasdan ni Farrah ang mukha ni Creon kahit na hindi naman ito nakatingin sa kaniya. Bagkus ay nasa cellphone pa rin nito ang atensyon na para bang may hinihintay itong tawag. Ngumiti si Farrah even though she find herself a little disappointed and hurt nang wala man lang naging reaksyon si Creon maliban sa pag-iling. But overall, Farrah wasn't thinking about the blatant rejection deeply. ‘Para saan pa ’yang pagpapakipot mo at pagsusuplado? Sa akin lang din naman ang punta mo.’ Farrah was brightly smiling again.
Tumingin si Creon sa kaniyang wristwatch, “Up to you, Farrah. Uhm! Secretary Aron, please dalhin mo na lang ’yan sa repair center ng Lexüs. I'm sure that they can fix that phone for me. Please do it as soon as possible. I need that phone right away.” Kita ni Farrah na inayos nito ang suot at ilang papers sa misa, tanda na aalis na sila ng opisina nito.
“Sige po, Sir. Pero lalabas po kayo ngayon ni Miss Farrah, right? Hindi ko po kayo masasamahan.” Inayos ni Aron ang pagkakalagay ng phone sa loob ng kaniyang hawak na handbag case kung saan nakapaloob din ang kaniyang personal laptop.
“We aren't kids, Aron. Of course we can handle things on our own.” Hindi naman mapigilan ni Secretary Aron na mabilaokan sa sarili niyang laway dahil sa sarkastikong sagot ni Creon.
“Right, Sir. That's right!” aniya nang nakabawi siya.
“Aalis na ba tayo, ninong? Medyo gutom na rin kasi ako. Kaya siguro ako nahilo kanina at nakabig ko ’yong phone mo. Konti lang kasi ang kinain ko kagabi dahil masama ang panlasa at pang-amoy ko sa halos lahat ng pagkain.”
“What? You're dizzy?” Tumango naman si Farrah gamit ang nagpapaawa niyang mukha. Huminga siya nang malalim at nagpakawala pa ng mumunting luha.
“Why didn't you tell me right away?” nag-aalalang turan ni Creon sabay alalay kay Farrah.
“Hindi ko ngaba maintindihan ang sarili ko, ninong. Nitong mga nakaraang linggo ay palagi akong nahihilo at masama ang pakiramdam ko palagi. Nasusuka rin ako . . . it feels heavy really. I also want to see you always.” Hindi naman nakawala sa paningin ni Farrah ang pagkaalarma sa mukha ni Creon. Kaya mas lumakas pa ang kaniyang loob na magdrama. Hinawakan niya ang kaniyang ulo at siya ay napapikit nang bahagya.
“Yo-you look pale. Dinala ka na ba ng mga magulang mo sa doktor?” Farrah could tell na na-tense bigla ang kaniyang ninong. ‘Are you afraid na baka ay buntis ako? Well . . . Buntis nga naman ako. So you better brace yourself!’
“Hindi pa, ninong. But you're here now. I'm feeling so much better. I only need you and nothing else.” Sumandal na si Farrah sa braso ni Creon.
“Secretary Aron, we'll go ahead.”
“Bye, Secretary Aron.”
“Can you still walk properly?” This time ay hawak na ni Creon ang bewang niya.
“Yes, ninong. Nariyan ka naman para alalayan ako. So it won't be that hard for me to move around.” Muli ay nag-lean si Farrah sa braso ni Creon—hanggang nakalabas sila sa elevator. Showing off to everyone and every employee in the building na pag-aari niya si Creon.
“Totoo pala ang sabi-sabi na may relasyon nga si Sir Kalistov at ang eldest daughter ng Samocha lineage.”
“Wala naman sigurong problema roon. Kita mo naman sobrang bagay nilang dalawa.”
“Parang pang-out of this world ang mga itsura dahil sa sobrang guwapo at ganda!”
“Kahit mas matanda nang ilang taon si Sir Kalistov kay Miss Samocha ay hindi naman halata. Baby face at elegante ang mukha ni Sir . . . Hay, nakakainggit si Miss Samocha.” Farrah tilted her head at nakakaawang tumingin kay Creon. The reason kung bakit nito hinimas ang kaniyang mukha.
“Ayyy . . . nakakainggit nga talaga. Ano kaya ang pakiramdam na maging Miss Samocha?” Mga bulungan sa paligid na malinaw na naririnig ni Farrah. Mga bulungan na labis na nagpapasaya sa kaniya. Dahil sa mga atensyon sa paligid ay mas lalo pang isiniksik ni Farrah ang kaniyang sarili kay Creon.