KINAUMAGAHAN ay tanghali na nang nagising si Valine. Mataas na ang sikat ng araw sa labas ng bintana nang siya ay tumayo mula sa higaan at nagbabad sa bathtub nang ilang minuto. ‘Saan kaya nagpunta si ninong?’ Maraming naiisip si Valine hanggang sa natapos siyang maligo. Sa ngayon ay nakatayo na siya sa harapan ng salamin habang sinusuklay ang kaniyang buhok. Valine tilted her head sabay nagpakawala ng isang malalim na paghinga. Medyo gumaan na ang kaniyang pakiramdam sa katawan kumpara kanina nang siya ay nagising. Though she could still feel the soreness all over her body, mas nananaig pa rin ang fulfillment na kaniyang nararamdaman. ‘Things would be different kung ’di ako naisalba. . .’ Ramdam no Valine na nagsisitayuan ang mga balahibo niya sa katawan. ’Habang tumatagal ay nakakalimu