Panay ang tingin ni Valine sa kaniyang paligid nang siya ay makababa. Mabilis niyang tinungo ang back gate ng kanilang Villa at doon ay lumabas gamit ang maliit na pinto ng gate.
‘Ang hapdi ng mga kamay ko . . .” Valine tightly closed her eyes and swallowed the pain whole together with her tears that were about to fall.
Sa tulong ng kaniyang nana ay nakababa si Valine mula sa second floor ng Villa Samotcha, gamit ang pinagdugtong-dugtong na mga kumot. At first she thought that it's a dangerous idea, lalo pa’t buntis siya. But on the contrary, wala naman siyang ibang choice, kundi ay ikakasal siya nang walang kalaban-laban sa lalaking ’di niya kilala.
“Aray ko!” impit na hiyaw niya nang maramdaman na may kung anong masakit sa kaniyang paa. But in spite feeling the immense pain, patuloy pa rin ang hakbang niya. She could also see a vague color red sa kaniyang bawat hakbang, ngunit mas disido siyang makalayo. ‘Mas gugustuhin ko pang mamalimos sa kalye kaysa magpaangkin sa ibang lalaki!’
Dahil palubog na ang araw ay nag-aagaw ang liwanag at dilim sa kapaligiran. Dagdag alalahanin ni Valine kung saan siya tutungo gayong wala pa ring sumasagot sa dalawa niyang numerong tinatawagan—ang bestfriend niyang si Jian at kaniyang ninong Creon.
“Kung hindi ko ma-contact si ninong, pupuntahan ko na lang siya sa office niya. Isang oras ’yon na biyahe from here, papunta sa city.” Nang masigurado ni Valine na malayo na siya sa Villa ay umupo siya sa damuhan at pinunit ang laylayan ng kaniyang damit.
Marahan niyang kinapa ang kaniyang talampakan. She jolted nang mahawakan ang dulo nang kung anong tumusok sa paa niya.
‘One, two . . . three, hmp!’ Halos maiyak siya sa kaniyang ginawa. “Isang piraso ng putol na barbecue stick . . .” Itinusok niya iyon sa lupa upang wala ng mabiktima tulad niya. Iginalaw niya ang kaniyang paa, making sure na wala ng naiwan doon bago niya iyon tinalian ng tela.
“Baka akalain na baliw ako dahil sa aking ayos.” Valine quickly tucked the hem of her shirt sa kaniyang pajama. Inayos niya na rin ang itim niyang jacket. “Isa na lang ang problema, wala akong sapin sa paa.”
“Bote, dyaryo, bakal at plastik! Bumibili kami ng mga bote, dyaryo, ba—”
“Ah, manong, may pares ka ba ng tsinelas diyan? Bibilhin ko po kahit magkaiba po ang disenyo.” Pansin naman ni Valine na tinitigan nito ang hubad niyang paa, maging ang marumi niyang pajamas.
“Wala akong ibang dalang tsinelas maliban dito sa suot ko, ining. Pero kung papayag ka at maydala kang pera, aba’y sino ba naman ako para ’di ka tulungan.” Nangunot naman ang noo ni Valine nang banggitin nito ang pera. ‘Wala akong magagawa. Ako ang nangangailangan.’
“Magkano ho ba ’yan, manong?”
“Five hundred pesos itong suot-suot kong tsinelas.”
“Ho?”
“Aba’y bakit? Ako naman ang walang sapin sa paa ’pag binigay ko na ’to sa ’yo. Saka baka gusto mong ipaalam ko sa mga taga rito na may kahina-hinalang babae rito sa paligid ng mga Villa.” Napalunok naman nang malaki si Valine. ‘Isang libo lang ’tong bigay sa ’kin ni nana . . .’
“Manong naman eh . . . Ito lang ’yong pera ko.”
“Ah, sige. Mag-abang ka na lang ng susunod na mapagbibilhan mo n—”
“Ito na po.” Mabigat ang kamay na inabot ni Valine ang isang limang daan niya sa mama.
Makalipas ang ilang sandali na paglalakad ni Valine gamit ang malaking tsinelas ay narating na rin niya ang bus stop. Nasa two-hundred fifty meters away ang layo niyon sa mga nakahilirang Villa sa village nila. ‘Mabuti at wala gaanong tao. Mga iilang pasahero lang ang narito. Kailangan kong takpan ang mukha ko at baka may dumaan na taga-villa namin.’ Muli ay inayos ni Valine ang hood ng kaniyang jacket.
“Anak, usod ka rito. Mukhang delikado ang babaeng ’yan. Baka mahawa ka pa kung may sakit ’yan.” Valine bitterly smiles. ‘Talagang hindi born judgemental ang isang tao, they were being taught and learned.’ Valine tilted her head at sumandal siya sa bakal na haligi ng shed.
“Palapit na po ang bus, Mama.” Tumayo ang babae at dinampot ang mga gamit nito. Nagtataka naman si Valine kung bakit tumingin sa gawi niya ang bata. “Heto po, Ate. Sa ’yo na lang. Ingat ka po,” nakangiting usal ng bata habang hila-hila ito ng Ina.
Naguguluhan naman na binuksan ni Valine ang kaniyang kamay. Wala siyang ediya kung ano ang ibinigay ng bata. Basta ay tinanggap niya na lamang iyon.
“Isang Jackstone ball?” Nangungunot ang kaniyang noo na tumayo na rin upang makasakay sa bus.
“Pst! Saan ka?” Natigil sa paghakbang si Valine nang tawagin ng kundoktor ang kaniyang atensyon.
“Hmp! Sa City ho, Sir,” kalmadong usal ni Valine.
“May pambayad ka ba?”
“Ah, meron po.”
“Sige. Pasok na.” Napailing na lang siya dahil sa lahat ng pasaherong pumasok ay siya lang ang hinarang nito.
‘Salamat naman at ako lang ang nag-iisang pasahero dito sa likod. Hindi naman ako hilohin pero bakit ang sama ng pakiramdam ko?’ Valine leaned on the bus.
“Ito ang ticket mo.” Kinuha ni Valine ang ticket at tiningnan iyon.
“Ho? One hundred fifty? Eh, eighty-five lang naman palagi ang bayad ko sa tuwing sumasakay ako ng bus ah.”
“Ano naman ang discount mo aber?”
“Students discount ho.”
“Id.”
‘Augh! ’Wag ng kuripot, Valine. You supposed to keep yourself hidden hanggang makarating ka sa building ni ninong!’ Pumikit naman si Valine sabay kapa sa kaniyang bulsa.
“Ah, eh, nakalimutan ko po pala sa bahay,” ani Valine sabay bulsa sa ticket niya.
“O, e ’di regular na pamasahe ka,” anitong tinalikuran na siya.
“Ticket! Sino pang walang ticket diyan?” Napabuntong hininga na lang siya at inihanda sa kaniyang kamay ang natitirang pera na limang daan.
Makalipas ang halos isang oras ay narating na rin niya ang bus stop kung saan madalas siyang bumababa sa tuwing bus ang sinasakyan niya tungong school.
“Madilim na talaga ang paligid. Ba’t naman kasi ang bagal tumakbo ng bus na ’yon. Lahat ng pasaherong nakikita pini-pick up. Inabot tuloy ako ng dilim . . .” bulong niya habang naghihintay ng jëep patungong Maple Street—ang street kung saan matatagpuan ang matayog na building ng entertainment company ng kaniyang ninong.
Nang makasakay sa jëep ay umupo naman siya sa bandang labasan dahil doon na lang ang may bakante. Lalo pa't nagsilayuan naman ang ibang pasahero nang makita ang ayos niya. ‘Mas mabuti na rin na sila ang lumayo sa ’kin. Less hassle.’
A good thirty minutes passed at tumigil na ulit sa gilid ng kalsada ang jëep. ‘Ba’t ba panay ang pick-up ng mga pasahero ng mga nasakyan ko ngayon?’ Bumaba si Valine at mabilis na nagtungo sa driverseat ng jëep. Matapos magbayad ay namulsa siyang nilakad ang ang mga nasa thirty meters na layo ng building ng kaniyang ninong.
‘I know, hindi naman ganoon ka-precise ang relationship namin ni ninong. It was vague actually since wala naman siyang binanggit na ano kami. Or ako . . . Pero kahit paano ay umasa ako na dadalawin niya ako sa Villa.’ Malungkot na tinungo ni Valine ang parking space ng building. Doon siya tumatambay, to check if nasa loob ng building ang ninong niya —kung sakaling patago ang pagdalaw niya rito.
Nang nakapasok ay agad siyang nagtago sa isa sa mga malaking pillar ng parking space, nang maaninaw niya ang dalawang taong nakatayo malapit sa sasakyan na pag-aari ng ninong niya.
“Marami pa akong gagawin, Farrah. You need to go home now. I already put my paperwork away since nag-aya kang lumabas. We've been hanging out often. But now, it's already seven twenty. You need to go home.” Valine could see na hawak ni Farrah ang braso ng ninong Creon niya. Pero sa takot na mahuli siya ay muli siyang nagtago sa pillar.
“Bakit ba bigla na lang nagbago ang mood mo, ninong? Dahil ba sa sagot ko na may manliligaw na si Valine at busy siya kasama ang lalaking ’yon kaya hindi na kayo nagpapang-abot sa Villa?” Nagsalubong ang mga kilay ni Valine nang marinig ang sinabihan ni Farrah. Obviously, Farrah was lying kaya ay nagtagis ang bagang ni Valine. ‘Ano pa kayang mga pagsisinungaling ang sinabi mo kay ninong? Bruha talaga!’
“It has nothing to do with Valine, okay? I'm just busy. Nasa legal ng edad ang kapatid mo. Choice niya ng gawin ang mga bagay-bagay.”
“Then why?”
“Why what?”
“We’ve been spending time together for about four days now, ninong. Wala man lang tayong personal time. Laging nakabuntot si Secretary Aron. Ikakasal na tayo, ninong!” Valine could picture the frustrations in Farrah’s voice. ‘What a pity . . .’
“It’s natural. Secretary ko si Aron. As for you, sinabi ko ng hindi ako gagawa ng kung ano man ’yang iniisip mo hangga't ’di tayo ikinakasal.”
“B-but, ninyong! Nasa tamang edad naman na rin ako ah! Why can't I decide on this matter?”
“Just go home, Farrah. Pumasok ka na sa sasakyan. Secretary Aron, please ihatid mo na siya sa Villa Samotcha. Gabi na at talagang marami pa akong gagawin.” Naaawa naman si Valine sa boses ng ninong niya dahil talagang tunog pagod iyon.
“Ninong! Please . . .”
“I’ll just contact you kung lalabas tayo ulit.”
“Don’t touch me!”
“Please, pasok na po sa sasakyan, Miss Farrah.”
Nang makaalis ang sasakyan at nasigurado ni Valine na wala na si Farrah sa vicinity ng parking space . . .
“Hello, Meg. I want you to know the details about Mr. Arnaldo Bagatsing. Yes . . . Thank you.” Mabilis naman na naglakad si Valine at tumayo sa likuran ng kaniyang ninong.
“Ninong . . .” bulong niya sabay hawak sa braso nito. Nag-uunahan na rin sa pagbagsak ang kaniyang mga luha.
“V? Va-Valine?” She could see kung gaano nabigla si Creon nang makita siya.
“Ninong . . ." Yumogyug ang balikat ni Valine at ramdam niya ang panghihina ng kaniyang mga hita.
“V! Valine?”
“I’m happy to see you, ninong . . ." bulong niya at hinalikan ang kamay ni Creon.
“Hold on!” Mabilis na binuhat ni Creon si Valine. Napangiti naman siya kahit na nananampal ang pagod ng kaniyang katawan at hapdi mula sa natamo niyang sugat.