“Hmmm . . . please no . . .” Nakataas sa ere ang mga kamay ni Valine habang magkadikit. “Please . . . no, Dad. No!” Nanginginig ang kaniyang kamay at buong katawan habang nagmamakaawa.
“V? Valine?” Ramdam ni Valine ang marahan na yugyog sa kaniya ni Creon. How could she not gayong nagkukunwari lamang siyang tulog. Though talagang pagod siya at nais ng matulog, mas pinili pa rin niyang isagawa ang kaniyang plano.
Her ninong was familiar with her, sa karakter niya kahit laging nababalita na pasaway ay inosente pa rin pagdating sa mga bagay-bagay, lalo na kung parte sa mga adult things pag-uusapan.
“Please, Dad . . . ayaw ko pong maikasal ako sa iba . . . no, please . . . S-si ninong ang ama ng dinadala ko. Please, Dad. Give me back my pho-phone. Sasabihin ko sa kaniya. Ma-maniniwala siya sa ’kin. Alam kong paniniwalaan ako ni ninong.” Valine wasn't sure kung ano na ang itsura ngayon ng ninong Creon niya. But she was certain na nabigla ito dahil tumigil agad ang marahan nitong pagyugyog sa kaniyang braso.
“V? What the hëll are you talking about?” bulong nito. Valine could feel na gumalaw ito ngunit nasa tabi pa rin niya.
“Please . . . let me tell ninong. Ninong, help me. Help me . . .” Namasa ang gilid ng mga mata ni Valine. She's good at crying. She always does this sa tuwing mag-isa na lamang siya sa kaniyang silid—pitying herself dahil namamalimos siya ng atensyon at pagmamahal mula sa kaniyang Ama.
“Shhh . . . it's okay, baby. It's okay, my little V. Sleep now, okay? Ako na ang bahala.” Valine could feel the warm lips on her forehead. Guto man niyang i-enjoy iyon ay ’di niya magawa. Baka mabisto pa siyang nagtutulog-tulugan lamang.
“Please . . .” Valine’s shaking voice and heavy breathing was clear evidence that she was distressed.
“Shhh . . . it's okay. It's okay.” Ramdam niyang sinusuklay nito nang marahan ang kaniyang buhok. “I’ll get to the bottom of this. I promise you, V . . .” Muli ay hinalikan nito ang noo niya. Sa pagkakataong ito, Valine decided not to move anymore. Nagpasya siyang muli ng magpanggap na nakatulog na siya ulit nang mahimbing.
Ilang sandali pa ay nakarinig si Valine nang isang malalim na buntong hininga.
“It turned out that I wasn't hallucinating . . . It was you, V.” Ramdam ni Valine ang marahan nitong pagkilos paalis sa kama. ‘Does it mean na natatandaan na niya lahat ng nangyari sa ‘min?’ Tahimik namang nagdiwang ang puso ni Valine nang wala sa oras.
Because of curiosity, Valine wanted to open her eyes. Ngunit ’di siya nakakarinig ng pagbubukas-sara ng pinto. So Valine assumed na nasa loob pa rin ng silid si Creon. Not wanting to be exposed by pretending to be asleep, minabuti na niyang pagbutihin na lang ang pagtutulog-tulugan.
“Hello, David.” Valine jolted nang marinig ang pangalan ng kinikilala niyang Ama. “Yes, I know. She's with me.” Wala sa sariling naimulat ni Valine ang kaniyang mga mata. She wasn't expecting that Creon would sell her off immediately without a fight. Buong akala niya ay pagtatakpan siya nito nang buong lakas. Valine could feel the lump on her throat at naiiyak na siya. ‘Must it be na guni-guni ko lang na gusto ako ni ninong? Pero paano na ’yong magiging anak namin? I wish I was reborn nang buhay pa ang Mommy ko. In that way mayroon akong magiging totoong kakampi. Unlike now na mukhang guniguni ko lang ang lahat. Sa pagkakataong ito ay may luha na sa mga mata nia.’ Valine subconsciously touches her stomach. With a gentle grip, she heaved a deep inner sigh.
“No you can't do that. I can never let you do that.” Nagsalubong naman ang mga kilay ni Valine sa muling pagkibo nito. “We'll sort everything out tomorrow. You will have some explaining to do, David.” Tumahimik ito ulit. A sign na nagsasalita ang kabilang linya at nakikinig naman ito. “We've been friends for a long time, David. Kilala mo ako. You know that I value loyalty so much.” Sa pagkakataong ito ay mas mahaba ang pakikinig nito sa kabilang linya. “No. I'll come to Villa Samotcha tomorrow. I'll bring V with me and we’ll talk about my proposal too. I'll hang up now.” Napatalukbong naman ng kumot si Valine. ‘Anong proposal ba ang ibig sabihin ni ninong. Ang kasal kaya nila ni Farrah? O iyong pinarinig ko sa kaniya?’ Nang muling narinig ni Valine ang mga yabag ni Creon pabalik sa kamang kinahihigaan niya ay ginawa niyang natural ang kaniyang pagtulog-tulugan. Tinanggal niya ang kumot sa kaniyang mukha at paa sabay bahagyang tagilid nang higa.
“Oh baby, naiinitan ka ba?” Ramdam ni Valine na inayos nito ang buhok niya at pinunasan ang ibabaw ng kaniyang ilong. ‘Halatang na-pressure ako. Bigla akong pinag pawisan nang malala.’ Muling naglakad si Creon palayo sa kama. ‘Saan na naman kaya siya pupunta? Iiwan ba niya ako rito?’ Muling kinabahan si Valine.
“There. Nilakasan ko ang aircon para lumamig dito,” anitong binuksan ang kumot. ‘Tatabihan kaya ako ni ninong? Matutulog lang ba talaga kami? But it has been month since huli namin ’yong ginawa. Ba-baka maparalisa ako bukas.’ Valine could say na kinakabahan siya—ngunit gumawa pa rin siya ng paraan upang ‘wag mahalata ni Creon na gising siya.
“Uhmmm . . .” Nagkunwaring kumilos si Valine na may kasamang pag-ungol.
“Shhh . . . It's okay. Babantayan at sasamahan kita rito. No need to worry about anything. Just trust me V. I will do anything for you. Anything . . .” Valine could feel na itinaas nito ang kaniyang ulo. Sa isang iglap lang ay nakaunan na siya sa braso nito. ‘So warm . . .’ Hindi mapigilan ni Valine na mas isiksik pa ang kaniyang sarili sa katawan ni Creon.
“Good night, V. Sweet dreams.” Hindi naman nakaiwas sa pandama ni Valine ang paghimas nito nang bahagya sa tiyan niya. ‘Your father cares about us, baby. I can feel na magiging mabuting Ama siya . . . ‘Di tulad ng totoo mong Lolo at ni David.’ Kahit na nakaramdam ng lungkot ay nakuha pa ring ngumiti ni Valine. Sa pinapakita at pagpaparamdam sa kaniya ni Creon ng pagpapahalaga. Kahit paano ay naging secured na rin ang pakiramdam niya.
KINABUKASAN ay nagising si Valine sa mumunting ingay na naririnig niya sa paligid. Nagmumula iyon sa kung saan na nagpapakunot ng kaniyang noo. Nais pa sana niyang matulog ngunit nadadala na siya sa munting ingay. Marahan niyang binuksan ang kaniyang mga mata. Agad naman niya iyong natakpan nang salubungin siya ng liwanag na nagmumula sa sinag ng araw na tumagos mula sa bukas na glass window.
‘Wait! Hi-hindi na ito ang silid sa office ni ninong!’ Mabilis na bumangon si Valine at inilibot ang tingin sa paligid. ‘Oh. Ito ang silid ni ninong sa mansyon niya. But why here? Sa opisina niya ako natulog as far as I can remember.’ Bumukas ang bibig ni Valine sabay hawi ng kaniyang buhok na tumakip sa parte ng mukha niya.
“Miss V. Pasensya na po ah at nagising ka sa ingay na nalilikha nitong ginagawa ko . . .”
“Milay?” Nangungunot ang noo ni Valine na pinagmasdan ang mukha ng isa sa mga helper ng ninong niya. Anak ito ng isa sa mga katulong ng kaniyang ninong—a nineteen year old timid girl. Mula ito sa liblib na bundok kung saan ay may resort ang ninong niya.
“Ah, ano, Miss Valine. Dumating ho kayo rito ni Sir Creon kaninang alas-dos nang madaling araw. Tulog na tulog ka po at parang ’di mo na namalayan. Kinarga ka ho ni Sir Creon papunta rito sa master’s bedroom.” paliwanag nitong parang nabasa ang laman ng kaniyang utak at agad na sinabi ang mga nais niyang malaman.
“Ah, ganun ba. Nasaan nga pala si ninong, Milay?” Unti-unting umusod si Valine upang makapunta sa gilid ng kama at nang makababa siya. Nagulat naman siya nang biglang lumapit sa kaniya si Milay at agad na umalalay.
“Miss Valine, sabihin mo lang po kung may kailangan ka. Ang sabi ho kasi ni Sir ay ’wag ka raw pababain sa kama at baka kung mapaano ka.” Tulala namang napatitig si Valine sa mukha ni Milay. “May aasikasuhin lang daw po si Sir saglit at babalik din siya agad. Kabilin-bilinan po niyang ’wag ka raw pong pakilusin nang husto at baka kung mapa’no ka.”
“Milay, mukha ba akong nahihirapan nang husto?” Nagkamot naman ito ng ulo sabay napalingo na lang.
“Hindi po, Miss Valine. Sobrang ganda mo pa rin po. Saka hindi ka rin mukhang may sakit.”
“Exactly! Magkakasundo tayong dalawa. Saka mas magkakasakit ako ’pag ’di pa ako tatayo at mag-iinat.” Natatawang usal ni Valine. Hinayaan na lamang niya si Milay na alalayan siya sa kaniyang mga kilos. ‘Gusto kong kiligin. Pero later na lang ’pag kinasal na talaga kami ni ninong. When that time comes, masasabi ko na talagang akin lang siya. At ’di siya pwedeng magloko. Puputulin ko ’yong junjun niya para wala ng makinabang na iba!’ Namula naman agad ang pisngi ni Valine nang maalala ang kargada ng ninong niya. ‘Kakalungkot mang putulin, pero ayaw kong pumasok ’yon sa iba—tapos ipapasok niya sa ’kin at padidilaan? Kadiri!’
“Isuot mo po ’tong indoor slippers mo, Miss Valine para ho ’di ka malamigan. Medyo namumula na po ang pisngi mo, Miss. Sumama ba ang pakiramdam mo bigla?” Natigilan naman si Valine dahil lumabas pala sa mukha niya ang kaniyang matinding imagination.
“Na-nako. I'm fine. Naiihi lang ako. Thank you nga pala, Milay. Para ka talagang psychic at alam agad kung ano ang gusto ko.” Unti-unting tumayo si Valine at naglakad tungo sa cr sa tulong na rin ni Milay.
“Walang anuman po, Miss Valine. Pero, Miss . . . May tumawag po kanina sa landline rito sa mansyon, at nagpakilalang Jian daw po. Nangungumusta ho siya sa ’yo. Tatawag daw po siya ulit ‘pag may sapat na siyang panahon. Mukha pong nagmamadali talaga siya. Sinabi ko pong wrong call siya kasi wala namang nakatirang Valine rito sa Kalistov mansion. Pero sabi lang niya . . . she likes me raw.” Napangiti naman si Valine. ‘Alam ko talagang gagawa ng paraan si Jian just to contact me. Bilib na rin ako at nakuha niya ang landline phone number rito sa mansyon ni ninong.’ Ipinilig ni Valine ang kaniyang ulo at napabuntong hininga na lang. ‘Medyo magkatulad talaga ang takbo ng utak naming dalawa.’
“Uhm . . . gusto ko rin sanang maligo, Milay.”
”Hintayin mo po saglit, Miss Valine at ihahanda ko ang shower. Mayroon na pong pinahanda na damit mo si Sir.”
Sa paglipas ng mga minuto ay natapos na rin si Valine sa lahat-lahat ng paghahanda niya bago lumabas ng silid.
Suot niya ngayon ang isang plain Korean dress na kulay beige, mga two inches above the knee ang tabas nito sa kaniya.
“Ang ganda mo po talaga, Miss Valine.” Mayumi naman siyang ngumiti.
“Yeah. Pero medyo kinulang naman sa height. Look at you . . . mas matanda ako sa ’yo ng ilang taon ngunit mas matangkad ka pa sa ’kin.”
“Sana nga po ay ikaganda ko ‘yong tangkad ko, Miss Valine.” Nakagat na lang ni Valine ang kaniyang labi upang ’wag siyang matawa. ‘Medyo wala talagang preno ’tong bibig ni Milay.’ Sa paningin niya ay may unique na kagandagan si Milay. Sadyang mahaba lang talaga ang baba nito, dahilan upang matabunan ang magandang hugis ng labi nito at ilong.
“Beauty is in the eye of the beholder, Milay. Maging confident ka sa sarili mo.”
“’Yan na nga lang po ang pambato ko, Miss Valine. Confidence at kabaitan.” This time ay ngumiti na lang si Valine.
“Hali ka na at baka nariyan na si ninong at kanina pa tayo hinihintay.”
“Ingat po, Miss Valine. ’Di bale ng abutin tayo ng ilang oras sa paglalakad, basta po mag-ingat ka at ligtas kitang maihahatid kay Sir.” Napailing naman si Valine. ‘Para namang dragon kung magalit si ninong. Eh, sobrang formal kaya nun at ang bait pa. Nag-iiba nga lang sa kama.’
Halos inabot na sila ng siyam-siyam at sampu sa paglalakad tungo sa sala.
“Ninong!” sigaw ni Valine at parang kabayong nakawala sa hawla na tumakbo tungo kay Creon. Si Creon naman ay parang nakakita ng multo na tumayo sabay bukas ng dalawang kamay. Sobra pa ito sa handa na saluhin si Valine kahit saan pang bahagi ito mag-landing.
“Oh God, Valine! Magkaka-heart attack ako sa ’yo.”
“Good morning, Mr. Kalistov!” ani Valine sabay pisil sa ilong ni Creon. Malapad pa ang mga ngiti niya habang wala sa sariling napatingin sa may kanang bahagi ng living room. “Oh, ma-may bisita ka pala . . .” Para namang napaso si Valine na bumitaw sa leeg ni Creon.
“Good morning, Miss Valine.” Tulala pa ring nakatingin si Valine sa isang babaeng naka business suit at dalawang lalaki.
“Come here, V.” Nanlaki naman ang mga mata ni Valine nang marahan siyang hilahin ni Creon at pinaupo sa lap nito. “May pinag-uusapan lang kami ng mga kaibigan ko bago tayo magtungo sa Villa Samotcha.” Napatango na lang si Valine. ‘Lupa, please lamunin mo na ako!’