Prologue: When James Sold His Soul To The Devil

834 Words
TRIGGER WARNING: THIS HAS A DIFFERENT KIND OF HAPPY ENDING. THIS STORY WILL NOT END THE WAY YOU EXPECTED. ENJOY AND BE WARNED. “K-KUYA…” ungol ng labing dalawang taong gulang na batang lalaki. Bakas ang paghihirap sa mukha nito. Pawisan, nanginginig at habol ang paghinga. Inaapoy ng lagnat ang bata. Maputlang maputla. Hindi lang gamot ang kailangan nito. Maging makakain. Isang linggo na ang nakalilipas nang huling makatikim ang bata ng matinong pagkain. Sa nakaraang mga araw, sapagkat may bagyo at malakas ang hangin at ulan, naging mahirap ang manlimos sa mga dumadaang sasakyan. Hindi na nga nakaipon ng panlaman tiyan, nagkasakit pa dahil nabasa ng ulan. Humigpit ang hawak ng labing limang taong gulang na lalaki sa kamay ng nakababatang kapatid. Habang ang malayang kamay ay may hawak na basang bimpo, pinupunasan ang noo ng kapatid sa pagtatangkang pababain ang temperatura nito. “Nandito lang ako. Hindi kita pababayaan,” paulit-ulit na usal niya. Kahit sa loob ng binatilyo ay takot na takot na siya para sa kaligtasan ng kanyang kapatid. Siya ang nagsama sa kapatid niya nang layasan niya ang mapanakit at pabaya nilang mga magulang. Siya ang naging dahilan kaya naging taong kalsada ang kanyang kapatid. Tumakas sila sa impiyernong buhay pero panibagong impiyerno rin ang kinabagsakan nila. Hindi siya papayag na mawala sa kaniya ang tanging tao na nagpapabangon sa kaniya sa umaga. Ang liwanag sa madilim na buhay niya. Kahit pa kapalit niyon ay ibenta pa niya maski kaluluwa niya para sa kaligtasan nito. Muling pinisil ng binatilyo ang kamay ng kapatid, tumayo at hinalikan ang noo nito. “Babalik ako. Ibibili lang kita ng pagkain at gamot,” bulong niya. Marahang dumilat ang labing dalawang taong gulang na bata. “P-pero w-wala tayong pera kuya…” Lumunok ang binatilyo at pilit na ngumiti. “Didiskarte ako. Matulog ka lang rito, ha? Babalik ako agad.” Nang muling pumikit ang kapatid at tuluyang makatulog ay napalis ang ngiti ng binatilyo. Naging matiim ang ekspresyon. Sa labas ng maliit nilang barong-barong ay bumabayo pa rin ang malakas na hangin at ulan. Alas sais na ng gabi. Huminga ng malalim ang binatilyo, tiningnan sa huling pagkakataon ang kapatid at lumabas. Hindi na niya alintana kahit na nababasa siya ng ulan. Hinawi lamang niya ang may kahabaang buhok palayo sa kanyang mukha at determinadong tinahak ang daan patungo sa malaking bahay kung saan siya nagtatrabaho bilang hardinero. Humahakab na sa katawan ng binatilyo ang suot na t-shirt at kupas na maong na pantalon nang pindutin niya ang doorbell ng malaking bahay. Matiyaga siyang naghintay sa magbubukas ng pinto sapagkat alam niyang isa lang naman ang taong nakatira sa loob. Nang bumukas ang pinto ay bumungad ang isang sexy at magandang babaeng nasa edad trenta, manipis na pantulog ang suot na pinatungan ng roba. Sandali lamang bumakas ang pagkagulat sa mukha ng babae at humagod ang tingin mula sa mukha ng binatilyo, pababa sa katawang mas matikas at matigas kaysa mga ka-edad sapagkat banat sa trabaho. Ilang pulgada ring mas matangkad ang lalaki kaysa sa babae. “Bakit bigla kang sumugod sa bagyo para makita ako?” Tumiim ang mga labi ng binatilyo, kumuyom ang mga kamao habang nakatingin sa nakatatandang babae na hindi na naitago ang kislap ng interes sa mga mata habang pinagmamasdan siya. Asawa ng isang matandang milyonaryo ang babae at mula pa nang unang pumasok siya bilang hardinero doon ay alam na niyang iba ang interes nito sa kaniya. At isang linggo nga ang nakararaan, nang umalis ang asawa nito, naging hayagan ang pang-aakit ng babae sa kaniya. “Kailangan ko ng pera. May sakit ang kapatid ko,” sabi ng binatilyong mahigpit pa rin ang pagkakakuyom ng mga kamao. Nagtama ang mga tingin nila at sa isang iglap ay batid ng binatilyo na pareho nilang alam kung ano ang kapalit ng perang kailangan niya. Ilang beses na nitong inalok iyon sa kaniya. Sumilay ang mapangakit na ngiti sa mga labi ng babae. Ang mga mata ay kumislap sa pagnanasa. Umangat ang mga kamay nito at lumapat sa kanyang mga balikat, pahaplos sa kanyang dibdib, pababa sa kanyang baywang. Pumulupot doon ang mga braso nito at hinigit siya papasok sa bahay. “Pumasok ka. Ibibigay ko sa iyo ang lahat ng gusto mo. Pero alam mo kung ano ang kapalit. Magiging akin ka. Akin lang hanggang gusto ko. Are you willing to be mine now?” bulong nito sa kaniya. Tumiim ang bagang ng lalaki at himbis na sumagot ay humakbang papasok sa bahay, hinawakan sa batok ang babae at mariing hinalikan sa mga labi kahit pa hindi siya bihasa sa larangang iyon. Umungol ang babae at gumanti ng mapusok at mas ekspertong halik. Malakas na sumara ang pinto subalit nilamon ng nagngangalit na bagyo ang ingay niyon. Pinagtakpan maging ang nangyayari sa loob ng bahay. Nang gabing iyon ay batid ng binatilyo na nakipagkasundo siyang ibenta ang kanyang pagkatao at kaluluwa. Wala siyang pakielam. Ang kapatid niya, ang kanyang anghel, ang lahat ng mabuti at malinis sa kanyang buhay, hindi niya hahayaang mapahamak ni madungisan. Para sa kapatid niya, handa niyang gawin ang lahat. Kahit pa maging demonyo rin siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD