SA mga sumunod na araw ay sumusulpot sa hospital room ko ang psychiatrist ko. Pero hindi na siya naging masalita na katulad nang unang beses siyang magpunta doon. Palagi, umuupo lang siya malapit sa kama, tahimik akong pinagmamasdan at sinisiguro lang na kumakain ako. Hindi ko maiwasang magtaka kung bakit siya ganoon. Hindi ba ang psychiatrist ay matanong? Nagsasalita hanggang magsalita rin ang pasyente niya? Si Dr. Martin, tahimik. Nakamasid lang palagi, parang tahimik na inaalisa ako. At sa totoo lang ay mas nakakailang ang katahimikan niya kaysa kung madaldal siya. Sa ikaapat na araw ay saka ko lang napansin na kahit papaano may nadulot sa akin ang araw-araw niyang pagsulpot sa silid ko. Dahil nagagawa ko nang kumain kahit papaano (nagsuka ako nang unang beses akong kumain sa ospita