Kabanata 5

2350 Words
“Bom, Cindy, huwag kayong makulit dito. Baka magising n’yo siya,” nananaway na tinig ng isang babae. “Eh, mas mabuti nga po kung gano’n, ‘di ba po? Para magising na po siya.” “Oo nga po, Ate Tams. Ilang araw na po siya diyan. ‘Di pa po siya nakakaligo.” “Bom! Kita mong masama ang lagay niya...” Mahihinang boses ang nagpagising sa ‘kin. Nanghihina ang buong katawan ko. My head’s throbbing painfully. “Ipatunog ko kaya ang mga kaldero, Ate Tams? Para po magising na po siya. Nakakaawa po kasi, ‘di pa po siya kumakain...” maliit ang boses na sabi ng isang batang lalaki. “Binabawi niya ang lakas niya. Mukhang sobrang hirap ng pinagdaanan ng babaeng ito...” sabi ng babaeng nagsalita kanina. “Sige na, lumabas na kayo, Bom at Cindy... kumain na kayo. Maaga pa ang pasok n’yo bukas.” Napagalaw ako sa kinahihigaan. Unti-unti ay naimulat ko ang mga mata. Unang sumalubong sa akin ang katamtamang liwanag mula sa bumbilyang nasa kisame at ang ilang gamu-gamong lumilipad dito. Napapikit ako sa matinding sakit na naramdaman ko sa kung saan-saang parte ng katawan. Ang ulo ko, palad, ang mga sugat sa braso, binti at mga paa. Sa sobrang sakit, tuloy-tuloy na umagos ang mga luha ko. “G-Gising na siya.” Boses ng babae ang pumuno sa loob ng kwarto. May tinawag siya. Hindi ko maituon doon ang atensyon at paningin dahil sobrang sakit ng mga sugat ko sa puntong nagsisisi akong nagising pa ako. I want to fall asleep again, and never wake up. I don’t want to face all these pain. Ayaw ko... ayaw kong maramdaman ang sakit. Parang bahang biglang dumaloy sa isip ko ang lahat ng nangyari nang gabing ‘yon. Parang kahapon lang... parang kanina lang. Parang nangyayari pa rin sa ‘kin hanggang ngayon. Pinilit kong bumangon. Pinilit kong maging malakas. Tuluyan akong nagmulat ng mga mata kahit puno iyon ng mga luha. Nasa isa akong maliit na kwartong gawa sa kahoy at kaunti ang mga kagamitan. Madilim at may lampara sa mesang nasa gilid kung saan nagmumula ang liwanag dahil hindi sapat ang liwanag mula sa bumbilya. May malaking bintanang nakabukas. Nanginginig na pilit akong umatras sa kama. Naririnig ko ang ulan sa labas na mas nakakapanghina sa ‘kin. I could hear voices in my head. Dinig ko ang buhos ng ulan gaya ng kung paano ito bumuhos ng gabing ‘yon, ang tunog ng mga dahon sa bawat paglapat ng mga paa ko habang tumatakbo palayo, ang tunog ng mga hayop sa masukal na gubat. Napapikit ako at tinakpan ang mga tenga ko. “H-Huwag! H-Huwag... m-maawa ka sa ‘kin. Maawa kayo sa ‘kin... please, p-pakawalan n’yo ako!” “Miss, huwag kang mag-alala... ligtas ka.” May humahawak sa balikat ko at pilit akong pinapakalma. Napapitlag ako. Pilit akong tumayo mula sa kama at tinungo ang pinto. Napaatras ang dalawang batang naroon at takot na lumabas, nanlalaki ang mga matang nakatingin sa ‘kin. Halos umikot ang paningin ko nang ilibot ang mga mata. Hindi ako basa. Hindi marumi ang suot ko. Walang puno... hindi ako natatamaan ng ulan. Walang... walang humahabol sa ‘kin. “N-Nasaan ako? S-Sino kayo?!” Luminaw ang paningin ko at nakita ang babaeng nakatayo sa gilid ng kamang pinag-alisan ko. Isang babaeng sa tingin ko ay kaedad ko lang. Naaawa ang mga matang tumingin siya sa ‘kin. Lumipat ang tingin ko sa dalawang bata, isang batang babae at batang lalaki. Siguro ay pito o walang taon. Hindi ko alam... hindi ko sila kilala. Anong nangyari? Bakit nandito ako? Anong lugar ito? S-Sinong nagdala sa ‘kin dito? “H-Hindi... ayoko rito! P-Pakawalan n’yo na ako! Uuwi na ako! Kailangan kong umuwi...” Pinawi ko ang mga luha ko pero sadyang ayaw nitong magpaawat. Walang kumilos sa kanilang tatlo, hanggang sa may marinig akong mga boses mula sa baba ng bahay. Sa pag-iisip na nasa kamay pa rin ako ng mga humahabol sa ‘kin ay tinungo ko ang malaking bintana. Bukas iyon at may puting kurtinang nakahawi sa magkabilang gilid. Sumandal ako rito at tiningnan sila habang puno ng luha ang mga mata ko. May mga pumasok sa loob ng kwarto, isang may edad na babae at isang matanda. Nanlalaki ang mga mata nito habang gulat na nakatingin sa akin, standing across the room. Nakahawak ako sa frame ng malaking bintanang nasa likod ko at puno ng takot. “Diyos ko po! Anong nangyari?” tanong ng may edad na babae. “Gumising siya’t naghihisterikal. Tingin ko’y kailangan natin siyang dalhin sa bayan,” sabi ng babaeng naabutan ko nang magising. “Ayos ka lang ba, hija?” nag-aalalang tanong ng matandang babae at lumapit sa ‘kin. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan. Naririnig ko ang ulan sa labas. I want to run away... I want to disappear. Hindi ko alam kung saan ako magiging ligtas. Humakbang ako paatras kahit ramdam ko na ang hamba ng bintana. Mababa lang ‘yon at pwede akong mahulog anumang sandali. Napasinghap ang mga naroon at takot na napatingin ang mga bata sa direksyon ko. “Mahuhulog ka riyan, hija! Diyos ko! Tawagin mo nga si Seatiel!” histerikal na sigaw ng matandang babae. “Tamsiah! Tawagin mo si Seatiel. Nasaan ba ang batang ‘yon?!” “La, ano hong magagawa ni Seatiel para sa babaeng ‘yan?” naiiling na tanong ng babae. “Anong nangyayari?” kalmadong tanong ng isang boses mula sa pinto kaya napatingin ang lahat doon. Nagtama ang paningin namin ng isang lalaki, in a white plain shirt at isang kupas na pantalon. Magulo ang buhok nito at may mga butil ng ulan ang damit. Ang mga mata nito ay diretsong nakatingin sa ‘kin. His eyes looked at me as if he’s expecting me to act like this. “Ako na, Tiel,” sabi ng babae at lumapit sa ‘kin. Hinawakan ako nito sa braso at pilit inakay. Umiling-iling ako. “Uuwi na ako. K-Kailangan ko nang umalis.” “Huwag kang matakot, Miss. Nasa ligtas kang lugar,” tanging sabi ng babae. Iniupo nila ako sa higaan at inabutan ng tubig. Pilit akong kumalma dahil ayaw kong gumawa ng eksena sa lugar na ‘yon. Lumapit sa akin ang dalawang bata. “Ate, okay ka lang po ba?” nag-aalalang tanong nila. Kahit nagbubutil ang pawis sa noo at leeg at hindi maganda ang pakiramdam ay tumango lamang ako. “Anong nangyari sa ‘yo, Miss?” “Paano ka napadpad sa lugar na ‘to?” “May mga humahabol po ba sa ‘yo?” Sunod-sunod ang mga tanong nila. “Ano ba kayo? Nakita n’yong hindi maganda ang lagay niya pero puro kayo tanong. Hayaan muna natin siyang magpahinga,” saway ng matandang babae at lumapit sa ‘kin. Puno ng pag-aalala ang mga mata niya. “Sige na, hija, magpahinga ka muna hanggang sa mabawi mo ang lakas mo. Huwag kang matakot.” Nanatili akong nakayuko. Natatakot ako sa lugar na ‘to. Paano kung malapit lang dito ang mga humahabol sa akin? Anong lugar ito? Nasaan ba ako? At sino ang nagdala sa akin dito? “P-Pasensya na po,” tanging usal ko. Isa-isa silang lumabas ng kwarto hanggang sa ang babae at ‘yong lalaking nasa hamba ng pintuan ang naiwan. “Magpahinga ka muna. Nagluluto sina Nanay para sa hapunan. Tatawagin kita. Kailangan mong kumain para bumalik ang lakas mo,” diretsong sabi ng babae at sinara ang bintana kaya bahagyang humina ang ulan at hindi na masiyadong narinig mula sa kwarto kung nasaan kami. “S-Salamat,” usal ko. “Tawagin mo kami kung may problema. Nasa baba lang kami,” paalam ng babae. Mahinahon ang boses niya ngunit hindi siya ngumingiti. Nakasuot siya ng puting sa tingin ko ay uniform. Naunang lumabas ang babae at naiwan ang lalaki sa hamba ng pintuan. Nakahilig siya roon at seryosong nakatingin sa akin. Sa tingin ko naman ay wala siyang balak kausapin ako. Dumaan sa pinto ang babae kaya napagkumpara ko ang kanilang height. The guy’s tall, may pagkamorenong kaunti. I really can’t tell his age pero sigurado akong hindi ito mas bata sa ‘kin. Hinintay siya ng babae bago ito tuluyang bumaba. Umiwas na ako ng tingin habang nakahiga sa kama. Nanghihina ang buong katawan ko sa pagod at sakit. I tried to close my eyes. I know that man. Siya ang lalaking bumaba sa kotse noong gabing ‘yon. Siya ‘yong hinarang ko sa daan. Pagmamay-ari niya ang kotseng ‘yon. Kung ganoon ay tinulungan niya ako... Iniligtas niya ako? Anong lugar ba ito? Ang dami kong gustong malaman... but the pain I’m feeling right now is making me want to just rest and never get out of this bed. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang umaga. Hindi ko alam kung paano ako gagalaw matapos ang nangyari. Ni hindi ko alam kung anong petsa na ngayon at kung gaano ako katagal nasa ganitong sitwasyon. Hindi ako makabalik sa pagtulog. I am so bothered with pain. Masakit ‘yon at mas pipiliin kong mamanhid. Kaunting galaw at nagsisikirot ang mga sugat. They’re all fresh wounds. May benda ang palad ko. May mga band aid kung saan-saang parte ng aking katawan at ang paa ko ay may benda rin. Mukhang napilayan at kumikirot iyon tagos sa buto. Is this my karma for running away? Kasalanan bang tumakas ako at piniling huwag magpakasal sa isang lalaking hindi ko kilala at hindi ko mahal? This is ridiculous... Tumayo ako mula sa kama at nilibot ang paningin sa kwarto. Wala halos kagamitan. I could tell it’s a really old house pero malinis ito at halatang mini-maintain naman. Iisa lang ang kama sa kwartong ‘yon. Hindi rin ganoon kalaki. Tinungo ko ang pintuan. I bit my lip to suppress my groan when I tried to open the door with my hand. Nagalaw ko ang sugat ko. Sumilip ako rito at nakitang madilim ang daan sa labas ng pinto. Hindi ko alam kung tulog na ba ang mga tao sa bahay na ‘to at kung gaano na kadilim sa labas. May isang kwarto sa tapat nito at may isa pang hallway na patungo sa kung saan. Naroon na rin ang hagdan pababa kung saan naririnig ko ang kalansing ng mga kagamitan sa kusina. Mukhang nagluluto nga sila. I stepped outside. Nilibot ko ang tingin sa buong palapag ng bahay. Kulay brown ang mga kahoy, a typical Filipino house in the province. Tinungo ko ang hallway na nakita ko sa halip na ang hagdan. Hirap ako sa bawat paghakbang. Ramdam kong may sugat ang talampakan ko at mukhang nagkaproblema pa sa buto ang kanang paa. Gosh, this is impossible... I need to go home. Kailangan kong makaalis sa lalong madaling panahon bago pa ako matunton ng mga humahabol sa akin. Babalik na lang ako sa Maynila, luluhod sa harapan ni Papa at magmamakaawa sa kaniya. Papayag na lang ako sa kung anong gusto nilang gawin ko. After all, I won’t be able to survive alive with just myself! Ayokong lokohin ang sarili ko. Mamamatay ako sa sitwasyon ko ngayon kung hindi ako babalik. May bintana sa dulo ng pasilyo. Sumilip ako roon at nakitang umuulan nga. Hindi ganoon kalakas pero basa ang lupa. Mukhang ilang araw nang umuulan. Sa hindi kalayuan mula sa natatanaw ng bintana ay may nakita akong maliit na kalsada. I don’t know what has gotten into my mind, ang tanging gusto ko lang ay umalis at lumayo sa kahit na sino. I don’t want to surround myself with people. I want to run away... May kataasan ang bintana ng ikalawang palapag. Sa gilid ay may nakita akong lumang hagdan na yari sa kahoy. Mukhang patungo sa likod ng bahay. Pinanuyuan ako ng lalamunan habang tinitingnan ito. Parang mababali yata ‘yon sa oras na tapakan ko. Baka imbes na makaalis, makadagdag pa ako sa problema ng mga tao sa lugar na ‘to. Pinili ko na lang ang bintana. May mapaglalambitinan dito at hindi ko kailangang talunin ang buong taas. Inihakbang ko ang paa kong walang balot na tela sa bintana at mahigpit na hinawak ang kabilang kamay sa hamba. I tried to support it with my other hand, pero hindi nakikisama ang sugat doon. Sinalubong agad ako ng malamig na hangin. Hindi pa ganoon kadilim sa labas pero nakalubog na ang araw. Nang tuluyang makahakbang sa labas ay nilingon ko ang pasilyo kung saan ako galing. Wala pa ring tao. Mukhang nasa kusina silang lahat at abala. Umihip ang malakas na hangin at tinangay ang suot kong bestida. Napasinghap ako at pilit ‘yong binaba. My God, I have to get out of here! “What are you doing?” Napasigaw ako nang may biglang magsalita sa baba. Napatingin ako rito at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ang lalaki kanina. Nasa baba siya at nakasandal sa dingding, may sigarilyo sa bibig at salubong ang kilay na nakatingala sa ‘kin, nagtataka sa ginagawa ko. Nagtama ang paningin naming dalawa. Ginapangan ako ng takot. Sa lahat ng lalaking nakatinginan ko na, he surely has the most intimidating yet playful eyes. Nakadagdag pa roon ang humaldo niyang panga at ang makapal na kilay, bumabagay sa malalalim niyang mga mata. Magsasalita pa lang sana ako nang muli na namang humangin at nilipad ang dress ko. Nanlaki ang mga mata ko nang tumingin siya roon at nagtagal ang kaniyang mga mata. Napasigaw ako habang pilit inaayos ang suot ko. “A-Anong ginagawa mo? H-Huwag kang tumingin!” Sumaglit lang ang mga mata niya sa mukha ko. He smirked as if mayroong nakakatawa! “I told you not to look! Pumikit ka!” sigaw ko sa kaniya. ‘Di ba nakakaintindi ang lalaking ‘yon? “Hindi ako pwedeng pumikit. Baka mahulog ka at hindi kita masalo.” “Wala akong pakialam! I don’t care! Huwag kang tumingin!” sigaw ko. Gusto kong mapamura. Nakita niya na ang hindi dapat makita!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD