Prologue
Hazel POV
“Where is Blair your sexy and hot assistant, dude? Hindi na ako gaganahang magpunta dito sa kompanya mo, your new assistant looks funny and weird. Her big glasses and long skirt are killing me”
Narinig kong turan nang kaibigan ni sir Greyson na si sir Andrew. Dalawang buwan na simula nang bagohin ko ang sarili ko. I’ll become Hazel Almonte the Nerd. Hindi ko na ginamit ang apelyido nang ama ko na Baltazar ginamit ko ang apelyido nang aking ina na Almonte. Dahil sa matalik kong kaibigan na si Alona kaya nakapasok ako bilang assistant sa multi-billion company nang Filipino American na si Greyson Lewis……
“I picked her to be my assistant para marami akong magawang trabaho and for sure I’m not going to lay my eyes on her and I'm not ‘going to feel lust towards her because of her looks. Hinding-Hindi ako magkakagusto sa katulad niyang nerdy; that looks like an old maid from a different planet. I fired Blair because she kept wanting me to fvck her inside my office and I’m done with her” Turan ni sir Lewis.
Malakas na nagtawanan ang magkaibigan. Hindi nila napapansin na kanina pa ako nakatayo sa may pintoan.
“Kahit naman sino hindi gaganahan na makita ang bago mong assistant. Sa pananamit pa lang nakakatawa na. She’s wearing long sleeves and long skirt, big black glasses, braces and the big mole on her left cheek looks so disgusting—”
Hindi naetuloy nang kaibigan ni sir Lewis ang iba pang panglalait nito sa akin nang tinapik ni sir Lewis ang kamay nito at inginuso ako. I’m not bothered at all sa mga sinasabi nila about me dahil ang totoong ako ay nakatago lamang sa kataohan na binuo ko para matakasan ko ang kasamaan nang ama ko at nang kapatid ko.
“Mga lalaking mahilig sa babaeng kung manamit halos kita na ang kaluluwa” sigaw nang isip ko.
Lalong hindi ang katulad ni sir Greyson Lewis ang tipo kong lalaki na parang damit kong magpalit nang babae. Kahit na ubod pa eto nang gwapo at makalaglag panty ang katawan hinding-hindi ako magkakagusto sa kanya.
Sa dalawang buwan kong pagiging assistant niya hindi ko na mabilang ang mga babaeng naglabas-pasok sa opisina niya at ilang beses na akong napaaway sa telepono sa mga babaeng gusto siyang makausap na kabilin-bilinan nang boss kong playboy na hindi siya tatanggap nang tawag mula sa isang babae.
“Sir I just want to remind you about your meeting at three o'clock” turan ko nang makalapit ako sa mesa niya. Nakikita ko sa gilid nang mata ko ang pagpasada ni sir Andrew sa kabuoan ko at ang pagtaas nang gilid nang labi ni sir Lewis na halatang pinipigilan ang mangiti dahil sa ginagawa nang kaibigan niya.
“Men always be men. Mahilig sa mga sexy at magandang babae” sigaw nang isip ko.
Sanay na ako sa mga katulad nila. When I was an assistant nang bilyonaryong si Cole Ortega maraming mga katulad nila ang nagpapansin sa akin. Hinahangaan ko ang boss ko noon na si sir Cole dahil ibang-iba eto sa mga bilyonaryong nakasalamuha ko na. May mga naging kasintahan eto pero hindi eto katulad nang iba na babaero. Mabait at mapagmahal sa lola at sa kasintahan niyang mas bata sa kanya si sir Cole. Kaya hindi ko siya maaatim na gawan nang masama dahil napakabait niya sa akin at sa kapatid ko. Kahit malapit ako sa kanya hindi hihigit sa pagiging magkaibigan ang paghanga ko sa kanya.
Isang beses lang ako nagkaroon nang kasintahan noong first year college ako. Ayaw nang magulang nang nobyo ko sa akin dahil mahirap ako at mayaman sila. Isang taong tumagal ang relasyon namin hanggang sa nawala na lang eto at hindi na nagpakita sa akin.
Ang buong buhay ko ay nilaan ko sa nakababata kong kapatid na may sakit. Kapatid ko sa ina na mahal na mahal ko.
“Miss Almonte I want you to finish all the papers I gave you earlier. I’ll need that tomorrow. Huwag kang uuwi hanggang hindi mo natatapos ang lahat nang ‘yon”
“Okay, sir. May ipaguutos pa po ba kayo?”
“I’ll call you if I need anything. You may go”
Tumalikod na ako at naglakad patungo sa pintoan. Bago ko pa mabuksan ang pintoan muling nagsalita si sir Andrew ang kaibigan ni sir Lewis……
“Miss Almonte hindi ka ba naiinitan sa suot mo?”
Malakas na tawanan ang pumuno sa buong opisina ni sir Lewis. Kahit hindi ako lumingon sa kanila alam ko na ang tawa nang babaero kong boss dahil araw-araw lagi niyang pinagtatawanan ang mga kasuotan ko. Tinatawag niya pa ako na Nerdy……Lumingon ako sa kanila na ikinatigil nila sa pagtawa.
“No sir, I’m comfortable with what I’m wearing” I uttered. Ngumiti ako sa kanila nang matamis para ipakita sa kanila na walang epekto sa akin ang mga pagtawa nila at panglalait sa akin. Titig na titig ang magkaibigan sa akin.
“I’m just at my table sir if you need me” turan ko. Binuksan ko na ang pintoan at nang makalabas ako pabagsak akong naupo sa upoan ko. I sighed. Hindi lang naman si sir Lewis at ang kaibigan niya ang pinagtatawanan ako kundi ang mga nakakakita sa akin sa loob nang kompanya. Mas gustohin ko nang pagtawanan ako at pahirapan ni sir Lewis araw-araw kaysa mahanap ako nang ama ko at nang kapatid kong si Loraine. Alam kong malaki ang galit nila sa akin dahil nalaman nilang sinabi ko kay sir Cole ang mga plano nila.
“Haisst mukhang gagabihin na naman ako sa pag-uwi, ang dami ko pang papel na tataposin. Ang sama-sama talaga nang afamlicious na si sir Lewis” mahina kong turan.
Nang una kong makita si sir Lewis nang araw nang interview ko natigilan ako dahil siya ang afam na matatas na managalog ang nabangga kong sasakyan noon at tinawag akong crazy woman dahil sa itsura ko noon na nagkalat ang eyeliner ko sa mukha dahil sa pag-iyak ko.
“Paano kaya pag nalaman nang playboy kong amo ang totoong pagkatao ko? Lalaitin niya pa kaya ako?” sa isip ko. Muli kong hinarap ang sandamakmak na papeles na pinagagawa ni sir Lewis.
Sa loob nang dalawang buwan na pamamasokan ko sa kanya puro pahirap at panglalait ang ginagawa niya sa akin.
“Pasalamat siya at kailangan ko nang trabaho dahil sa kapatid ko at sa takot ko na mahanap ako nang ama ko kaya hinahabaan ko ang pasensya ko sa kanya kong sa ibang pagkakataon baka sinapak ko na siya at nilantad ang tunay kong pagkatao para hindi niya na ako lait-laitin……