Chapter 3

1122 Words
“Huwag!” malakas siyang napasigaw nang biglang may humila sa kaniyang kamay. “Gusto mo ba maaga ang pagkamatay mo?!” At sa isang kisap lang ng mata, naisandal siya nito sa malaking puno na iba’t iba ang kulay ng dahon at kumikinang. Tulirong nagtaas siya ng tingin at nakita ang lalaking tumulong sa kaniya kanina at nagngangalang Orion. Ang lakas ng tahip ng kaniyang dibdib na parang mabibingi siya sa lakas. Nakaramdam siya ng hiya at agad na nagbaba ng tingin. Ginawa lang naman niya ang sa tingin niya ay tama. Galit ang nababasa niya sa mga mata nitong kulay asul at hindi niya alam kung paano pakiharapan ang galit ng binata. “Gusto ko lang naman makaalis sa lugar na ito!” tigmak sa luha ang kaniyang mata nang magtaas siya ng tingin. “Pero sa ginawa mo, binigyan mo lang ng rason ang sarili mong malagay lalo sa panganib! Nasa Znthra ka. Sinabi ko na sa`yo ano ang dala ng Znthra. Kamatayan! Kamatayan sa maling galaw mo.” “Iyon na nga, kamatayan at ayuko pa mamatay. Ang gusto ko lang makabalik sa totoong mundo…” napasigok siya. Nagsimulang bumuhos ang kaniyang mga luha na parang ulan sa kalangitan, walang tigil iyon. “Hindi madali ang hiling mo.” “Paano ba padaliin ang kagustuhan kong umalis? Hindi ako nababagay sa lugar na ito, sa larong ito.” “And so were we,” mabilis nitong putol. “Naiintindihan mo naman siguro ang sinabi ko. Hindi madali ang umalis sa mundong ito.” Hindi siya umimik. Hinayaan lamang ni Amulet ang kaniyang mga luha sa pagpatak. Kung makakatulong ang pag-iyak niya para mapadali ang kaniyang pagbalik sa totoong mundo, gagawin niya iyon hanggang sa manakit ang kaniyang mata. “Look, I am trying to help you. But you should trust us first if you want us to help you get out of here. Believe me, lahat tayo rito iisa ang kagustuhan; ang makaalis sa mundong ito. Bumalik tayo sa Gudgeon. Hindi safe rito sa kagubatan lalo na sa tulad mo.” Mabilis niyang pinunasan ang mga luha nya. “Gudgeon?” “Pangalan ng Guild Territory na binuo ko. Ngayon kung gusto mo maging hapunan tayo ng mga halimaw rito, bumalik na tayo lalo na at papalapit na ang dilim.” Napakagat siya ng labi at marahan tumango. Ayaw niyang maging hapunan ng halimaw na sinasabi nito kaya sasama siya. Sasama siya ulit sa teritoryong tinakasan niya. “Here.” Nagulat siya nang hawakan nito ang kaniyang kamay. Napatingin siya sa kamay nitong nakahawak sa kaniya at matagal na napatitig dito. Ramdam niya ang mainit na daloy ng kuryente mula sa katawan nito. Parang totoong-totoo. “Lahat dito mararamdaman mo. Kasama na ang sakit kung paano ka mamamatay sa kamay ng mga halimaw.” Nakagat niya ang labi. Tumalab ang sinabi nito dahil ngayon ay natakot na siya sa possibleng mangyari sa kaniya. Hindi nga ‘di ba hinabol siya ng osong itim na kulay dugo ang mata kanina? Kaya possibleng hindi lang uso ang makakasalubong niya kung nagkataon. Bigla siyang pinanginigan sa naisip. Tahimik siyang sumunod sa lalaki. Wala siyang imik habang nakasunod sa bawat hakbang na ginawa nito. Pinagmasdan niya ang magkahawak nilang kamay, na sana si Zach ang gumawa sa bagay na ito at hindi ang lalaking nasa harapan niya ngayon. “Malaki ang Znthra at ngayon, nasa Forest City ka. Malaki ang gubat na ito at bago ka pa makakalayo, bangkay ka ng bubulagta sa unahan. Naiintindihan mo ba? Hindi ka pumunta rito para tumakbo at hahabulin ng kahit sino sa'min. Buhay ang nakatalaga rito. Ngayon, kung gusto mo mabuhay at makalabas ng buhay sa mundong Znthra. Huwag na huwag mong susubukan lumabas kung wala kang alam paano sila lababan.” Nalakagat siya ng labi. Tama ito. Ngayon lang dahan-dahan lumilinaw sa utak niya na ang larong Znthra ay hindi pwede sa mga mahihina. Hindi ito pwede sa mga taong hindi alam paano lumaban. Dapat niyang tanggapin na nasa isang virtual reality game siya kung saan kinokontrol ang bawat utak ng manlalaro. Hindi lang utak, kundi pati buhay ng bawat isa sa kanila. Sunod-sunod na nagsipatakan ang kaniyang mga luha kahit anong pigil niyang ‘wag mapaiyak. Hindi niya ito ginusto. Walang may gustong pumasok sa Znthra. Hindi siya baliw para sa larong ito na buhay ang kapalit para makaalis at makalaya. Hindi pa siya nababaliw. Dati pa man, binalaan na siya ni Zach na ‘wag na ‘wag subukin laruin ito kung sakaling umabot na ito sa Pinas dahil panganib ang dala. Napasigok siya. Natigilan naman ito at huminto sa paglalakad. “Makinig ka, walang lugar sa mundong ito ang luha. Para lang ‘yan sa mga mahihina. Ngayon, kung may rason ka para bumalik sa totoong mundo; matuto kang lumaban dito.” “H-hindi ko ginustong mapunta sa lugar na ito…” “Alam ko.” Nagtaas siya ng tingin at kitang-kita niya ang matiim na titig nito sa kaniya. “A-alam mo?” Bahagya itong napailing sa kaniyang naging tanong. Itinaas nito ang kaniyang kabilang kamay at mula roon, may pinisil ito sa kaniyang braso. Lumabas ang hologram sa hangin at kahit nalilito siya sa ginagawa ng lalaki ay mataman siyang naghintay. “Isa itong holographic screen. Dito mo makikita ang lahat ng naipon mong items, gold coins at diamonds. Dito mo rin makikita kung anong level, strength na meron ka, agility, life percent. Nasa isang virtual reality massively multiplayer online role-playing game ka. Isang laro pero sa larong ito, walang respawn. Walang unlimitted life at walang extra-life.” May pinindot ito sa screen at lumabas do’n ang kaniyang identification data. Name: Amulet Gavierra Age: 21 years old Level: 1 Items: 0 Coins: 0 Diamonds: 0 Class: Healer Nagulat siya ng makita ang kaniyang mukha ro’n sa screen at ibang detalye na hindi kayang tunawin ng kaniyang utak. Pakiramdam ni Amulet, mababasag ang kaniyang ulo sa sakit. Hindi pa rin pumapasok sa kaniyang utak ang lahat kahit nasa harapan niya na ito. “Ganiyan ka kahina. Sa mundong ito, hindi ka aabutan ng isang minuto. Amulet Gavierra. Isa kang Healer pero dahil isa kang baguhan sa lugar na ito, walang silbi ang pagiging Healer mo. Ngayon, habang nasa teritoryo ka namin. Huwag kang gumawa ng hakbang na ikakapatay mo agad dito. Tandaan mo, walang extra life. Walang respawn.” Humarap ito sa kaniya matapos mawala ang hologram screen. Habang siya, hindi niya makapa ang boses. Natulala lang siyang nakatingin dito at sunod-sunod na pumatak ang mga luha sa kaniyang mata. Sana panaginip lang ito! Sana panaginip lang ang lahat. Sana… “Amulet…” humugot ito ng malalim na buntunghinga at hinawakan ulit ang kaniyang kamay. “Tayo na.” Walang kibong sumunod siya sa lalaking hindi man lang niya kilala ang pangalan. Gusto niyang makalabas sa larong ito. Gusto niyang bumalik ng buhay sa kaniyang pamilya. Marami pa siyang gustong gawin. Hindi siya pwedeng mamatay sa loob ng larong ito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD