Kabanata 2

2021 Words
"Calista, huwag mong pasasakitin ang ulo ng mga tao dito naintindihan mo ba ako?" agad akong napatango sa sinabi ni lolo, walang emosyon ang aking mukha.  "As if I have a choice." sabi ko sa kanya. "Hija, patawad kung masama ang loob mo, ngunit wala na akong magagawa. Kailangan mong maranasan ang mga bagay na salungat sa buhay na iyong nakasanayan." pagpapaliwanag niya pa sa akin. Kahit anong paliwanag niya, hindi ko pa rin kayang maintindihan kung bakit ganito. Nagsasayang lang sila ng oras sa akin. "Sure, I can handle this. I will prove to you na magbabago na ako. Totoo na talaga to." sabi ko sa kanya. Napangiti naman siya ng malungkot. Hinalikan niya ang aking noo at nagpaalam na. Hindi ko talaga alam kung hanggang kailan ako mananatili dito. Sigurado naman akong bibisitahin ako ng kahit na sino sa pamilya ko. Lalo na si kuya. "Maligayang pagdating sa Hacienda de Marcelo, Miss Calista." sabi ng babaeng sumundo sa amin kanina. Nagising nalang ako kanina, nasa tapat na ako ng isang Hacienda. Ang babaeng ito ang naghihintay sa amin kanina. Siya ata ang naatasang mag "welcome" sa akin dito. "Calista nalang. Total magiging alila rin naman ata ako dito." sabi ko sa kanya. Napatango nalang siya, wala yata siyang masabi.  Pero totoo naman kase, sigurado akong pinadala ako dito para pahirapan. Dahil paano ba ako matututo kung magiging donya rin ako dito? Yan ang sabi ni lolo kanina. May magagawa ba ako? May magagawa ba sila? Wala. Agad niya akong nilibot sa Hacienda. Masasabi kong maganda nga ang Hacienda de Marcelo. Maganda ang tanawin. Maganda ang mga lupain. Malinis rin ito. Halatang inaalagaan ng mabuti. Masasabi ko rin na sariwa ang hangin dito. Mababait rin ang mga tao. Marami kase kaming nakakasalubong habang nililibot ako ng kasama kong babae. Hanggang ngayon ay di ko pa rin alam ang pangalan niya. Hanggang sa nakarating kami sa parang isang sapa. May sapa ba talaga ang mga Hacienda? Hindi ko alam. Ito ang unang beses na nakapunta ako sa isang Hacienda. First time ko ito, nakakalungkot lang na hindi maganda ang dahil kung bakit ako napunta rito. Kung sa ibang pagkakataon ako napunta dito. Mas ma-aappreciate ko pa ng maayos ang buong Hacienda. Kaso kahit gaano ito kaganda, kalinis, at kahit gaano man kasariwa ang hangin at kaganda ang mga tanawin. Hindi ako gaanong masaya. Dahil alam ko na hindi ito ang dahilan kung bakit pinapunta ako rito. "Ito po ang pinakamagandang sapa sa Hacienda de Marcelo. Sapa Clara po ang tawag nila dito." saad ng babaeng kasama ko. Napag-alaman kong Haida ang pangalan niya, iyon ang tawag sa kanya ng mga taong nakasalubong namin. "Ah, pinakamaganda? Ibig sabihin ba nito may iba pang mga sapa?" kuryusong tanong ko sa kanya.  "Opo, may sapa doon sa kabilang dako ng Hacienda. May mga sapa rin sa labas ng Haciendang ito." saad niya.  "Sapa Clara ang tawag sa sapang ito dahil ipinangalan ito sa nakababatang kapatid ni Don Griego, si Clara." dagdag pa niya. Oh really? So meaning may sapa rin na ipinangalan sa Don Griego na iyon? oh wow. "Don Griego?" sino ba ang lalaking iyan? "Opo, ang tagapagmana. Sa kanya ho ata kayo magtatrabaho eh." sabi niya, kaya naman ay tumaas ang kilay ko. Bakit kailangan niya pang ipalala sa akin na nandito nga lang pala ako para mag trabaho. Sa ilang sandali aking nilibot sa Hacienda. May mga pagkakataon na nakalimutan ko kung bakit nga pala ako nandito. Lalo na noong dinala ako dito ni Haida sa Sapa Clara. Parang ang sarap pala talagang mamuhay dito.  Nang makaalis na kami sa sapa ay agad naming pinuntahan ang parang isang kubo. Ngunit kubo ba talaga ito? Masyado itong malaki para tawaging kubo. Para siyang bahay na gawa sa Nipa. I can't say that it's a hut. It's too big for a hut and a kubo. Maybe it's a house made of things that are used to make kubo and huts. "This house is for what? Para saan ang bahay na ito?" tanong ko kay Haida. Agad naman siyang napangiti. Palangiti pala talaga ito. Sana lahat masaya. Pero hindi naman siguro porket nakangiti ka, masaya ka na. "Dito po nagpapahinga minsan ang ilang mga trabahador kapag hindi na nila kaynag umuwi. Pinagawa talaga ito ni Don Griego para sa kanila." ang bait naman pala ng Don na ito. Sana mabait rin siya sa akin. Dahil kung hindi, edi wag. Hindi rin ako magiging mabait sa kanya. I will treat him the same way he'll treat me. I will surely respect him. Nasa kanya na iyon kung gagawa siya ng bagay na magiging dahilan ng pagkawala ng respeto ko sa kanya. "Is he..uh..okay? Mabait ba siya?" Tanong ko kay Haida. Mabuti nang malaman ko. "Opo! Sobrang bait niya nga eh. Handa siyang tumulong kahit anong oras nang walang hinihinging kapalit. Hindi siya marunong magalit talaga eh. Tapos kaya ka niyang bigyan ng hanap buhay. Tapos..tapos ano, kahit marami siyang pera, hindi siya mayabang, hindi niya ginagamit ang posisyon niya para mang api. Ginagamit niya pa nga ito para makatulong! Grabe diba? Sobrang blessed niya talaga tapos blessing rin siya para sa mga tao. Tapos..hmmm...tapos-" pinutol ko na kaagad ang sasabihin niya. "Oh my gosh, stop it! Anuba. Para kang pinya, kaso hindi mata ang marami sa'yo. Kundi bibig, gosh ang daldal mo. Tinanong ko lang naman is he's nice. You can just say yes or no, hindi ako humingi ng essay!" Sabi ko. Kaya natigilan siya at tumango tango. Mukhang natakot ko ata. I didn't mean it! Ang ingay kase niya. "S-sorry po." sabi niya sa akin. Tumango nalang ako. Mabuti nalang pinigilan ko siya! Dahil kung hindi, mukhang may balak pa siyang gumawa ng essay sa yellow pad paper tapos back to back! Pagkatapos niya akong ilibot sa napakalaking kubo, agad na kaming lumabas. Pupunta na raw kami sa aking kubo. Sabi niya kanina, sa isang kubo raw ako titira habang nagtatrabaho ako dito. Well, I don't have a choice. I guess a kubo is enough for me. Mag-isa lang naman ako doon. I just hope na safe doon. Habang papunta kami sa aking kubo. Nadaanan namin ang isang putikan kung saan may mga kabayo, mga trabahador, at iba pa. Mabuti nalang talaga at nag boots ako. Dahil kung hindi, malamang puro putik na rin ang paa ko. My gosh, hindi naman siguro parte ng trabaho ko ang paglusong sa putik diba? I mean, ano ba ang trabaho ko? Ang alam ko lang, sa Don Griego ako magtatrabaho. "Haida?" tawag ko sa kanya habang naglalakad kami. Agad naman siyang napatigil at lumingon sa akin. "Bakit po?" sagot naman niya. Bakit ba ang bait niya? Na-guilty tuloy ako sa sinabi ko sa kanya kanina. Ang ingay niya kase eh. Medyo nainis lang naman ako.  "Sino ba iyong Don Griego? Matanda ba siya? like, matandang mayaman na madaling mamatay? ganoon ba siya? Pangit ba siya?-" agad akong napatigil sa pagsasalita nang maramdaman ko na may putik na tumama sa aking mga mukha, pati na sa kamay ko, sa aking damit, sa aking buhok. Oh my gosh, sa buong katawan ko! What the hell?! Napasinghap naman ang mga tao sa paligid namin. Pati si Haida. Agad nahanap ng mga mata ko ang may gawa nito. Napatingin ako sa nag-iisang tao na nakangisi ngayon sa harapan ko. Nakahubad siya, tanging pantalon at boots lamang ang mayroon siya. Maganda ang kanyang pangangatawan. Kayumanggi. Matangos ang ilong, maganda ang kayumanggi niyang mga mata, gwapo ang pagmumukha. Matikas rin siya. Tall, dark, and handsome kumbaga. Puno ng putik ang kanyang katawan ngunit hindi sagabal iyon para makita mo ang maganda niyang pangangatawan. Pero wala akong panahon para purihin siya ngayon dahil sa ginawa niya. Base sa nakikita ko. May mga putik ang kamay niya kanina, parang winisik wisik niya ang kanyang mga kamay na puno ng putik papunta sa direksyon ko. Halatang sinadya niya iyon! "Ano bang problema mo!?" singhal ko sa kanya habang dinuduro duro siya. Napasinghap naman ang mga tao. Agad na nanlaki ang mga mata ni Haida, hinawakan niya ang braso ko na para bang pinipigilan ako na atakihin ang lalaking nasa harapan ko.  Napataas ang kilay ng lalaki. Mas lumapad pa ang ngisi niya dahil sa singhal ko! Ang gwapo niyang tingnan pero bigla siyang pumangit sa harapan ko pagkatapos ng ginawa niya sa akin. Ano ba talagang problema niya? Inaano ko ba siya. Halatang sinadya niya iyon! "Sinadya mo iyon eh! Nakita ko mismo. Inaano ba kita ha!? Ganyan ba kayo sa mga bisita niyo?" singhal ko ulit. Lumapit lang siya sa akin at tiningnan ako ng mariin. My gosh! Kung hindi niya lang ginawa iyon kanina sa akin baka crush ko na siya! Pero ang pangit ng ugali grabe. "Wala naman, Miss. Trip ko lang." he chuckled after saying that. God! even his chuckle sounds so handsome. Naku talaga! Pero teka, anong sabi niya? trip niya lang? Oh no, hindi niya ata alam na maikli lang ang pasensya ko. Lumapit rin ako sa kanya at tiningnan siya ng mariin habang siya ay nakangiti lang sa akin. Lahat ng mga mata sa paligid namin ay sa amin rin nakatuon na para bang nasa isang pelikula kami. "Ang pangit mo." diin ko sa kanya. Well, hindi totoo iyon ngunit kailangan ko itong sabihin sa kanya. Agad siyang natigilan. Pati na rin ang mga tao sa paligid namin. Nanlaki ang mga mata niya. Bingo! Ito lang pala ang makakatalo at makakatibag sa kanya. Ang sabihan siyang pangit. Kaya naman, agad akong lumayo sa kanya at ngumiti. Ano ka ngayon? "Pangit na nga mukha mo, pangit pa ugali mo. Ayusin mo naman, kawawa ka eh, walang maganda sa'yo." mas lalo pang napakunot ang noo ng lalaki dahil sa aking sinabi. Nag bulong-bulongan naman ang mga tao sa paligid. Agad kong nilingon si Haida. "Halika na Haida, kailangan ko na rin namang magpahinga pagkatapos kong makakita ng pangit." saad ko sa kanya. Nauna na akong maglakad sa kanya. Dali dali naman siyang sumunod sa akin. Mukhang may gusto ata siyang sabihin. "Calista, ano kasi, ang lalaking iyon ay-" agad ko siyang pinutol. "Ay pangit? arrogante? masama ang ugali? mabaho? maputik? ganoon ba? Kung ano man ang sasabihin mo. I already know that, no need to remind me kung gaano kasama ang pagmumukha at ugali niya." tinikom niya ang kanyang bibig at tumango. Pinauna ko na siya papunta sa kubo ko dahil hindi ko alam ang daan papunta doon. Hindi pa man kami nakakarating doon, parang mapuputol na ang paa ko. Bakit naman sobrang layo ng kubo ko? Sobrang layo talaga parang ayaw ko na. Pagod na ako. Sasabihan ko na sana si Haida na magpahinga muna kami ngunit bigla namang tumunog ang kanyang cellphone. Kaya tumigil muna kami. Umupo ako sa isang malaking bato habang nakikipag-usap si Haida sa tumawag sa kanya. Hindi ko man marinig ang pag-uusap nila, nakita kong tumango tango si Haida. Isa pa, wala naman akong intensyon na makinig sa pag-uusap nila. Hindi naman ako interesado. Mabuti na lang at masyadong matagal ang kanilang pag-uusap kaya nakapag pahinga ako ng maayos. Ilang sandali pa. Natapos na ang tawag ni Haida. Tumingin siya sa akin at naglakad siya papunta sa pwesto ko. Kaya naman, agad akong tumayo. "Tara na-" pinutol niya ang sasabihin ko. "Uhm, Calista, ano kasi. Sabi ni Don Griego, nandoon raw sa unahan ang kubo mo. Nagbago na daw ang isip niya. Kaya kailangan nating bumalik doon. Pasensya ka na, biglaan kasi." sabi niya habang nakayuko. Natatakot ata sa magiging reaksyon ko.  "What??!!!" sigaw ko. Sino ba naman kasi ang matutuwa. Nilakad ko ang lahat ng ito para lang sa wala? Naputikan pa ako ng lalaking iyon kanina! Jusko naman, nagsayang lang kami ng oras. "NO! Isang malaking no! Tawagan mo iyang Don Griego na yan. Sabihin mo sa kanya malapit na tayo sa kubo ko kaya bakit iibahin niya? Pagod na ako! Pagod ka na rin for sure. Tawagan mo dali!" saad ko sa kanya. Napasapo ako sa aking noo. My gosh! Ilang oras pa lang akong nandito, na-iistress na ako! Oh my gosh! Kaya ko ba talagang tumagal dito? Parang hindi eh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD