PROLOGUE
***** CARA *****
“HON, tinatanong ka ni Father.” Bahagyang siniko ni Evo ang babaeng nakasuot ng wedding gown sa kanyang tabi dahil minuto na ang lumipas ay hindi pa rin ito sumasagot sa tanong ng pari para rito.
Nagtataka na ang hitsura ng pari. Pati na rin ang lahat ng taong nasa likuran nila.
“Huh?!” Kitang-kita ang pagtataka nang nagulat naman na si Cara Robiego.
“Are you okay?” untag ulit sa kanya ng lalaki.
Maang na napatitig si Cara sa mukha ng lalaking guwapong-guwapo sa kasuotan nitong tuxedo. Until she already remembered what was happening.
Ngayon ay December 7, 2019, at kasalukuyang nagaganap ang pinakamasayang araw sa buhay niya. Ang ikasal siya sa lalaking pinakamamahal niya, kay Evo Alfuente.
“O-oo naman, I’m fine,” sagot na niya dahil kung hindi ay pagsisisihan niya na hinayaan siyang lamunin ulit siya ng hindi niya napipigilang antok tuwing umaga, kahit pa na ang haba ng oras na itinutulog niya tuwing gabi.
Evo reached for her hand and squeezed it firmly. Ngumiti rin ito sa kanya, sinasabing magiging maayos ang lahat kaya huwag siyang kabahan. Inakala yata ng kanyang groom na ninerbyos siya. Wala pa kasi itong alam tungkol sa kakaibang nangyayari sa kanya.
“I’m sorry,” she whispered.
“I love you,” and Evo mouthed.
Nagngitian silang dalawa.
“Father, we’re sorry about that. Ninerbyos lang po ang aking bride. Continue na po natin,” pagkuwa’y pakiusap ni Evo sa pari na nagkakasal sa kanila.
Tumango ang pari and for the second time ay tinanong nito si Cara. “Do you, Cara, take Evo to be your lawfully wedded husband?”
“I do, father,” mabilis na na sagot ni Cara.
Ang mga taong nagmamahal sa kanila, na ngayon ay mga saksi sa pag-iisang dibdib nila, ay pare-parehas nang nakahinga. Inakala kasi nila na merong problema kaya hindi agad nakasagot kanina si Cara.
Saglit nga lang ay napuno ng palakpakan at ingay ang simbahan, hudyat na tapos na ang matrimonyo ng kasal nina Cara Robiego at Evo Alfuente. Masayang-masaya ang lahat, lalo na syempre ang dalawang bagong kasal.
“Anong nangyari kanina? Bakit hindi ka nakasagot agad sa pari?” usisa ni Eunice kay Cara nang sa wakas ay makapagsolo sila na magkaibigan sa reception.
Cara and Eunice were best friend for like a decade now. High school pa lang sila noong nag-umpisa ang kanilang friendship. Hindi na sila mapaghiwalay since then kaya naman kahit ang kursong kinuha nila ay pareha noong napunta na sila sa college. Sila ngayon ay pareho nang elementary teacher. Kapwa sila nagtatrabaho sa isang private school.
“Eunice, nangyari ang kinatakutan ko,” pag-amin ni Cara sa kaibigan.
Eunice’s eyes went wide. “You mean nakaidlip ka kanina na hindi mo na naman namamalayan?”
Kagat ang pang-ibaba niyang labi ay tumango siya. “At natatakot na talaga ako? Ano ba itong nangyayari sa akin, Eunice?”
Ang totoo ay madalas na kasi ang ganoong nakakaidlip siya. Noong una ay inakala nilang parehas ni Eunice na gawa lamang sa pagod niya sa trabaho o dahil kulang sa tulog lang siya sa gabi, pero hindi nagtagal ay siya na rin ang nakapansin na hindi na normal talaga ang nangyayari sa kanya. Kahit kasi matulog siya ng maaga sa gabi ay ganoon pa rin na nakakaidlip siya nang hindi niya namamalayan pagsapit ng umaga. Minsan nga habang nagtuturo siya ay bigla na lamang siya natumba. She hadn’t felt weak, or sick, or even sleepy tapos biglang ganoon na lang ang nangyari. No warning, no aura. Takot na takot tuloy raw para sa kanya ang kanyang mga estudyante na mga grade two that time.
“Sa tingin ko ay kailangan mo nang magpatingin sa especialista, Cara. Hindi na biro iyan,” wika ni Eunice.
“Sa tingin mo malalang sakit ito?” balik-tanong niya na nababahala.
“Hindi natin masasabi hangga’t hindi ka nagpapa-check-up. Pero saka mo na isipin iyan dahil baka masira lang ang mood mo sa kasal niyo ni Evo. Dapat maging masaya ka ngayon. Don’t worry dahil nandito lang naman ako sa tabi mo. For now, enjoy mo muna ang moment niyo na ito ni Evo.”
Ngumit siya sa kaibigan. “Salamat, Eunice.”……..