Chapter 1
Heaven's POV
Fairytale?
Just because I am a princess, does not mean I'm a believer of it. I'm no where near fairytale's princesses.
I live in a palace but not in a kingdom.
I don't have slaves but I have familiars.
I don't have carriage but I have vampire speed.
I don't have crown but I have cape.
They met their knights for being weak but I met my knight for being a disaster.
I don't have a prince, but I have my mate.
Tunay ngang walang permanente sa mundo. Lahat ng nakasanayan mo, maaaring mawala. It's either inadvertently or neglected. May mga bagay talagang kahit gaano mo katagal inalagaan, isang pagkakamali mo lang, maaaring maglaho na parang bula. Mga bagay na hindi mo inaasahang mawawala pa.
Year 2100...
It's been 80 years mula nang permanente na akong tumira dito sa Alucard Palace. Hindi dahil ginusto ko, kundi dahil kailangan.
I killed Tristan way back then.
Sabay naming hinarap ni Hell ang kaparusahan. Tinanggap ko ang kaparusahan at hindi na muling tatapak sa mundo ng mga tao. Isa pa rin lamang akong prinsesa at ang aking amang si King Master Racul pa rin ang namumuno sa buong alucard.
Mamamana ko lamang ang trono pagtuntong ko ng 100 years old, which is 2 years from now.
Nasanay na ako rito sa Alucard Palace. Na sa tingin ko'y siyang makabubuti sa akin. I am currently looking over the whole Alucard from the balcony of my room here in the palace. Maraming mga bahay ang aking natatanaw.
Mga batang bampira na tila mga normal na tao dahil naglalaro sila at naghahabulan. Minsan pumapasok pa rin sa isip ko ang mundong kinalakihan ko. Malaki na kaya ang pinagbago ng mundong iyon? Ilang beses ko nang tinangkang magtanong sa mga daywalkers ngunit pinipigilan ko ang sarili ko.
I don't want my past to haunt me. Masaya na ako rito. Ayoko na ng komplikasyon.
The life that I have now is like a dream.
Contented.
Happy.
And peaceful.
But I know it's just a Beautiful Nightmare. And soon, I have to wake up and face another disaster.
—
Bata pa lamang ako ay namuhay na ako sa kasabihang maikli lang buhay ng tao dahil sa isang iglap lang ay nawala ang aking ina. Pakiramdam ko ay hindi kami nagkaroon ng sapat na oras at pinagkaitan ng pagkakataon na magkasama nang mas matagal.
Marami akong pinanhinayangan na sana ay ginawa ko na noong nabubuhay pa si mama. Ngunit imbis na mas lalong masayang ang oras ko ay mas pinili kong kumilos. Oo nga at maikli lang ang buhay, kaya piliin mong maging masaya. Ngunit noon ay hindi ko alam kung paano nga ba sumaya. Kaya pinili kong maghinganti upang hindi masayang ang maikli kong buhay.
I did everything upang mahanap ang mga dahilan kung bakit kami nagkahiwalay ni mama. Ngunit iba ang natagpuan ko. Hindi ang mga may kasalanan ang nahanap ko kundi ang tunay kong pagkatao at ang mundong totoong kinabibilangan ko. Nakilala ko ang lahi ng mga bampira na kinalikihan kong kamuhian na lingid pala sa kaalaman ko’y ang lahing kinabibilangan ko.
Ang pagkamuhi kong iyon sa kanila ang naglapit sa amin. Doon ko nakilala si Hell. Na hindi ko pa naman alam na aking mate ay naramdaman ko na agad ang koneksyon sa amin.
Pero ang kasabihang maikli lang ang buhay ay hindi pala naaangkop sa amin. Because we are immortals. Ilang dekada na rin ang nagdaan ngunit nanatili kaming buhay. Halos hindi rin tumatanda ang hitsura namin. And that is because we are coldblooded.
Sa ilang dekadang pananatili ko rito sa Alucard ay halos iisa lang ang mga nakasanayan kong gawin.
Nakagawian ko nang tumambay rito sa balkonahe ng kuwarto ko kung saan nakaharap sa bilog na bilog na buwan. Sadyang napakalaki nito na tila kaunting lakad na lamang ay maaabot ko na ito. This is my most favorite part of Alucard.
"Prinsesa Heaven!" Narinig kong tawag mula sa ibaba at nakita ko si Burn na kumakaway sa akin. Bahagya kong itinaas ang kamay ko bilang ganti sa kaway niya.
Burn is a 50-year old vampire. Daughter of Tyco and Fire. Yup, they ended up together. How is that? I seriously don't know. Noong mga unang taon ko kasi rito sa Alucard ay mas madalas sila sa mundo ng mga tao kaya hindi na ako gaano nakakabalita sa mga nangyayari sa kanila. Maging si Hell ay nagulat nang pagbalik nila rito ay sila na at may namamagitan na sa kanila. Well, I'm happy for the both of them. Kitang-kita sa kanilang dalawa na nagmamahalan sila.
Ipinatong ko ang aking mga kamay sa concrete handrail at muling dinungaw ang ibaba kung saan naghahabulan ang mga batang bampira.
"Enjoying the view?" tanong mula sa bagong dating na nilalang sa may gilid ko. Hindi na ako nagulat sa pagsulpot niya dahil tuwing ganitong aras ay pinupuntahan niya talaga ako rito. He knows that this is my favorite spot.
"You're five minutes late," sabi ko nang hindi siya nililingon. Hindi ko rin pinansin ang tanong niya.
"Naglaro lamang kami ng ilang reapers ng football," ani Hell at tumango ako. Kakaibang paraan ng football ang laro dito ng mga bampira. Maraming goals at talagang kakailanganin ng lakas at bilis.
Umupo siya sa handrail at lumapit sa akin kaya tiningala ko siya. Hinawakan niya ang kamay ko at mabilis akong hinila upang mapaupo at mapatabi sa kanya. Nakaharap kami sa nagliliwanag na buwan.
"Heaven, you've been here in Alucard for 80 years. Aren't you tempted to go back in your world?" tanong niya at sinalubong ko ang kanyang mga tingin. Bakit bigla niya namang naitanong ’yon?
"Tempted," I admit at muling ibinalik ang mga tingin ko sa buwan. "Always," I added.
"Anong pumipigil sa iyo upang hindi bumalik sa mundo ng mga mortal?" Hindi niya inaalis ang titig niya sa akin at alam kong binabasa niya ang mga mata ko.
Marahan akong tumawa. "Punishment. What else?"
"Alam kong alam mong kapuwa tayo pinawalang sala sa pagpatay natin sa mga mortal. Pinawalang sala ako dahil ipinagtanggol kita, pinawalang sala ka dahil prinsesa ka." Alam niya ang tungkol doon? Ang buong akala ko ay ang Alpha, Master Racul, Vlad at mga reaper lamang ang nakakaalam.
"Alam mo?" Muli ko siyang binalingan ng tingin.
"Katulad mo, lihim din akong pumunta sa paglilitis," pag-amin niya.
"Pero...pero bakit hindi ka nagreklamo?" takhang tanong ko.
Noong nagpupulong ang mga nakatataas pang miyembro ng Alucard, ang lahat ay sumang-ayon na mapawalang sala kami ni Hell dahil sa balidong rason. Ngunit narinig ko rin nang sinabi ng Alpha na hindi na lamang ipapaalam sa akin ang resulta dahil natatakot siyang hindi na ako muli pang bumalik ng palasyo.
"Dahil hindi ka nagreklamo," simpleng sagot niya.
"But—Hell, mas sanay kang mamuhay sa mundo ng mga mortal. Bakit hinayaan mong makulong ka rito sa loob nang mahabang panahon?" He's unbelievable.
"You're already here. Why would I still go there?" Napangiwi ako sa sinabi niya. "I can live here forever...with you," dagdag niya at napabuntong hininga ako.
"Ayoko lang naman na magkaroon ka ng kakulangan dahil sa pagkasabik mo sa mundo ng mga mortal," I sincerely said. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Hinawakan niya ako sa baba at iniangat ang mukha ko.
"Kakulangan? Ikaw lang ang kulang sa buhay ko noon, Heaven. Sa paglagi natin dito sa Alucard nang mahabang panahon, nabakasan ba ako ng pagkasabik sa mundo ninyo? Do you see me craving and tempted to escape from reapers?" malambing niyang tanong at natahimik ako.
He never dared to escape from reapers. Hindi siya nagtangkang tumakas upang pumunta sa mundo ng mga mortal. Sa tagal ng paglagi namin dito ay totoong naging masaya siya. At naramdaman ko ‘yon.
Naging kuntento siya.
Hindi siya nagsasawang palaging pumunta rito upang magkasama kami. Hindi ko siya nakakitaan ng pagkasawa at pagkaumay sa paikot-ikot at paulit-ulit naming ginagawa.
"I don't need much, Heaven. You are enough. More than enough," sinsero pa niyang sabi. How would I not love this man? Sa tagal ng pagsasama namin, he still can gives me butterflies in my stomach.